Part 3

2.8K 208 5
                                    


UMURONG nang 'di oras ang mga luha ni Jace sa narinig mula kay Damon. Lasing yata ang beki?!

Ngunit hindi naman ito nagpaliwanag agad hangga't hindi siya nito napilit na kumain. Ito pa ang naghanda ng dalawang Lucky Me Supreme chicken noodles at hopia sa mesa.

"Kailangan mo ng pera, hindi ba? Kailangan ko rin. Kailangang-kailangan, actually. At may naiisip akong paraan upang masolusyunan ang problema natin," sabi sa kanya ni Damon sa gitna ng pagkain.

Panay naman ang subo ni Jace ng noodles, nakatingin lang dito. Pera ang usapan, interesado siya.

"Magpapanggap tayong may relasyon at ikakasal. Uuwi tayo sa amin, sa Estrella. Ibibigay sa akin ng parents ko ang share ko sa pera ng pamilya namin once na nalaman nila na mag-aasawa na ako."

Ilang beses nagpakurap-kurap si Jace sa mga narinig. "E, hindi ba bading ka?"
Ngumiwi si Damon. "O-oo, pero gaya ng sabi ko sa iyo, hindi pa iyon alam ng pamilya ko."

"So, kailangan lang nating gawin ay magpanggap tayong mag-jowa?"

"Exactly. At kapag ibinigay nila ang pera ko, hahatian kita."

Namilog ang mga mata ni Jace. Susme, gaano na lang ba kahirap ang magpanggap na girlfriend ni Damon? Bading naman ito, so keri lang. Walang malisya, 'di ba? Kahit magtabi pa sila sa higaan, kahit maghubad pa sila sa harapan ng isa't-isa ay puwedeng-puwede. Although may naramdaman siyang hiya at malisya nang makita siya nitong hubo't hubad sa banyo. Ewan ba niya pero pakiramdam niya ay lalaking-lalaki si Damon nang nakatingin ito sa kahubdan niya. Ugh. Kung bakit naman kasi ang guwapo at ang macho ng beking ito?! At nagkaka-crush pa yata siya dito!

"Pumapayag ka na?" untag ni Damon.

"K-kailan tayo uuwi sa inyo?"

"Sa lalong madaling panahon. Kailangan natin sila makumbinse hanggang Pasko."

"Hanggang Pasko? So, parang isang buwan tayo doon?"

"Oo. Jobless ka naman ngayon, so puwede ka—"

"Sige, ipangalandakan mo pang jobless ako!" Naiiyak na naman siya. "Magpa-Pasko at wala akong trabaho. Balak ko pa naman sanang bumili ng smartphone mula sa bonus ko para palitan na ang antigong Nokia ko. Pero ang lecheng pinagtrabahuan ko at wala man lang ibinigay na severance pay!"

Lumipat sa silyang katabi niya si Damon, umakbay. "Isipin mo na lang na baka blessing in disguise 'yan. Kanina ay iniisip ko kung paano kita maiuuwi sa amin dahil may trabaho ka dito, tapos malalaman kong wala na pala. See? Umaayon ang pagkakataon sa atin, Jace. Magtiwala ka lang na gagana ang pagpapanggap natin," pang-aalo nito sa kanya.

"Sa tingin mo maniniwala sila? Paano kung gusto nilang hintayin na makasal tayo bago ka bigyan ng pera?" dudang tanong niya naman.

"Idadahilan nating tayo ang magpa-plano ng kasal natin at kailangan natin ng pera para doon."

"Tapos kunwari bigla tayo maghihiwalay, ganoon?"

"Hey, shit happens, right? Mag-asawa nga naghihiwalay, magnobyo pa kaya? Hindi na magiging kataka-taka iyon para sa ibang tao."

Nagpahid siya ng mga basang mata. May pag-asa pa. Baka tama nga si Damon, blessing in disguise ito. Isa pa, magpa-Pasko na, mahirap maghanap ng bagong trabaho.

"O-okay, pumapayag na ako."

Nagliwanag naman ang mukha ni Damon. "Kaya mong umaktong girlfriend ko?"

"Sus, andali lang 'yun."
Ngumisi ito. "Talaga?"

Napalunok siya nang 'di-oras nang makipagtitigan siya dito. "O-oo. B-beki ka naman, 'di ba?" nauutal na sabi niya.

Pasko Na, Jacinta KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon