Part 11

2.4K 209 13
                                    


NAGULAT isang umaga si Jace nang yayain siya ni Damon na mamasyal sa downtown.

"May sakit ka ba?" pabirong tanong niya dito habang kinukuskos ng tuwalya ang kanyang basang buhok. Magkasunod silang naligo kanina ni Damon. Tinukso pa sila ni Miranda na hindi na lang daw sila sabay na naligo para tipid sa tubig.

Umiling-iling si Damon. "Magbihis ka na, baka magbago ang isip ko."

"Ganyan ka ba talaga? Ang barubal mo. Wala kang karinyo, wala kang lambing!"

He scoffed. "Gusto mo lambingin na naman kita?"

"Uy, Damon, ha? Hindi lambing ang ginawa mo sa akin noong isang gabi."

"Ano tawag mo doon?"

Nag-iwas siya ng mga mata mula dito. "A-ano, inakit mo ako. Seduction. 'Yun. Seduction ang ginawa mo sa akin. Iba 'yun sa lambing."

"Pareho lang 'yun!"

"Magkaiba 'yun! Sex ang kapupuntahan ng seduction, 'yung lambing ay hindi ganoon. Hindi lang basta halik-halik o yakap-yakap. Maging sweet and thoughtful ka naman sa akin, bigyan mo ako lagi ng atensiyon; ilabas, ipasyal, ganoon. Para naman hindi ako mahirapang magkunwaring isang babaeng pakakasalan mo, ano?"

"Kaya nga kita ilalabas ngayon. Ang dami mo talagang demands."

"Sorry naman! Parang ano lang kasi, feeling ko minsan ay nagtataka yata ang pamilya mo kung paano kita nagustuhan, e mas gusto mo manood ng TV kesa kausapin ako."

"Mas gusto mo namang magbasa o kausapin si Kuya Lucius kesa bigyan ako ng atensiyon," ganti naman ni Damon.

Hindi niya kinontra iyon dahil totoo. "Okay. Basta maging sweet na lang tayo sa isa't-isa, okay?"

Ngumisi si Damon, pilyo. "Hindi ka ba nangangamba na baka kung maging sweet ako sa iyo ay mahulog ang loob mo sa akin?" tudyo nito sa kanya.

Ngumisi din si Jace, hindi nagpayanig. "I know what I want, Damon," matigas niyang sabi. "Gaya ng sabi ko sa iyo... Hindi. Kita. Type," diin pa niya.

Tumawa ang binata. "Ingat lang, baka kainin mo lahat ng mga sinabi mo."

Sinundot niya ito sa dibdib. "Baka naman ikaw ang natatakot na magkagusto sa akin kaya ayaw mong maging sweet?!"

Mahinang itinulak ni Damon ang kanyang noo. "Hindi. Rin. Kita. Type. Nakakalimutan mo na ba?"

Humalakhak si Jace, malakas at nakakaloko. "Kaya pala muntik ka nang makipag-sex sa akin."

Nakangiting tumango-tango naman ang lalaki. "You're just so naive, Jace. So naive."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"It was just lust, babe. Nothing more. Bumigay ka din sa mga sandaling iyon, hindi ba?"

Napalunok siya. "N-natukso lang naman ako. Tao rin lang ako, 'no?

Mahina sa tukso. Hindi nangangahulugang type na rin kita." Bakit parang ang defensive ng tono ng pananalita niya?

"Right. Ganoon din naman ang nangyari sa akin. Natukso."

Nakahinga siya nang maluwang. "O, 'di nagkakaintindihan naman pala tayo."

Umupo si Damon sa kama't nag-dekuwatro. "Sige na, magbihis ka na," pagkuwa'y sabi nito. "Mamayang hapon ay tutuloy tayo kina Tiyo Teodoro, para makilala mo rin ang pamilya niya."

"Paano ako magbibihis, e nandiyan ka?" singhal niya naman.

Tumawa ito, nang-aasar. "Pagtatalunan na naman ba natin ito?"

Pasko Na, Jacinta KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon