"Bea, tulungan mo kaya ako dito!" reklamo ni Maricel habang dinala yung mga basket papunta sa labas.
"Hala siya! Nakita mo naman na dala ko rin tong isang balde tapos gusto mo pa na tulungan kita? Ang tindi mo!" sabi ko sa kanya.
"Hmmpp...bahala ka na nga diyan." sabi niya sa akin sabay irap. Hmmmpp..hindi ka naman maganda! Joke lang!
"Pagkatapos natin iligpit toh, tingnan mo na yung sinaing mo doon. Baka nasunog na yun." sabi ko sa kanya at nilapag na tong mga gamit na dala dala namin.
"Opo madam." sabi niya sa'kin.
Pagkatapos ng ilang minutong pagliligpit sabay nalang kaming pumunta sa loob ng bahay. Tiningnan niya yung sinaing at sinabi na malapit na daw matapos.
Pumunta muna kami sa loob ng salas at naglalaro ako ng laptop namin habang siya naman ay nanood ng T.V
Mayamaya, may narinig naman kaming kalaskas sa kusina. Napatingin naman sa'kin si Maricel.
At, may narinig din kaming boses ng isang lalaki sa may labas ng kusina.
"Maricel, sino yun?" tanong ko sa kanya.
"Baka sila lolo mo yun. Dumating na siguro." sabi niya sa akin at tumayo siya para tignan ito.
MARICEL'S P.O.V
Pumunta ako sa kusina para tignan kung sino yung nagsasalita dito kanina. Sa totoo lang, natakot na ako. Pero hindi ko nalang yun pinahalata kay Bea kasi alam ko naman na mas lalo pa akong takutin nun.
Malapit na ako sa may counter ngunit may nahagilap naman ang gilid ng aking mata. Parang isang lalaki na nakatayo sa may lababo. Dahil sa takot ko, agad kong sinara yung pinto sa kusina at dali daling pumunta sa salas.
"Oh, Maricel? Anong nangyari sayo?" tanong ni Bea sa akin.
"Bea, samahan mo ako sa kusina." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Takot mode on ka nanaman? Ano ba kasi ang nangyari sayo hah?" tanong naman niya.
"Basta, mamaya ko nalang ikukwento. Samahan mo muna akong patayin yung sinaing ko." sabi ko.
"Hay naku Maricel! Kahit kailan. Matatakutin ka talaga." sabi ni Bea.
"Heh, parang siya hindi." sabi ko naman sabay irap.
"Oo, aaminin ko. Matatakot ako, kapag nakakita. Tulad na nga yung nakita natin doon sa sementeryo." ayan nanaman siya, binalik niya nanaman yun.
At, naamoy na nga namin yung sunog.
"Maricel??" -Bea. Nagtininginan kaming dalawa sabay sigaw ng....
"YUNG SINAING MO/KO!!!"
Kaya nagsitakbuhan papunta sa may sainganan.
==============================================================================================================================================================================================================================================================================================================================
Hindi naman masyado nakakatakot tong kwentong ito. Pero, tumayo balahibo ko nito. Hihihi, pambawi na rin sa tagal ng update.
Bye, God Bless you....Mwah.😍😍
BINABASA MO ANG
True Horror Stories (Tagalog)
HorrorMga kuwentong hango sa totoong pangyayari. Mga kuwentong naranasan namin at mga ibinahagi sa akin ng iba. Kung mayroon kayong ganitong karanasan na gustong niyong ishare, feel free to message me here and I'll try to publish it for you.☺️ Happy Rea...