CHAPTER VI

195 3 0
                                    

"Oh bakit ganyan itsura mo? Nakakita lang ng multo teh?" Tanong ni Alexa.

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. "OH EHM GEE!! Niyaya nila ko maglunch! Look!" Pinabasa ko sa kanya ang text ni Andrei at Luke.

"Sheet! Ganda mo teh! Alis jan, baka matapakan ko ang buhok mo sa sobrang haba eh. Hahaha. So ano? Nagreply ka na ba?" Tanong ni Alexa with her arms crossed against her chest.

"Di ko nga alam kung sino rereplyan ko eh. Kung sino sasamahan ko. Heeeelp!" Sabi ko sa kanya at lumuhod kunwari sa harap nya na parang nagbebeg.

"Gaga! Tumayo ka nga jan! E di sabihin mo na lang kayong tatlo na sabay sabay mag lunch para di ka mahirapan! Hahaha!" Kung di ba naman isa't kalahating tanga tong kaibigan ko e.

*tugsh*

"Aray! Nagjojoke lang naman ako eh! Bawal magjoke kapag Saturday? Ha? Ha?" Sabi ni Alexa habang kinakamot ang batok nya. Oo, binatukan ko sya. Hirap na nga ko pumili kung sino sa kanila eh. Wait- ang pangit naman ata pakinggan nun. I mean, pumili kung kanino ako sasama pag-lunch.

"Eh kung sabihin ko na lang kaya na may sakit ako? Sasabihin ko na lang hindi ko kayang bumangon dahil nahulog ako sa hagdan o kaya namatay yung alaga kong pusa at kelangan kong magluksa ngayon?" Sabi ko kay Alexa with a serious face.

*tugsh*

"Aray! Leche ka! Kelangan nambabatok talaga?" Oo, binatukan ako ng magaling kong bestfriend.

"Ang lame ng excuses mo! Hello?! Wala ka kayang pusa! Tsaka pano kung puntahan ka nila dito? E di malalaman din nila na hindi ka nahulog sa hagdan!" Sa bagay. May point sya. Alam pa naman nila ang bahay ko.

"Eh kung lumipat na lang kaya ako ng bahay? Para hindi na nila ako mapuntahan."

*tugsh*

Another batok! Aba! Nawiwili tong babaeng to ah. "May galit ka ba sakin ha?! Nakakadalawa ka na jan ha!" Sabi ko sa kanya at kinakamot ang parteng binatukan nya.

"Kung ano ano kasing naiisip mo eh. Gusto mo itulak na lang kita sa hagdan para kunwari nahulog ka, pero makatotohanan pa din yung sakit. Don't worry, sisiguraduhin kong hindi ka makakabangon." Paliwanag ni Alexa. Aba't seryoso ang gaga.

*tugsh*

Binatukan ko ulit sya. So yun na lang ba ang gagawin namin maghapon? Batukan ang isa't isa?

"Aray! Nagsa-suggest lang naman ako ah!" Sabi nya habang natatawa.

"Gusto mo ikaw ang itulak ko sa hagdan yung hindi ka na magigising kahit kelan? Baliw ka talaga!"

"So ano nga? Magdesisyon ka na! Ako ang naiinip eh. Hahaha. Sino ba ang unang nagtext sa dalawa? Kung sino ang unang nagtext. Yun ang samahan mo." She said with a serious tone.

Wow. Nag iisip pa din naman pala ng maayos tong kaibigan ko eh. Tama. Yun na lang gagawin ko. Tiningnan ko ulit ang phone ko at chineck ang oras ng pagtext ni Andrei at Luke.

"9:43am nagtext si Andrei. Si Luke naman 9:56am" Pinakita ko kay Alexa ang time.

"Andrei it is." She said wiggling her eyebrows. Okayyyy. Weird ng kaibigan kong to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alas dose na.

*BEEP BEEP*

May bumusina na sa harap ng bahay. Si Andrei na siguro to. Binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali. Bumaba sya sa kotse nya at tumayo sa harap ng gate. Ang pogiiii! Shet! Inalis nya ang shades nya at ngumiti.

STATUS?! IT'S COMPLICATED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon