CHAPTER I

1.8K 14 0
                                    

"Sofia! Sofia! Bilisan mo na! Anong petsa na? Hindi ka na natatapos dyan! Wag mong sabihin nakatulog ka habang naliligo?" Sigaw ni Mama habang kumakatok sa pintuan ng banyo.

Nakaupo ako sa bath tub at nagmumuni muni. Iniisip ko ang nangyari kagabi pero wala talaga akong maalala.

"Opo! Patapos na!" Sagot ko sa kanya.

"Isang oras mo nang sinasabi yan! Bilisan mo na! Ma-lalate ka na naman sa school!"

"Nagbabanlaw na ho!" Sagot ko.

Dali dali akong nagbuhos at napapatili ako sa sobrang lamig ng tubig na umaagos sa balat ko.

Kinuha ko ang towel at ibinalot ko sa katawan kong nagtitindigan ang balahibo. Time check, 7:00am. Okay may isang oras pa para magprepare.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang reflection ko. Hazel eyes na nakuha ko sa daddy ko, hindi masyadong matangos ang ilong pero hindi din naman pango, brown at straight hair na umaabot hanggang bewang at pinakagusto kong asset ko ang lips ko na kissable sabi ng karamihan. Pagtingin ko sa may bandang leeg ko, may kiss mark. Pano ako nagkaroon nito?

~The day before~

"Sofia!" Nakatitig lang ako sa prof namin na si Sir Bonifacio pero hindi naman talaga ko nakikinig sa kanya. Chemistry ang subject namin sa kanya ngayon.

"Hoy Sofia! Ang lalim ng iniisip mo ah? Wag mong sabihing crush mo si Sir Boni? Haha!" Sabi ni Alexa habang tumatawa.

"Baliw! Nakikinig ako sa kanya. Kadiri ka! Eh ang tanda tanda na nyan no! Bakit ba?"

"Nagtext si Zoey, sama daw tayo sa bahay nila mamaya. Inuman. Chill lang."

"Wow ha. Thursday pa lang ngayon inuman agad? Ayoko nga."

"KJ ka talaga! Dali na. Minsan lang naman eh. Pleeeaase! Besides may isasama daw si James na friends nya. Haha. Malay mo gwapo mga yun!" Pangungumbinse ni Alexa sakin.

"Eh malay mo mukhang swelas ng sapatos mga yun? Hahaha"

Pabirong sagot ko. Binatukan ako ni Alexa.

"Baliw! Pano natin malalaman kung di tayo sasama diba? Wala naman mawawala satin eh. Tsaka kasama din si Cassey eh."

Sa bagay. Minsan lang naman akong sumama sa inuman kapag nagkayayaan ang barkada. Katatapos lang din naman ng midterms kaya pwedeng mag relax muna.

"Fine! Pero uuwi din ako ng maaga ha. May pasok pa tayo bukas eh."

Napapayag din ako ni Alexa.

"Yay! Papayag ka din pala eh. Malay mo, maging boyfriend mo pa ang isa sa mga yun! Haha"

"Baliw! wala akong balak. Pero bago yan, makinig muna tayo sa lesson ha? Kanina pa nakatingin si sir Boni dito eh." Sabi ko sa kanya.

Sino kaya yung mga friends ni James? Gwapo kaya? Haha. Sana lang talaga gwapo sila para hindi masayang ang pagsama ko sa kanila.

"Class dismissed."

Nagkita kita kami sa Cafeteria ng mga kaibigan ko. Andun na si Zoey at Cassey. Kumaway ako habang papalapit kami ni Alexa sa kanila.

"Anjan na pala sila Sofia eh." Narinig kong sabi ni Zoey.

"Anong oras tayo pupunta sa inyo? Tara na! Haha" sabi ni Alexa kay Zoey.

"Gusto mo mauna ka na dun? Haha. Excited lang te? Wait lang. Hinihintay ko pa si James."

Sagot naman nito.

"Excited akong makita mga friends nya eh! Haha." Sabi ni Alexa.

Maya maya dumating na si James.

STATUS?! IT'S COMPLICATED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon