*kriiiiiiiiiiiiiing*
Nagulat ako sa pagring ng bell. Hindi ko namalayan na lumulutang ang utak ko habang gumagawa ng doodle sa likod ng binder ko. Lunch time na, thank goodness! Natapos din ang first half ng boring na araw na to.
"Cassey, saan tayo maglulunch?"
Tanong ko sa kanya habang nilalagay ko sa bag ko ang binder at ballpen ko.
"Pwede wait lang? Nagpupulbo pa ako eh."
"Anong konek nun sa tanong ko? Baliw!"
"Eh hindi ako makakapag isip ng maayos kapag oily ang face ko."
Sagot nito habang tumatawa.
Binatukan ko sya sabay tayo sa kinauupuan ko.
"Shunga ka talaga! Bilisan mo jan, hihintayin ka namin sa lobby."
"Opo Ma'am! Makabatok naman to, kamag anak lang?"
She said sarcastically.
Pagdating namin ni Alexa sa lobby ay andun na si Zoey at James.
"Ano na? Tagal nyo ha. Asan na si Cassey?" Tanong ni Zoey habang tumitingin sa pinanggalingan ko.
"Andun pa sa AVR. Nagreretouch pa." Sagot ko habang nagkibit balikat.
"Wow ha. Maglulunch lang nagretouch pa. Sus. Sige na, hindi muna ako sasabay sa inyo pag lunch, dun kami kakain sa bahay nila James eh."
"Sus! Lunch ba talaga?" I answered as I wiggle my eyebrows.
Pinalo ako sa braso ni Zoey at sabay sabay kami nagtawanan.
"Sige na. Bye! See you later." Sabi ni Zoey at nag beso samin ni Alexa.
"Pumasok ka mamaya ha! Pipitikin ko yang ilong mo pag hindi. Haha"
Tumango lang ito at naglakad na palabas ng gate kasama si James.
Umupo muna kami sa lobby habang hinihintay si Cassey.
"Hoy. Babae. Ano nga pala ang nangyari kagabi? Di pa kayo nagkwekwento ha. Anong meron kay Adrian?" Tanong ko kay Alexa.
"Wow ha. Excited lang te? Hintayin na natin si Cassey. Sya ang may alam ng buong kwento eh. Haha" sagot nito habang tumatawa.
Maya maya pa ay dumating na si Cassey.
**
"Miss, Isang chicken sandwich, isang tacos, isang burger, isang platitong pancit at isang orange juice. Thanks!"
Sabi ko sa babae sa canteen habang inaabot ang bayad.
Napagdesisyunan namin na sa school cafeteria na lang kumain.
Hawak ko ang tray na naglalaman ng mga pagkain ko habang nanghahaba ang leeg ko sa kakahanap ng kinauupuan nina Alexa at Cassey.
I spotted them. Wow ha. Bakit dun pa sila pumwesto sa dulo.
Inilapag ko ang tray na dala ko sa mesa at umupo ako. Napatitig ang dalawa sakin.
"What the heck Sofia! Sayong lahat yan?" Nanlalaking mata ni Alexa habang tinatanong ako.
"Yup! Nakakagutom eh." I answered as if it was the most obvious thing in the world.
"Grabe! Pero hindi ka tumataba ha!" Sabi naman ni Cassey habang inaabot ang chicken sandwich ko.
Pinalo ko ang kamay nya,
"Hoy! Mine! Kulang pa yan sakin!"
Pabiro kong sabi dito.
BINABASA MO ANG
STATUS?! IT'S COMPLICATED!
Novela JuvenilI am just a simple girl, living a simple life. But then I found out about something that will change my whole life forever. Who will continue to stay by my side? Ako si Sofia Ysabelle Enriquez at ito ang aking kwento. Magiging maayos pa kaya ang...