BATTLE OF THE BANDS
OCTOBER 21stMay nakapaskil sa may gate ng school. Nice. 3 weeks na lang. Yun ang last day ng first semester. Yes! malapit na pala ang sembreak. Sumali kaya kami? Chos! As if naman may talent kami sa mga ganyang bagay. Haha. Si Alexa pwede pa, ganda ng boses ng babaeng yun eh.
"Guys. Ano? Sali tayo jan? Hahaha." Pabiro kong sabi sa kanila. Kasama ko sila Cassey at Alexa ngayon. Papunta kami sa likod ng Library. Tambayan namin kapag may nagkklase sa Physics lab na first option namin para tambayan. Wala na naman si Zoey. Ano na naman kayang nangyari dun?
"Excuse me ha, kasali ako jan no." Sabi ni Alexa. Ano daw?
"Wait what? Pwede ang solo?" Tanong ko sa kanya na nakataas ang isang kilay.
"Adik ka Buds! Kinuha akong vocalist nila Andrei. Di ba nya nabanggit sayo? Kasali sila jan. I mean, KAMI. Cool diba? Haha." Nabigla ako sa sinabi nya.
"Oh? Talaga? So si Luke ang drummer nyo?" Don't get me wrong ha, I was just curious.
"Yep. Your one and only ex." Sagot ni Alexa while wiggling her eyebrows.
I just rolled my eyes. Umupo ako sa ilalim ng puno. Cool dito, may mga bench na gawa sa bato, tambayan talaga."Gaga! Ano na naman ang naiisip mo jan? Nagtanong lang ako may malisya agad?"
"Defensive lang Buds? Haha." 😂
"Ewan ko sa inyong dalawa. So anong plano natin ngayon? Nga nga?" Tanong ni Cassey habang nakikinig sa iPod nya.
"Ewan. Anong balita nyo kay Zoey? Bakit hindi nagpapapasok yung babaeng yun?" Tanong ko sa kanila. Syempre bilang kaibigan nagwoworry kami sa kanya. Patapos na ang sem malapit na ang finals ngayon pa sya umaabsent kung kelan magsesembreak na.
"Tinext ko yun kanina hindi naman nagreply eh." Sagot ni Alexa
"Oo nga pala Buds, may practice kami mamaya sama kayo ni Cassey."
"Hindi ako sasama eh." Sagot ko naman sa kanya.
"Hindi yun tanong na sasagutin mo ng oo o hindi. Haha. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. First practice namin to kaya nahihiya pa ako." Paliwanag ni Alexa. So wala pala akong choice. Ayos ah. I rolled my eyes.
"Bakit kelangan andun pa ako? Pwede naman si Cassey na lang."
"Kasi ikaw na-meet mo na sila, pwede mong basagin ang awkward moments. Diba? Wag ka nang kumontra."
"Fine. Pero 1 hour lang okay? Uuwi din ako kagad." Pumayag na ko dahil mukang wala naman akong magagawa.
"Sure. Ang mahalaga sasama ka. Haha" sagot ni Alexa. Si Cassey ay busy lang sa pag soundtrip sa iPod nya.
Silence.
Tunog lang ng mga dahon na naghahampasan sa tuwing iihip ang hangin ang maririnig. Nakakarelax talaga dito. Tahimik-
"Hahaha! Sana nakita mo yung mukha nya pre!" Boses ng lalake. Kakasabi ko lang na tahimik tapos ganito? Mukang may kasama sya. Naghahalakhakan eh. Malamang Sofia, alangan naman kausapin nya ang sarili nya diba? Sa bagay. Pero papalapit dito ang mga lalakeng yun. Sa bagay hindi lang naman kami ang estudyante dito. Pero halos wala naman napapadpad dito eh.
Bumungad ang isang gwapong lalake. Matangkad, hindi sya masyadong maputi, ang tangos ng ilong nya, at ang pink ng lips. Syet. Parang ang sarap i-kiss. At ang abs nya, bakat sa white t-shirt nya. Wait. Ano bang iniisip ko. Teka, may kasama sya,dalawang lalake na hindi naman masyadong kagwapuhan pero cute naman. Pwede na din. Tsaka teka familiar tong si tangkad ah? Nakita ko na sya before. Pero hindi ko maalala kung saan.
BINABASA MO ANG
STATUS?! IT'S COMPLICATED!
Teen FictionI am just a simple girl, living a simple life. But then I found out about something that will change my whole life forever. Who will continue to stay by my side? Ako si Sofia Ysabelle Enriquez at ito ang aking kwento. Magiging maayos pa kaya ang...