This is a very short story that just happened recently.
Mag aala una na kaming natapos ng kapatid ko sa mga gawain namin sa school. Hindi niyo kami masisisi na ganitong oras na ang tulog namin kasi isa akong architecture student kaya maraming akong hinahabol na deadlines. Ewan ko lang sa kapatid ko pero mukhang school works din ang tinapos niya.
Nang matapos naming iligpit ang mga gamit namin, we turned off all the lights dito sa sala at sa area ko. Kaya ang maliit na ilaw mula sa labas na bumanda nalang dito sa loob ang nagsisilbing ilaw namin papunta sa kwarto.
Nauna ang nakababata kong kapatid na pumasok at ako naman, hindi ko nakita na hinintay niya pala akong pumasok. Naka extend 'yung kamay ko kasi nga itutulak ko na sana 'yung pinto.
Kaya ang ending nasapak ko siya sa nakaextend kong kamay. Sino ba naman ang magaakalang pinagbuksan na pala ako, sobrang dilim kaya.
Natatawa at tahimik kaming nagtalo sa loob ng kwarto namin.
"Walang hiya ka ate, ang sakit ng ilong ko." Bulong niya sa akin, naramdaman kong tinaas niya ang kamay niya na balak rin akong sapakin pero nakailag ako. Madilim din dito sa loob kasi tulog na 'yung parents namin. Nasa iisang kwarto lang kasi kami.
"Hindi mo kasi sinabing binuksan mo na para sa akin."
"Hoy." Natahimik naman kami nang sawayin kami ng mother namin, kahit mahina lang ang bulungan namin narinig pa rin niya.
Bigla siyang tumayo at lumabas, tinanong pa ng kapatid ko kung saan pupunta.
"CR." Simpleng sagot niya. Umakyat na kami papunta sa kanyang pwestong matulog at inaayos pa ang sleeping arrangement ng mga unan ko saka ako nagpray, dapat hindi mawala 'yan before and after matulog.
Saktong pagsign of the cross ko, bumalik na si mother dear at pinagalitan kami bigla.
"Bakit hindi niyo in-off 'yung mga ilaw sa labas?" Naloading ako bigla.
"Hah? Inoff namin oi." Sagot ko naman.
"Off sa imong nata. Tingnan niyo, ang liwanag sa labas." Dahil naka double deck kami at nasa taas ako, kitang kita ko talaga na maliwanag nga sa labas. Sa mismong area ko.
"Meh, pramis inoff namin ni ate 'yan. 'Diba teh?"
"Oo oi. 'Yung dahilan nga ng pagtatalo namin ay dahil wala kaming naaninag sa dinadaanan namin dahil ang dilim talaga. Wala ng ilaw diyan sa labas kaya nasapak ko 'tong isa."
"Oo meh, ang brutal ni ate."
"Eh, sinong nagpailaw dito? Kung hindi kayo?"
"Aba ewan! Hala." Sabay naming saad.
🙂
BINABASA MO ANG
True Horror Stories (Tagalog)
HorrorMga kuwentong hango sa totoong pangyayari. Mga kuwentong naranasan namin at mga ibinahagi sa akin ng iba. Kung mayroon kayong ganitong karanasan na gustong niyong ishare, feel free to message me here and I'll try to publish it for you.☺️ Happy Rea...