"Pa music naman diyan! Ang boring eh!" reklamo ni Angel. Nasa loob kaming magbarkada sa classroom dahil nagvolunteer kaming maglilinis dito habang nasa labas naman 'yung iba pa naming kaklase.
"Oo nga, akin na cellphone mo Bea." hindi naman sa pagmamayabang pero sa panahong ito, Grade 6 pa lang kami noon, may maayos na cellphone na ako.
Hindi ko feel maglinis kapag walang music na sumasabay, paniguradong hindi ako nagiisa sa ganitong kasanayan. Kaya habang nagwawalis, sumasayaw kami, kumakanta at iniwagayway ang dala-dalang walis sa ere. Tulad ng ibang magbarkada, ganoon din kami, daig pa ang baliw sa inatsa.
Dahil sa kabaliwan namin, napagod tuloy kami at minabuting magpahinga muna. Nasa labas naman si ma'am kaya hindi kami makitang wala munang ginawa.
Nakahiga ako sa desk, 'yung dalawa naka-upo lang at tsaka si Angel na nasa sahig, malinis na raw kasi kaya doon umupo.
Nag-aasaran kami dito nang mapansin ko ang lalaking may kung anong hinahalukat sa may sulok na malapit lang sa teacher's table. Hindi ko na sana papansinin, pero nagtagal na siya roon.
"Hoy! Ba't ka pa nandito? Nagtatago ka siguro 'noh para hindi masali doon?" saway ko, mukhang may balak naman talaga siyang magstay dito sa loob kaya sinaway ko.
"Hoy, sino kausap mo diyan?" napalingon ako kila Angel.
"Siya oh." sabi ko sabay lingon ulit sa lalaki, pero wala ng tao du'n.
Napatayo tuloy ako mula sa pagkahiga.
"Wala namang tao diyan! Tinatakot mo ba kami?" tanong naman ng isa ko pang barkada, si Laine.
"Hindi niyo ba napansin?"
"Ang alin?" takang tanong ni Joy.
"Hindi alin Joy, sino. Sino 'yung pumasok dito kanina ta's diyan sa table ni ma'am nag-ganu'n." nag gesture naman ako na parang may hinalukat, in-imitate 'yung kilos nu'ng lalaki kanina.
"Nabuang na ka?"
"Luh, ikaw Angel nandiyan ka sa sahig. Hindi mo napansin? Or kahit paglabas niya lang?"
"Wala namang pumasok na lalaki dito ah." sagot niya at dali-daling tumayo at lumapit sa amin.
"Ehhh, huwag ka ng magloko."
"WALA NGA!" nagulat pa ako dahil sabay silang nagsalita. Nakita ko naman base sa ekpresyon nila, inosente.
"Eh, ano 'yung nakita ko?"
"AHHHHHH!" nagulat kaming lahat nang biglang natumba ang monoblock chair na nasa gilid ng teacher's table. Si Angel naman ang laki nang hakbang papunta sa aming apat dahil du'n.
"Oiiii! Gagiii! Sino nagtumba nu'n!?" sigaw niya pa.
"Walang tao diyan oh! Alangan naman si ma'am." sagot ko pa.
"Baka 'yung sinabi mo kanina, 'yung lalaki kuno! Uwahhhh mama! Sunduin mo na ako!" sigaw pa ni Laine.
Habang nagkakatakutan kami dito, nagsidatingan naman 'yung ibang kaklase naming babae. Kukuha raw ng walis tingting.
"Oh? Anong nangyari sa inyo?" tanong nito sa amin.
"May nagtumba nu'ng upuan." sagot pa ni Joy.
"Ayun oh!" turo pa ni Angel.
"Weh? Ses, takutin niyo pa kami. Kahit kailan, mga siraulo kayo noh?" natatawang saad nito.
"Hoy! Grabe, hindi naman masyado pero pramis guys! May nagtumba talaga nu'n."
Sa huli, nagtutulakan na kami kung sino ang aayos sa upuan dahil nga natakot na kami.
Pero hindi namin pwedeng hayaan 'yun na nakatiwang wang at baka mapagsabihan pa kami na hindi maayos ang paglilinis dito.
Nawala rin 'yung pangamba dahil makulit sila Angel at Joy, sabay nilang kinuha ang upuan at inayos ito.
🙂
BINABASA MO ANG
True Horror Stories (Tagalog)
HorrorMga kuwentong hango sa totoong pangyayari. Mga kuwentong naranasan namin at mga ibinahagi sa akin ng iba. Kung mayroon kayong ganitong karanasan na gustong niyong ishare, feel free to message me here and I'll try to publish it for you.☺️ Happy Rea...