Two years na ang lumipas nang huli kaming magkita. Pero sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari noon.
I shook my head away from my thoughts. Anong ginagawa nya dito? Bakit kelangan nyang bumalik sa buhay ko? Tapos gusto pa nya akong ihatid sa school? No. No.
"Hey Sofia, you okay?"
"A-Anong ginagawa mo dito Luke? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm. Gusto mo sumakay ka muna? Then saka tayo mag usap."
Nagdadalawang isip pa ako kung sasakay ako o hindi. I have so many questions that needed to be answered. Pero Sofia wag kang padalos dalos. Wag kang pumayag-
"Okay. Sure."
Ughh. Ano ba yan. Nakikipagtalo ako sa isip ko. Pero eto na nga. Sasakay na ako. Binuksan ko ang pinto ng kotse at umupo sa passenger seat.
Hindi ako makatingin ng derecho sa kanya.
Awkward silence.
Ano ba kasi ang ginagawa nya dito. Ako naman si tanga pumayag agad. Hinawakan ko ang door handle para bumaba ulit pero pinigilan nya ako. Hinawakan nya ako sa braso.
"Wait. Where are you going? Kakasakay mo lang tapos bababa ka ulit? Ihahatid na kita."
"Uhm. Okay. Let's go."
Ano ba yan! Di ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Habang nagbbyahe kami papuntang school eh tahimik lang kami pareho. Napapansin ko kanina pa sya tingin ng tingin sakin pero binabalewala ko lang. Meron pa ba kaming dapat pag usapan? Pagkatapos ng lahat ng nangyari bigla na lang syang magbabalik? Aaminin ko hanggang ngayon nasasaktan pa din ako kapag naiisip ko ang mga nangyari.
~flashback~ 2years ago~
Baby, you light up
my world like
nobody else,
the way that you
flip your hair
Gets me overwhelmed,
but when you smile
at the ground
it ain't hard to tell,
you don't kno-o-ow
You don't know
you're beautifu-u-ul
That's what makes you beautiful
Nakahiga ako sa kwarto at nakikinig sa music ng One Direction ng biglang tumunog ang aking phone.
From: Luke
Message:
Baby, magkita tayo ngayon ok? Seeya :)
To: Luke
Message:
Okay. Seeya <3
OMG! First year anniversary namin ngayon. Isusurprise nya yata ako? Ano kayang surprise nya? Hihi. Dali dali akong tumayo at nagbihis. Suot ang aking hanging blouse at skinny jeans at nag apply ako ng light make up.
Kinuha ko ang medium box sa drawer ko. Nilagay ko to sa sling bag ko at lumabas ng kwarto.
"Ma! Lalabas muna ko ah."
"Sige. Umuwi ng maaga ha! Wag magpapagabi!" Sigaw ni mama mula sa kusina.
Nag abang ako ng tricycle sa may kanto. Malapit lang naman yung lugar kung saan kami magkikita ni Luke.
BINABASA MO ANG
STATUS?! IT'S COMPLICATED!
Teen FictionI am just a simple girl, living a simple life. But then I found out about something that will change my whole life forever. Who will continue to stay by my side? Ako si Sofia Ysabelle Enriquez at ito ang aking kwento. Magiging maayos pa kaya ang...