That's Vince Lacrimosa for You

17 4 0
                                    

Jerk. Flirt. Weird guy. Ugh Nakakainis si Vince! He is annoying me for the past two weeks. Every time he has a chance, he will always do stupid things. Kinukulit niya ako lalo na sa letcheng bedroom negotiations na yan. Alam na pala niya kung bakit Third yung tawag sa akin. Alam niya rin yung recent issue sa akin na sangkot nanaman ako sa panibagong break up drama. This time sa lower year naman. Ni hindi ko nga kilala yung lalaki tapos nadamay ako. Why the hell does it have to be me?

"Okay class, wala akong lesson na maituturo ngayon sainyo," wika ni Sir James.

Sari-saring reactions naman yung umalingawngaw sa klase. Jusko. Kahit kailan 'tong si Sir.

"Edi Sir, sana nagbigay ka na lang ng notice na wala tayong pasok ngayon para di sayang yung oras naming pumasok," reklamo nung isa kong kaklase.

Tumawa si Sir James. "Hindi niyo pa kasi ako pinapatapos magsalita eh. Wala nga akong itutur pero may ipapagawa ako sainyo," wika niya.

"Naman pala eh," comment naman ni Thalia.

Napa-tsk naman 'tong si Vince. Nung isang araw ko pa napapansin na tuwing hindi seryoso si Sir James sa mga discussions, bigla na lang parang naba-bad trip 'tong si Vince.

"Pupunta tayo sa may garden. Dapat by pairs kayo. Mas maganda na kung yung seatmate niyo yung kapartner niyo," wika ni Sir.

Pinandilatan ko ng mata si Sir James. Nginitian niya ako. Ugh. May masama nanamang balak 'to. Jusko naman.

"Sir anong gagawin sa garden?" tanong nila.

"Mag-uusap lang kayo ng partner niyo tungkol sa mga x's and y's sa buhay niyo," tuwang-tuwa na sabi ni Sir James. 

What the hell?

"Ano sir? X and y? Si Sir oh, ipinipilit i-push ang Math sa buhay namin. Tsk tsk tsk," pabirong sabi ni Thalia.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Ayaw niyo yun, may bonding moments kayo? Pwede ko naman kayong bigyan ng polynomial problems ngayon kung gusto niyo. Either 0 or 50 ang score niyo. Ano game?"

"Ito naman si Sir James, di mabiro. Tara na kasi sa garden," wika ni Thalia.

Tumayo na kami at nagsimula ng lumabas yung mga nasa harap. Natigil naman ako sa paglalakad nang biglang hawakan ni Vince yung kamay ko.

"Is that guy really like that?" tanong niya.

"Sino? Si SirJames?"

Tumango siya. Hmmm. Anong trip nito?

"Kwela talaga si Sir James. Ayaw niyang nas-stress mga students niya sa Math kaya as much as possible, pinapagaan niya yung mga activities. That guy is really sensitive to people's feelings," sagot ko sakanya. 

Humigpit naman yung hawak niya sa kamay ko. His facial reaction was different this time. Parang na-upset siya sa sinabi ko.

"Kayong dalawa diyan, gusto niyo bang dito na lang kayo magbonding?" tanong ni Sir James habang  naka-ngiti. Tuwang-tuwa nanaman 'to.

Hinila ko yung kamay kong hawak ni Vince. "No Sir. Sasama kami sa garden. Tara na, Vince," wika ko.

---

"Are you gay?" tanong ko kay Vince.

"Huh? What?" naguguluhang tanong  niya.

"Kanina ka pa nakatingin kay Sir James eh. Type mo ba?"  wika ko sakanya. Jusko. Wala pa kaming napag-uusapan x and y ni Vince kasi mga 10 minutes na siyang nakatingin lang sa direction ni Sir James.

"Are you jealous?" naka-ngising tanong niya.

On the second thought, dapat di ko na lang pala siya pinakialaman. Ugggh. Kainis.

