CHAPTER IV

262 6 0
                                    

Hello Readers! I'm So SORRY kung after 85323679853254 years ako bago nakapag update! I was really busy because of school. As in! Iba talaga pag nasa Medical field. Huhu. Gumagawa kami ng thesis at magdedefense na kami sa Tuesday! WISH ME LUCK!

Sana hindi nawala ang mga readers ko! I'm REALLY SORRY! Sige na! Batukan nyo na ko! Huhu. Sorry! Malapit na ang Summer vacation so makakapag update na ako palagi! Thank you sa mga readers na nag aabang pa din ng update ko! Hihi.

Here's Chapter 4!

------------------------------------------------------------------------------------------------------

RECAP:

Bumaba na kami ng sasakyan at nang papasok na kami ng studio ay huminto si Andrei.

"Una ka na sa loob. May nakalimutan ako sa loob ng sasakyan." Sabi nya at tumakbo pabalik sa kotse.

Pumasok ako sa loob ng studio. Medyo maingay, may nagppractice na. Medyo madilim din kaya hindi ko maaninag ang mga mukha ng tao sa loob.

Maya maya ay dumating na ulit si Andrei. .

"Guys. Pwede paki-on yung ilaw? May ipapakilala ako sa inyo."

Bumukas ang ilaw. Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang drummer nila Andrei. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Luke?!"

***

"Magkakilala kayong dalawa?" Tanong ni Andrei.

Hindi pa rin naaalis ang pagkakatitig ko kay Luke.

Anong ginagawa nya dito? Bumalik sya dito dahil bumuo sya ng bagong banda? Matagal na kaya silang magkakilala ni Andrei? Bakit ba-

"Hello? Earth to Sofia!" Sabi ni Andrei as he waved his hand in front of me. I snapped out from my thoughts.

"Oh. Yeah. We were old friends. Matagal na kami magkakilala ni Luke." I said smiling.

Pinakilala ni Andrei ang ibang bandmates nya, Shane ang vocalist at si Brian ang bass guitarist.

Lumapit si Luke sa aming dalawa.

"Hey Sofie. Kamusta? Magkakilala pala kayo nitong si Andrei. Sila na ang bagong bandmates ko ngayon."

"Pansin ko nga eh. Uhm. So. Sige na. Practice na kayo. Manonood ako." Nakangiting sabi ko. Umupo ako sa couch. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko nang umuwi na hindi. Maya maya ay tumunog ang phone ko.

From:
Alexa
Message:
Balita sa date nyo? Haha

Napangiti ako sa text ni Alexa. Baliw talaga yun. Niyaya lang ako lumabas, date kagad?

To:
Alexa
Message:
Shunga! Anong date pinagsasabi mo jan. Well. Since naitanong mo na din, andito ako sa Studio, kasama ko si Andrei manonood ng practice nila. Guess who's their drummer?!"

Pagka-send ko ng message kay Alexa ay napatingin ako kay Luke. Tinutugtog nila ang She Looks So Perfect ng 5Seconds of Summer.

Grabe. Mas lalo syang gumwapo kumpara nung huli ko syang makita. Long hair na sya ngayon abot balikat. Pero ang pogi at bagay sa kanya.
OMG! Ano ba to'ng iniisip ko! I snapped from my thoughts at napansin ko nakatingin si Luke sakin. Shit! Sana hindi nya napansin na nakatitig ako sa kanya! Nakakahiya! Biglang tumunog ulit ang phone ko.

From:
Alexa
Message:
Si Ash ba ng 5SOS?! Hahaha. Jk lng. Sino? Interesante ba? Pogi? Kung pogi Pahingi ng number! Haha! Chika lang!

STATUS?! IT'S COMPLICATED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon