Sabi nila, kapag mag 10:00 pm daw ng gabi, at biglang may kumatok, huwag niyo daw bubuksan. Tanungin niyo muna kung sino, kapag walang sumagot huwag na huwag niyong buksan ang pinto.
Hindi ko na maalala ang panahon na iyon pero it was exactly at 10:00 pm nangyari ito.
Nagplano kaming matulog sa sala dahil mag mo-movie marathon kami. Halos lahat kaming mga bata nandito sa labas at kanya kanya ng higa habang nanood ng horror movie. (Hindi ko na maalala yung movie na pinanonood namin)
Habang nasa kalagitnaan na kami ng movie narinig naming may kumatok. Mahina lang yung volume ng TV kaya lahat kami napatingin sa pinto.
Sino ba naman ang hindi magulat kung serious ka na sa kakatutok sa TV ta's biglang may bumulabog sa iyo, diba magugulat ka?
Nagtinginan pa kami kung sino ang bubukas, kasi naka lock ito mula sa loob.
"Hoy! Argie, buksan mo." bulong ko sa katabi ko.
"Ayaw ko." sabi niya sabay tutok ulit sa TV.
Nainis ako sa kanya kaya inutusan ko siya ulit. Kaya padabog siyang pumunta sa may pinto namin at tumingin muna sa bintana.
Pero kunot noo siyang tumingin sa akin at sinabing...
"Wala namang tao." malakas ang kanyang pag kasabi kaya napatingin na rin sa amin yung mga pinsan namin.
"Anong wala, baka si papa (lolo namin) yun! Lagot ka kapag magalit yun kasi hindi natin siya pinagbuksan." sabi ko naman.
"Hala ka! Ikaw kaya ang tumingin dito, nang maniwala ka." sabi niya kaya ako naman ang tumayo at tiningnan ito.
At pati rin ako nagtaka dahil wala talagang tao. Kadalasan kasi kapag si papa yung kakatok sa pinto, kung hindi agad siya mabuksan namin, magagalit agad yun.
"Oh diba! Walang tao." sabi niya sa akin.
"Pero narinig niyong may kumatok?" tanong ko sa lahat.
Kanya kanya naman silang sagot sa akin ng 'Oo' at yung iba naman tango.
At naalala ko yung nangyari din ni Tito Nold pero doon sa tinitirhan niya.
Sabi niya, mag isa daw siyang nanonood ng TV sa sala nila.
Mga 10:00 pm, may biglang kumatok sa pinto.
Agad daw niya itong binuksan at wala siyang nakitang tao. Tanging napaka lamig na hangin ang sumalubong sa kanya dahilan para mapatayo yung balahibo niya.
Dali dali daw niya itong sinirado at natulog agad dahil sumama daw bigla yung pakiramdam niya.
Kaya hanggang ngayon itinatak na namin sa isipan namin na huwag agad bubuksan kapag may kumatok, hintayin munang sumagot ito dahil kung hindi may iba daw na sasalubong sa iyo.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories (Tagalog)
TerrorMga kuwentong hango sa totoong pangyayari. Mga kuwentong naranasan namin at mga ibinahagi sa akin ng iba. Kung mayroon kayong ganitong karanasan na gustong niyong ishare, feel free to message me here and I'll try to publish it for you.☺️ Happy Rea...