"Nay, maniwala ka nga sakin. Totoo naman kasi eh." sunod sunod niyang sabi ni Nanay.
"Hay naku! Jessalyn. Hindi ka pa ba tapos diyan? Naiirita na ako sayo." sabi naman ni nanay.
"Eh, hindi ako titigil dito hangga't hindi ka naniniwala sa akin." sabi niya dito.
"Jessalyn pwede bah. Wag mong dalhin dito ang ka praningan mo. Oh ito, walis. Walisin mo yung mga damo sa labas ikaw dito sa loob Marilyn at ako aalis muna." sabi ni nanay.
"Teka, teka. Iwanan mo kami dito? Nay naman." sambit muli ni Ate.
"Babalik din ako agad." saad ni nanay bago umalis.
"Marilyn, samahan mo ako doon sa labas." bulong ni ate sa akin.
"Ate, may ibinilin din si nanay sa akin dito. Ano ka ba." sabi ko at iniwan siya.
JESSALYN'S P.O.V
Ano ba naman toh sila oh. Ayaw maniwala.
Padabog akong lumabas at nagsimula ng mag-walis.
*
"Psst..." napalingon ako sa direksyon kung saan may sumisit.
"Psst..." at tumalikod ako kasi doon nanaman.
Pero nagulat ako ng makita ang isang matandang babae na naka upo sa may upuan dito sa bakuran. Naka side view siya pero hindi ko maaninag kung sino kasi malayo siya sa kinaroroonan ko.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya at tanungin siya.
"Ahm, excuse me. Sino po sila?" tanong ko sa kanya. Mga sampung lakad pa ata para makarating ako sa kanya pero mukhang wala siyang narinig.
"Nanay? Ano pong kailangan niyo?" tanong ko at humakbang ng kaunti. Wala siyang kibo at steady and straight ang pag-upo niya. Medyo tumayo ako ng balahibo ng anim na hakbang na sana at muntik na akong mapasigaw ng dahan dahan itong lumingon sa akin.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nawala sa isip ko ang matanda at sinagot ang tawag. Si Nanay pala.
Tumingin muli ako sa matanda pero nanlaki ang mata ko ng makitang WALA NA PALA SIYA DOON.
Inilibot ko ang paningin ko kung sakaling makita ko siya.
"Bulag ba toh oh ano?" tanong ko sa sarili ko ng makita ko ang matandang naglalakad at unahan niya ang pader.
"NAY!--" napanganga ako sa sunod kong nakita.
TUMAGOS SIYA SA PADER!
"Hello? Jessalyn?" rinig kong sabi ni Nanay sa kabilang linya pero nasa ganoong posisyon pa rin ako.
"WAAAAAAAHHHHHH....." sumigaw nalang ako at pumasok sa loob. Nakita ako ni Marilyn.
"Ateh! Ateh! Kalma ka nga! Anong nangyari sayo? HOY!" pinagsampal na niya ako dahil hindi pa rin ako tumigil sa pagsigaw.
"YUNG MATANDA! TUMAGOS! WAAAHHH..." para na akong baliw na naka akap kay Marilyn.
"Ano? Ate, hindi kita maintindihan. Para kang sinapian diyan. HOY!"
"Marilyn, maniwala ka sa akin. Please." tumutulo na yung luha at laway ko dahil sa kasisigaw.
"Teka nga. Kukuha muna ako ng tubig para naman kumalma ka." bumitaw siya sa akin at kumuha ng tubig.
"Oh, ito oh." agad kong ininom yung tubig habang hinihimas himas na ang likod ko.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo? Kulang nalang mag wrestling tayong dalawa diyan." pabirong sabi niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim.
"Kanina, diba. Nagwawalis ako. Tapos, may-may sumisit sa akin. Tapos, paglingon ko, may nakita akong matanda. Na-naka upo diyan sa upuan diyan sa bakuran. Tapos, tinanong ko siya kung anong ginawa niya doon, pero hindi niya ako sinagot. Muntik na nga akong sumigaw kanina kasi ang creepy niyang tingnan nung unti unti siyang lumingon sa akin. Then, nung tumawag si nanay sa akin. Nawala siya sa kina-uupuan niya at bigla nalang TUMAGOS SA PADER!" sinigaw ko na yung last at humahagulhol muli.
"Ate, guni guni mo lang yun."
"Anong guni guni? Ramdam ko ang presensya niya. Kaya impossibleng guni guni ko yun."
"Shhh, Oo na. Naniniwala na ako sayo."
"Talaga? Naniniwala ka sa akin?"
"Oo nga, pero siguradong sisermohan kananaman ni nanay pag sinabi mo yan kaya, quite ka nalang." napa-isip ako sa sinabi niya at tumango nalang ako. Sayang lang ang laway ko kung hindi naman ako paniniwalaan ni nanay.
PERO YUNG MATANDA!
================================================================================================================================================================================================================================================
Hindi ko alam kung matatawa o maawa sa ate niya. Iniimagine ko yung mukha niya dito. Kasi naman tong kaibigan ko, nagkwento nga ng horror pero binahagi pa yung expression ng ate niya.
Hindi ko nanaman tinupad yung sinabi ko nung una nito. Hay naku! Nakaka lerke. Pero, yan muna update. Pambawi.
God Bless you all.....
BINABASA MO ANG
True Horror Stories (Tagalog)
TerrorMga kuwentong hango sa totoong pangyayari. Mga kuwentong naranasan namin at mga ibinahagi sa akin ng iba. Kung mayroon kayong ganitong karanasan na gustong niyong ishare, feel free to message me here and I'll try to publish it for you.☺️ Happy Rea...