CHAPTER V

226 7 0
                                    

"Bakla! Gising! Aba!"

Napa-balikwas ako sa higaan ko. I almost fell off my bed. Napatingin ako sa wall clock. 8:20am.

"What the actual fudge! Late na ako!"
Sabi ko habang kinukuha ko ang towel at under garments ko.

"Bakla! Wake up! Gising ka na pero nananaginip ka pa din! Anong late ang pinagsasabi mo? It's Saturday for Christ's sake!"
Napansin kong nakaupo si Alexa sa gilid ng kama ko at tumatawa.

"What the hell Alexandra Cruz! It's fricking Saturday and yet you woke me up from my deep sleep? I hate you! Alam mo naman 12pm pa ang gising ko kapag weekends!" I told her at binato ko sya ng lotion bottle. Nakaiwas ang gaga. Bumalik ako sa bed at humiga ulit.

"Well ibahin mo ngayon kasi andito ako. And I have something to tell you!" Sabi nya. Mukhang seryoso ang gaga.

"Nako Alexa ha, you better make sure na mahalaga yan for you to wake me up this early!" I told her as I smack her hand.

"Oo naman Sof. Ready ka na ba? Sayo ko to unang sasabihin ha." Halos pabulong na sabi nya. As if naman may ibang makakarinig sa kanya e kaming dalawa lang naman sa kwarto.

"OMG. Are you pregnant?" I asked her habang pinipigilan ko ang tawa ko.

Hinampas nya ako sa braso.
"What the- Ofcourse not! Gaga ka talaga!"

"Eh ano nga yun? May pabulong bulong bulong ka pang nalalaman eh tayo lang naman ang andito."

"Kami na ni Calvin."
Simpleng pagkasabi nya. Bigla akong napaupo.

"What?! Pano? Bakit? Ha?!" Nabigla ako sa sinabi niya. Agad agad?! Sila na?! Dinaig pa ang instant noodles sa sobrang bilis.

"I know. Its been a week or two since I met him. But. You know. I want to get over Rocky. Gusto ko na makapag-move on. So try ko kung mag wowork out to." She explained. Ramdam kong nasasaktan pa din sya kapag nababanggit ang name ni Rocky.

"Okay. Pero. Hindi naman ba pagiging selfish ang gagawin mo? It's like, you're using Calvin to move on."
I told her.

"It's not like that. Well I told Calvin about Rocky and he said he's gonna help me move on." Sabi ni Alexa.

"Sige. Basta make sure na hindi ka masasaktan sa gagawin mo. At kung saan ka masaya, e di go." I said smiling at her. I hugged her. Gusto ko makita nya na susuportahan ko sya sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.

"Thanks." We pulled out of the hug.

"Kelan mo balak sabihin kina Cassey at Zoey?" I asked.

"Sa monday na lang siguro. Gosh! Nagugutom ako. Let's go downstairs."

"Wow. Nahiya ako sayo ha." Pinalo ko sya sa balikat. Bumaba na kami at pumunta kami sa kusina.

"Baby girl, aalis ako ngayon, pupunta ako kay Tita Divina mo. Kumain ka na lang jan." My mom said.

"Sige po. Bye Ma."

"Bye Tita. Samahan ko na lang to si Sofia. Hehe." Sabi naman ni Alexa kay Mama.

"Okay girls. Behave. Bye." Lumabas na sya ng pinto.

Nagbukas ako ng ref at kumuha ng fresh milk. Kumuha ako ng dalawang baso at dalawang plato and utensils para samin ni Alexa.

"Mmm! Ang sarap ng bacon! At the best talaga ang pancake ni Tita France!" Sabi ni Alexa habang pinapagpipyestahan ang bacon at pancake sa mesa.

"Hoy. Baka gusto mong tirhan ako ha. Kumakain din ako nyan!" Sabi ko sa kanya sabay tawa.
We sat on the dining table.

STATUS?! IT'S COMPLICATED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon