HILING lamang ni Jace sa loob-loob ay hindi halata ni Lucius na may crush siya dito. Pero kahit na siguro mahalata nito ay may mabigat naman siyang magiging excuse kung sakali. Kasi, sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa lalaking ito? This man was a total package!
Hindi lamang guwapo si Lucius kundi matalino rin ito. Honor student ito magmula pa elementarya at nagtapos ng kursong B.S. Economics na cum laude. Hindi lamang iyon, napakabait nito, at responsable pa. May sarili na itong bahay at maganda ang pamamalakad nito sa restaurant business ng pamilya Villalobos.
"So, what do you think about Estrella, so far?" tanong ni Lucius sa kanya habang nasa veranda sila nito't kumakain ng leche flan.
Katatapos lang ng hapunan at pangalawang gabi nang pumaparoon si Lucius sa bahay ng mga magulang nito at nawiwili yatang kausap lagi si Jace. Interesante namang kausap ang lalaki, seryoso, at mukhang may prinsipyo sa buhay. Nang ikuwento dito ni Jace ang life story niya ay tila mas naging interesado itong kausap siya. Humahanga daw ito sa kanya't naiangat niya ang sarili nang nag-iisa. Pakiramdam niya tuloy ay superwoman siya dahil sa mga papuri nito.
At napapansin ni Jace na iniiwasan ni Damon ang nakakatandang kapatid nito dahil hindi halos nag-uusap ang mga ito. Kaya naman solong-solo niya ngayon si Lucius. Nasa kuwarto naman nito si Damon at nanonood ng TV.
"It's a very nice place. Gustong-gusto ko dito kahit sa downtown pa lang ang napupuntahan ko," sagot niya.
"Hindi ka pa ba ipinapasyal ni Damon?" nagtatakang tanong uli ni Lucius. "May magandang ilog dito, malaking botanical garden, mayroon ding museum at 'yung lumang basilica ay may catacomb at koleksiyon ng mga lumang painting."
Umiling siya. Hindi niya ipinahalatang dismayado siya sa mga narinig. Gustong-gusto niyang magliwaliw ngunit tila hindi interesado si Damon na samahan siya. Nahihiya naman siya sa pamilya nitong lumabas mag-isa dahil baka magpumilit na samahan siya ng mga ito. Ayaw niyang maging abala hangga't maaari.
"Hindi pa ako nakakalabas ng bahay, okay lang naman kasi matagal pa naman kami dito," dahilan naman niya, kaso hindi niya yata talaga naitago ang pagkadismaya.
"Hindi naman ako masyadong busy lately sa restaurant, puwede kitang ipasyal."
"Naku, huwag na, Lucius!" tanggi ni Jace ngunit salungat ang tunay niyang nararamdaman. Gustong-gustong-gusto niyang mamasyal kasama ang guwapong mamang ito! "Nakakahiya naman sa iyo. Masyado ko nang naaabala ang pamilya n'yo—"
"I insist. Kung hindi available si Damon na ilabas ka, ako na lang ang kasama mong lalabas. Wala namang masama doon dahil magiging hipag na kita, hindi ba?"
Pinilit niyang hindi mangiwi sa huling sentence ni Lucius.
"Para mas makilala natin ang isa't-isa," pamimilit pa nito.
Nagpasya siyang huwag nang magpakiyeme pa. "Sige."
HINDI maitago ni Damon ang inis dahil tatlong araw nang naglalagi sa kanilang bahay ang kanyang nakatatandang kapatid. May gusto pa yata ito sa pekeng nobya niya dahil lagi nito itong kinakausap. Great. Just fucking great. At ang tinamaan ng magaling namang si Jacinta at tuwang-tuwa pa sa atensiyon na ibinibigay dito ni Lucius.
Para siyang hindi maihing pusa na palakad-lakad sa loob at labas ng bahay isang hapong hinihintay niyang dumating si Jace at Lucius. Mamamasyal daw ang dalawa sa Rio Delfino, ang pamosong ilog ng Estrella kung saan nagiging sikat na ang tubing at kayaking doon. Maganda ring camping at picnic ground ang magkabilang pangpang.
Halos umusok ang ilong niya dahil ni hindi man lang siya tinanong ng dalawa kung gusto niyang sumama. Basta nagpaalam na lamang bigla si Jace na nakasuot ng maikling summer dress. Naghihintay naman dito si Lucius sa itim na Toyota Rav 4 nito sa driveway ng bakuran. What more, ni hindi hinintay ni Jace na umoo siya. Patakbo na lang itong umalis ng bahay, iniwan siyang literal na nakanganga.
