(Edited)
Nangyari ito noong maliliit pa lang kami at kwento ito ng tita ko. Sa bahay ng lolo't lola ko nakatira sila tita.
Alas singko ng hapon noon, nandito lamang ako sa loob ng kwarto kasama ang anak kong apat na taong gulang pa lang. Para hindi ako madisturbo sa ginagawa kong pag-aayos, pinapanood ko muna siya ng cartoons sa laptop ko.
Mga ilang minutong pagliligpit, narinig kong may ingay sa baba. Nasa pangalawang palapag ang kwarto ko pero naririnig ko pa rin ang ingay na nagmumula sa baba. Napatingin ako sa orasan at inaasahang nakauwi na sila ate. Namili sila ng mga kasangkapan na lulutuin bukas para sa fiesta sa lugar ng isa ko pang kapatid. Ako lang ang nagpresenta na maiwan dito sa bahay, bukas na kami pupunta doon.
Hindi na muna ako umalis dito at pinagpatuloy ang pag-aayos ko.
Tumunog bigla ang cellphone ko at nakita ko ang message ng ate ko.
Hindi na raw sila uuwi dito at doon nalang matutulog para maagang maluto ang mga pagkain.
Napakunot ang noo ko dahil buong akala ko nasa baba na sila. Lumabas na muna ako saglit at tiningnan ang paligid.
"Baka kapitbahay lang 'yun." Bulong ko sa sarili at naisipan na mag-init ng noodles. Iyon nalang ang panghapunan namin. Mahilig din naman ang anak ko sa noodles.
Siniguro ko na maayos ang pagkalock ng bintana bago nagbilin sa anak ko.
"Nak, luto muna ako ng noodles hah. Diyan ka lang, huwag kang bumama. Babalik ako." Hindi man lang ako dinapuan ng tingin pero tumango naman siya.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng makarinig nanaman ako ng kulabog sa taas. Hininaan ko ang apoy at dali daling pumunta sa taas. Kunot noo akong pumasok sa kwarto namin at sinalubong ako ng tingin ng bata.
"Sino kausap mo?"
"Wala po mama." Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at binalik niya ang tingin sa laptop. Nagpaalam ulit ako at binalikan ang niluluto ko.
Mga alas nuwebe ng gabi ng makatulog na ang bata at ako naman nagpe-Facebook lang.
Hindi man lang ako dinalaw ng antok nang makarinig nanaman ako ng kalabog sa baba. Dali-dali akong lumabas para tingnan kung ano ito, pero tulad ng inaasahan ko. Walang tao, kalat o anumang bagay na makapagpaingay sa may sala namin. Walang katakot na binaba ko ito at isa isang tiningnan ang kwarto nila pati kusina at banyo. Nacheck ko na rin na nakalock na ang mga pinto at bintana kaya aakyat na sana ako.
Pero bago ko pa maakyat ang isang paa ko, naramdaman ko ang pagtunog ng door knob. Parang gusto nitong buksan. Kumuha ako ng payong na nasa gilid lang din kaya 'yun yung nadampot ko agad. Hahawakan ko na sana ang doorknob nang makaramdam ako ng kilabot sa buo kong katawan. Kanina pa parang may nagpaparamdam dito pero ngayon lang ako kinilabutan ng ganito.
Natigil ang paggalaw nito kaya walang pag-aalinlangan nagmura ako.
Impossibleng pasukan kami ng ordinaryong tao kasi nasa loob kami ng compound. Hindi basta basta makakapasok ang kung sinuman dito.
Talagang nagpaparamdam sila kasi kami lang ng anak ko ang nandito. Kumuha ako ng panglaban ko, 'yung parang baseball bat na pangdefense. Sa papa ko 'toh kaya minabuti kong kunin ito mula sa kwarto nila.
Agad akong umakyat at sinigurong naka lock ang pinto ng kwarto namin at hinarangan ko pa ng mga mabibigat kong plastic box. Nagkalat pa ang mga ito kasi nga nag-aayos ako ng ibang gamit ko.
Hindi ko namalayan ang oras nang magising ako sa napakasakit na tinig na narinig ko. Isa sa pinaka ayaw ko ang tinig ng TUBO na kinaluskos. Parang pinaingay ito sa sahig at napakasakit sa tenga dahil parang sinadya talaga! Hindi na talaga ako natutuwa sa mga nilalang na ito. Grabe na ang pangangambala nila sa amin ngayon. Agad kong hinila ang anak ko na nadikit na sa may dingding at pinatabi sa akin. Nagdasal nalang din ako at hindi ko na namalayan na tuluyan na akong nakatulog.
Nagising na lamang ako kinabukasan mula sa ingay ng mga pamangkin ko sa labas. Ginising ko na rin ang anak ko at inayos ang mga hinarang ko para makalabas na kami.
"Good Morning Tita." bati nila sa akin.
"Good Morning din." sagot ko naman. Naalala ko ang narinig kong tubo kagabi kaya tiningnan ko ang sahig. Baka nagkaroon ito ng markang puti na nagsasaad na may kinaluskos.
Napansin nila ako pero hindi na nagtanong dahil busy sa kakalaro.
Naikwento ko rin sa kanila ang tungkol nga sa nangyari kagabi nang makarating na kami sa bahay ng ate ko.
🙂
BINABASA MO ANG
True Horror Stories (Tagalog)
HorrorMga kuwentong hango sa totoong pangyayari. Mga kuwentong naranasan namin at mga ibinahagi sa akin ng iba. Kung mayroon kayong ganitong karanasan na gustong niyong ishare, feel free to message me here and I'll try to publish it for you.☺️ Happy Rea...