BIGLA ang akyat ng dugo sa ulo ni Damon nang matanaw mula sa bintana ang isang eksena. Sinasabi na nga ba niya! Kaya ba kanina pa siya hindi makatulog-tulog at panay ang silip sa bintana. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang kanyang nakatatandang kapatid pagdating sa kanyang nobya— shit, kunwaring nobya lang pala. Hayun ang gago at niyayakap si Jace. Son of a bitch!
Dali-dali siyang lumabas ng cottage at patakbong lumapit kina Lucius at Jace na napansin ang presensiya niya nang may sampung metro ang layo niya sa mga ito. Humiwalay si Jace mula sa pagkakayakap ni Lucius ngunit hawak pa rin ng huli ang isang braso ng dalaga.
"What the fuck are you doing with my fiancee?" malakas na sita ni Damon sa kapatid.
"Ikaw ang dapat sumagot niyan," matigas namang sabi ni Lucius. "Ano'ng ginawa mo kay Jace? God damn it, Dominador! Kelan ka ba magtitino? Kaya walang babaeng nagtatagal sa iyo—"
"Wala kang pakialam sa buhay ko!"
"H-huwag kayong mag-away," awat sa kanila ni Jace, pumagitna sa pagitan nilang magkapatid.
"Nalulungkot at nanghihinayang lang ako't hindi maganda ang trato mo sa iyong nobya."
Naihilamos ni Damon ang isang palad sa mukha, nagpipigil sapakin si Lucius. "What the fuck are you talking about? Andami mong alam!" angil ni Damon kay Lucius. "Why can't you just move on, huh? Kailangan mo pa ba talaga akong gantihan sa pag-iwan sa iyo ni Aila? Hindi ko siya inagaw sa iyo!"
Noon na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Lucius, lumarawan dito ang poot. "You loved her and she was in love with you!" puno ng pang-uyam na sabi nito. "Iyan ang katotohanang ipinagkait ninyong sabihin sa akin!"
Nakita ni Damon na nanlaki ang mga mata ni Jace sa kanya.
"Pinagmukha n'yo akong gago," panunumbat pa ni Lucius.
This had been a long overdue. Hindi sila nagkaroon ng ganitong pagtatalo ni Lucius noong iwan ito ni Aila. Kahit noong nahuli sila nitong naghahalikan ay hindi ito nagwala. Kinompronta siya nito ngunit hindi lumawig ang kanilang pagtatalo dahil iniwasan na lamang siya nito. At alam niya kung bakit, natatakot marinig ni Lucius ang katotohanan mula sa kanya. Magmula noon ay mas lalong lumawak ang agwat nilang magkapatid, mas kumapal ang pader sa pagitan nila.
"Alam mo ang totoo, Kuya. Huwag mong ikaila," depensa ni Damon.
You knew that Aila loved me and not you, but you still pursued her. Ginawa mo 'yun dahil alam kong ayaw mong mauwi siya sa isang kagaya kong talunan! At ganoon uli ang ginagawa mo ngayon, you are trying to pull my fiancee away from me, because to you, I am just some fucking loser who doesn't deserve anybody!" Sige, magkakaalaman na! Sasabihin na niya ang lahat-lahat ngayon. "Isa ka sa mga dahilan kaya ko iniwan ang Estrella. Sawang-sawa na kasi akong mabuhay sa ilalim ng anino mo. I'm sorry, but I can't be like you, alright?" pag-amin pa niya.
Humihingal si Damon sa galit na naipon nang mahabang panahon. Dapat noon pa niya sinabi ang lahat ng ito. "Gustong sumama sa akin ni Aila sa pag-alis ko pero iniwan ko siya, ang totoo ay pinapabalik ko siya sa iyo. Dahil alam ko na ikaw ang lalaking mas karapat-dapat sa kanya. Kaya kahit mahal ko siya ay hindi ko siya niligawan. At mas lalong hindi ko siya inagaw sa iyo. That kiss that you saw... She was the one who initiated it, and I was a fool to kiss her back."
Kapwa natahimik sina Lucius at Jace sa mga ibinunyag ni Damon.
"That's why there is no reason for you to do this. Just leave me and my fiancee alone," matiim niyang sabi kay Lucius at hinawakan sa braso si Jace saka hinila palapit sa kanya.
Iwinaksi naman ng babae ang kamay niya. "I'm not your fiancee!"
Great. Just fucking great! Lasing pa yata ang kunyaring nobya niya.
BINABASA MO ANG
Pasko Na, Jacinta Ko
RomancePHR book published in 2016 Christmas story Short and fast read Happy ending