Pagdating ni Jace sa bahay ay agad niya itong kinastigo pagkapasok sa kanilang silid.
"What the hell, Jace? Maganda bang tingnan na kasama mo buong maghapon ang kapatid ng nobyo mo? Andaming mga tsismosa dito, ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?"
"Excuse me!" mataray namang singhal ng dalaga. "Pekeng nobyo. Please, linaw-linawin mo naman ang papel mo sa buhay ko, Damon. Hindi kita type maging boyfriend, ano?"
Ang talim talaga ng dila ng babaeng ito. "Bakit dahil nakilala mo ang kuya ko?" paratang niya.
"Dahil hindi ikaw ang ideal man ko, Damon!"
Sarkastiko siyang tumawa. "Ano'ng klaseng lalaki ang ideal man mo? At hindi mo rin ba naiisip kung magugustuhan ka rin ng lalaking 'yun? Dahan-dahan lang sa pagpapantasya, Jacinta."
"Oh, wow! Sino kaya sa atin ang nabubuhay sa pantasya? Ikaw ang hindi nakaapak sa lupa, Dominador. Gusto mo ng klase ng buhay na parang sa pelikula, 'yung buhay na madali at perpekto, 'yung nananalo at sinuswerte lagi ang bida. But, guess what? Hindi ganoon ang buhay!" sermon ni Jace sa kanya na kumukumpas-kumpas pa ang mga kamay sa mukha niya. "Matuto kang magbanat ng mga buto para umasenso, hindi lang 'yung umaasa sa panalo sa sugal. Ugh! You even suck in gambling, I heard!"
Bumayo ang kamao ni Damon sa dingding. Putang-inang buhay ito, siniraan lang naman siya ng kanyang pamilya sa babaeng magiging ticket niya sana para magkapera.
"Magdesisyon ka na kung itutuloy pa ba natin ang palabas o kumakalas ka na," sa inis ay nasabi niya sa babae, nagtatagis ang mga ngipin.
"Napaka-imposible mo talaga! Ganyan ka ba mag-persuade sa isang babae? Tama nga si Lucius, wala kang lambing sa katawan."
"Lambing? Iyon lang ba ang kailangan mo? Fine! Lalambingin kita ngayon." Lumapit siya kay Jace at hinapit ito sa beywang. "Ganito ba ang gusto mo?" mariin niyang sabi dito saka inilapit ang bibig sa leeg nito.
"D-damon, bitiwan mo nga ako," sabi naman ni Jace ngunit hindi naman ito gumagalaw para magpumiglas.
"I can drive you weak to your knees if I want to, Jace." He ran his tongue over her neck and then nibbled her earlobe. Damn, she tasted good.
"H-hindi ganitong lambing ang ibig kong sabihin, Dominador," anang dalaga, nanginginig at paos ang boses, paisa-isa na lang kung huminga.
"Right." He rubbed her arm upwards, slowly and then cupped one mound of her breasts.
"Damon..." she moaned. Her eyelids looked droopy and her face flushed. She looked lovely, a very sensual woman.
His other hand kneaded a heap of her buttocks while he was wetting her lips with his tongue. And when he proceeded to claim her mouth, Damon almost went insane. Aaminin niyang pinanabikan din niya ang bibig ng dalaga mula nang magsalo sila nito sa isang mainit na halik sa silong ng puno ng langka. Palabas lang iyon, pero ang halik niya ay totoo, ang naramdaman niya ay totoo. Tinablan siya ng halik na iyon, nag-init ang kanyang katawan sa matinding pangangailangan.
Her sexy mouth tasted so good he didn't want to stop kissing her. Ginagalugad ng kanyang dila ang lahat ng sulok ng bibig ni Jace at hindi tumitigil ang kanyang mga kamay sa paggalaw sa dibdib at pang-upo nito. She was squirming against him, whimpering in pleasure; fingering his hair. And then flames of desire tormented him big time when she began rubbing her groin against his thigh that was placed in between her legs.
Shit. Damon wanted to stop but he couldn't. Pati siya ay nadadarang na rin sa ginagawa niyang 'paglalambing' kay Jace. She was setting him on fire. And now, he wanted her. Badly.
BINABASA MO ANG
Pasko Na, Jacinta Ko
RomantiekPHR book published in 2016 Christmas story Short and fast read Happy ending