HELLO READERS! Eto another update for this week. Makabawi man lang ako sa inyo. Hihi. Thank you sa mga nagmemessage sakin na mag update na daw at thanks sa mga nag aadd nito sa reading lists nila! I really appreciate it! Don't stop supporting my story ha? thank you!
~Monica :*
____________________________________________________________________
Message:
From: LukeLet's go out tonight? Roadtrip lang. Please? :)
Wait. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa Hello Kitty wall clock ko sa kwarto eh 7:30pm na. Papayag ba ko? Sa bagay. Pambawi ko na din to sa pagtanggi ko kanina. Wait! Bakit naman ako babawi? Pumayag ka na lang. Arte mo. Please, mind. Stop talking to me.
To: Luke
Sure. Bihis lang ako. :)
Message sent! Wow ha. Kung makapayag ako kagad ganun ganun na lang. Hindi pa pala ko nakakapagpaalam kay Mama.
Bumaba ako at pumunta sa sala. Nanonood si Mama ng balita.
"Ma, labas lang po ako ah. Libre daw ako ni Luke eh." Derechahan kong sinabi kay Mama. Oo, kilala nya si Luke. Mabait naman kasi si Luke kaya naka-close kagad ni Mama.
"Luke? As in yung ex mong gwapo?" Wow ha. Tropa lang ang peg?
"Opo. Bumalik na sya. Mama ha, kung makatanong naman to akala mo tropa. Joke!" Sabay kiss ko sa pisngi nya. Baka bigla pa akong hindi payagan eh.
"Sige na. Pero sunduin ka nya dito para makasiguro akong sya talaga ang kasama mo." Aba at gusto pa akong ipasundo. Akala mo naman lolokohin.
"Ok po Ma."
Umakyat ako at nagbihis. Tinext ko si Luke na magpapasundo ako sa kanya dahil gustong makita ni Mama na sya talaga ang kasama ko.
8pm na. May humintong kotse sa labas ng bahay. For sure si Luke na to. Pagbukas ko ng pintuan, si Luke na nga. Ang pogi talaga! Grabe. Kaso sinaktan ako nito dati eh. Yun na nga Sofia, dati pa yun. Shut up brain!
"Si Luke na ba yan? Papasukin mo muna." Sabi ni mama na nasa likod ko pala.
Pumasok muna si Luke at nagbless kay Mama.
"Kamusta ka na hijo? Ngayon na lang ulit kita nakita ah. Mabuti at okay na kayo nito ni Sofia."
O_o Ano ba yan! Ano na naman sinasabi nitong si Mama?! Eto namang si Luke abot tenga ang ngiti.
Tumayo ako sabay sabing, "Opo. Magkaibigan na ulit kami." Hinila ko si Luke sa braso at nagpaalam kay Mama.
"Alis na kami Ma, para makauwi din maaga. Bye!" Nako ha, gusto ko nang umalis baka kung ano pang pagsasabihin ni Mama sa lalakeng to."Kamusta?" Tanong nya sakin habang nagddrive.
"Okay naman. Pagtext mo katatapos ko lang gumawa ng school works." Hindi pa din sya tumingin sakin. I mean, oo nga nagddrive sya pero kahit sulyap lang diba?
"Kamusta ang date nyo ni Andrei?" O_o Nabigla ako sa tanong nya. Date? Matatawag bang date yun? Tsaka bakit hindi man lang talaga sumulyap oh! Nagseselos kaya sya? Chos! Assumera na naman ako!
"Lunch lang yun at hindi date, okay? Well, okay naman. Masarap dun sa kinainan namin." Yun lang ang sagot ko sa kanya. Wala na syang ibang sinabi. Isa pa wala na din naman ako dapat sabihin o ikwento diba? Awkward silence.
"I'm sorry kung sa kanya ako sumama at hindi sayo. Sya kasi unang nagtext eh. Kaya, sumama na din ako ngayon para makabawi man lang sayo." I said and smiled. Tumingin na sya sakin at ngumiti then back to the road.
BINABASA MO ANG
STATUS?! IT'S COMPLICATED!
Teen FictionI am just a simple girl, living a simple life. But then I found out about something that will change my whole life forever. Who will continue to stay by my side? Ako si Sofia Ysabelle Enriquez at ito ang aking kwento. Magiging maayos pa kaya ang...