CHAPTER VIII

151 3 0
                                    

"Goodmorning girls!" Monday morning at andito na sila Alexa at Cassey sa Classroom. As always wala si Zoey. For sure kasama nun si James.
Nilapag ko ang bag ko sa table at umupo sa pagitan ni Alexa at Cassey.

"What's good in the morning?" Tanong naman ni Alexa na parang nangaasar.

"My face ofcourse. Ang mala-anghel kong mukha. Diba? Subukan nyong kumontra pepektusan ko kayo sa ribs."
Sagot ko naman habang tumatawa. At nagtawanan kaming tatlo.

"Balita? Baka may gusto kang ikwento?" Tanong ni Cassey. Ano naman ang ikkwento ko? I looked at her with a questioning look na nakataas ang isang kilay.

"Balita? Try mo manood ng TV Patrol para alam mo." I said sarcastically. She just rolled her eyes.

"Pilosopo." At nakatikim ako ng mahinang sapok mula sa kaibigan ko. Ang sweet no?

Maya maya ay dumating na si Mr. Rodriguez, ang History instructor namin slash hotness slash yumminess. Nakapatong ang baba ko sa kamay ko habang ang siko ko ay naka-patong sa desk. Nakatitig ako sa kanya.

"Sof, anjan na si Sir."

Yes. Ang gwapo nya. Ang ganda ng katawan. Hindi naman sa pinagnanasahan ko sya, pero sa lahat ng instructor namin, sya lang ang mukhang mabango.

"Sof, tumayo daw lahat."

Fresh graduate kasi eh, kaya mabango. Haha. Gets nyo? Sige. Lame. Pero balik tayo sa kanya. 21 years pa lang sya. Pero bakit ang hot nya talaga?

"Miss Enriquez, is there something wrong?" I snapped back into reality.

Holy crap. Nawala na naman ako sa sarili ko. Nakakahiya kay Sir! Napakamot ako sa ulo ko at napatingin kina Alexa. Natatawa ang mga gaga.

"Hi Sir. Uhm. Wala po. Na-tatae na po ako." Napa-face palm lang si Sir Rodriguez. Nagtawanan ang buong klase. What? Sa lahat ng excuse yun ang sinabi ko?! I felt my cheeks redden and I stood up.

"Quiet, everyone. Okay, Miss Enriquez you may go."

At nagtawanan ulit ang mga baliw kong classmates.

"May nakakatawa ba? Bakit? Hindi ba kayo jumejebs? Ha? Ha?" Tanong ko sa kanila. Nakita kong napangiti si Sir Rodriguez sa sinabi ko. Lumabas na ko ng classroom at pumunta ako ng CR.

HINDI AKO NAJEJEBS OKAY? Wala lang talaga ako maisip na puntahan dahil sa kahihiyan ko. Sinabi ko pa talaga yun sa harap ng klase at worst sa subject ni Sir hotness? Gosh.

*tugsh*

"Ouch!" Nalaglag ang folder na dala ng babaeng nakabangga ko. Mag aapologize sana ko ng biglang,

"Watch where you're going b*tch!"

Wow. Ako pa talaga? Sarap sapakin neto ah.

"Miss, hindi lang ako ang may kasalanan dito, dahil kung nakatingin ka rin sa dinadaanan mo e di hindi sana tayo magkakabanggaan. Diba? Use your head." Nasagot ko sya dahil tinawag nya ko ng b*tch. Wala syang karapatan no. Ang nipis ng kilay nya na aakalain mong guhit lang ng lapis. Di naman nya ikinaganda ang pagtataray. Mukha syang clown sa totoo lang.

"Wow. At sumasagot ka pa ha? We're not done bitch." At umalis na sya. Dumerecho na ko sa CR at humarap sa salamin.

"Helloo?! May tao ba dito?" I made sure na walang tao sa mga cubicles.

"Relax ka lang Sofia. Ang aga aga nababadtrip ka." Oo. Kinakausap ko ang sarili ko sa salamin. Wala lang. Trip ko lang. Hehe. Nagpowder ako at nag re-apply ng lip gloss. Babalik na ko sa classroom. Baka maabutan ko pa kung anong ipapagawa ni Sir hotness.

STATUS?! IT'S COMPLICATED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon