ATE ROSE'S P.O.V
Nakauwi na ako galing sa school. Half day lang kasi kami ngayon, at wala akong kasama dito sa apartment ko. Si Jane naman nasa school pa. Nagpa-practice.
Wala naman akong ibang magawa kaya naisipan kong labhan ang aking mga damit.
*
Habang naglalaba ako dito napansin kong may dumaan sa giliran ko. Naka suot ito ng puting damit. Hindi naman sa natakot ako. Pero, nakita ko yung repleksyon niya sa tubig nitong balde.
At si.....
Jane lang pala.
Napa buntong hininga nalang ako.
"Hay, nako Jane. Ikaw lang pala. Natakot pa ako sayo. Oh, ang aga mo ata umuwi ngayon?" tanong ko nang hindi nilingon siya.
Hindi niya ako pinansin at naramdaman kong umalis na siya
Hindi ko nalang din pinansin at nag patuloy sa paglalaba.
At doon ko lang na realize...
Hindi naman tumunog yung gate.
Hindi man lang tumunog yung door knob.
Hindi niya man lang ako pinansin.
Ang weird niya ngayon.
*
3:30 p.m na akong natapos at napagdesisyonan kong magpahinga muna.
Pag pasok ko sa kwarto namin ni Jane. Wala naman siya doon. Saan naman nagpunta yung babaeng yun?
At dahil sa, pagod ako. Hindi ko namalayan na naka higa na pala ako sa higaan ko at naka idlip.
*
"Hay nako, Rose. Kanina ka lang pala dito. Bakit hindi mo ako ti next na umuwi ka na pala. Para akong baliw doon kaka hihintay sayo." nagising nalang ako sa sinabi ni Jane.
"*yawn* bakit naman kita ite-text? Eh, ang aga mo din kayang umuwi." sabi ko at napahinto naman si Jane sa ginawa niya.
Lumingon siya sa akin at napa taas ng kilay.
"Anong umuwi ako ng maaga? Eh, kararating ko lang kaya." sabi niya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan, hah? Dumating ka, kaya kanina. Kina-usap pa nga kita pero, hindi mo naman ako sinagot." sabi ko.
Pero, parang innocente talaga siyang hindi niya alam.
"Sigrado ka ba talagang hindi ka umuwi kaninang tanghali?" tanong ko.
"Oo nga. Sinabi ko naman sayo diba. May practice kami, at tawagan mo ako o i-text kung uuna ka na? Oh, ipakita ko pa sayo yung picture namin kanina." sabi niya at nilabas ang cellphone niya at pinakita ang selfie nilang mag teammate.
"Pero, sino yung kausap ko kanina?" tanong ko sa sarili ko.
"Rose, sure ka bang may tao dito? Baka mag-nanakaw yun. Rose talaga. Baka may nawala na dito." sabi niya at hinalukat yung drawer niya.
"Pero, hindi." lumingon ako sa kanya. "Ikaw yung nakita ko eh."
Napalaki naman yung mata niya.
"Weh??? Ikaw, tinatakot mo lang ako." sabi niya sa'kin at binato ako ng unan. Nasalo ko naman yun, pero. Sino nga ba yung nandito kanina?
"Jane, ako nanatakot na ako. Sure ka ba talagang hindi ka umuwi kanina?" tanong ko ulit.
"Hindi nga!" sabi niya.
At dahil sa takot ko, sumigaw ako.
"Ahhhhhhhh....." at dahil du'n dali-dali namang lumapit sa'kin si Jane.
"Jeah, ano ba? Natatakot na ako sayo eh!" sabi niya.
"Hindi nga ako nagbibiro." sabi ko naman. Nagulat nalang kami ng biglang lumakas ang hangin dahilan para masara ang pinto.
Napasigaw naman kaming dalawa.
Sino kaya yung kausap ko kanina?
May isa akong sagot,
Ang kausap ko kanina ay walang iba kundi isang MULTO!!!!
==============================================
Hi guys, natagalan nanaman ng update. Pero ngayon, YEHEY!!!! sa wakas naka update na ako. Hahahahaha....
God Bless!
BINABASA MO ANG
True Horror Stories (Tagalog)
HorrorMga kuwentong hango sa totoong pangyayari. Mga kuwentong naranasan namin at mga ibinahagi sa akin ng iba. Kung mayroon kayong ganitong karanasan na gustong niyong ishare, feel free to message me here and I'll try to publish it for you.☺️ Happy Rea...