"The hell to all jealous people. I am not jealous. Sino ba namang hindi magtatakang bakla ka eh halos ten minutes ka ng nakatingin kay Sir."

"I am not. Nakatingin ako kay Daphne," wika niya.

"Reasons. Kakalipat lang nila Daphne sa part na yun mga 3 minutes ago."

Ginulo niya yung buhok niya tsaka siya ngumiti. Weird guy.

"You're funny," sabi niya.

"You're gay," sagot ko.

"Don't provoke me," sabi niya at saka niya inilapit yung mukha niya sa mukha ko. Flirt.

"Hindi porque hahalikan mo ako eh hindi ka na bakla. Tapusin na lang natin yung x and y thingy na pinapagawa ni Sir. Sure akong magtatanong yun kung anong pinag-usapan natin. Ayokong mag-imbento," sabi ko sakanya.

Inilayo niya yung mukha niya. "Then I'll start. How many exes did you have before?" tanong niya.

Ugh. What an ugly question. "One?" sabi ko.

Tumawa siya. "You don't sound so sure. Were flings? or secret affairs?"

Sumimangot ako. "None of your business,"

"Then add me to your list of bedroom negotiations. I wanna be part of it."

Jerk. "Wala ako nun. My turn. Explain your relationship with Daphne," sabi ko sakanya.

"Daphne's a classmate and childhood friend," sabi niya.

"With benefits?" tanong ko. Naalala ko yung gabi na naka-robe lang si Daphne and hinahanap niya si Vince.  And also the time na ipinagluluto ni Daphne si Vince.

Ngumisi siya. "Yeah."

Okay di niya dineny.

"My turn for y.  Why did people call you Third and why are you in that situation?" Another stupid question.

"I am goddamn beautiful," naka-ngiti kong sagot. I don't wanna talk about those things with people like him. Naiyak ko na lahat last time with Mico. I don't wanna do it again.

Natawa si Vince. "Well, it must be. You're really attractive," nakakalokong sabi niya.

Ngumiti ako ng pilit. "I know right?"

"Your turn," sabi naman niya. Thank God, akala ko may pa-follow up pa eh.

Hmmm... "Do you have romantic feelings towards  Daphne?"

"Why is it all about Daphne? I am not in love with her and I don't have any romantic feelings for her or such," diretsong sabi niya.

"Wala kasi akong matanong sa'yo. I personally don't want to be involved with you," straightforward na sabi ko.

He looked amused. Sino bang hindi maa-amuse? I am rejecting this good-looking guy. Ngumiti siya. "And why would you not like to get involved with someone like me?" eager na  tanong niya.

I smiled at him. This time, it's genuine. "I am a mess, you see. Katiting na lang yung payapang moments ko at kapag dumagdag ka pa, I might end up really insane. I am already minimizing my interactions with people to avoid trouble," paliwanag ko sakanya.

"Mukhang nage-enjoy na kayo sa bonding niyo ha. Are you two getting along?" biglang sulpot ni Sir James. Ang lawak ng ngiti niya. Kasalanan niya 'to eh.

"Nope. At the moment I am rejecting this guy," sagot ko kay Sir.

Tinignan naman ni Sir si Vince. "Why are you rejecting this good kid over here? Paano kung ang feedback na ibigay nila sa administration eh, negative dahil sa pag-reject mo? Baka ma-cancel yung Student Exchange Program."

Ngumiti si Vince. "Her rejection was really straight to the point. I am quite hurt," mahinang sabi niya.

"Look what have you done, Third. Three weeks pa lang siya dito and you're already pushing him away," madramang sabi ni Sir James. Ugh. Kainis. Mukha nanaman akong ewan. Bully talaga si Sir.

"It's better like that. I don't wanna be involved in any more serious trouble," seryosong sabi ko.

I know it. Vince is trouble. Daphne madly wants him and I don't want to get caught up with them. Nasabi na rin sa akin ni Thalia na hardcore player 'tong si Vince. Looks are really deceiving. Napakabait ng hitsura niya but he's a wolf inside. I know deep inside that he's one of those people who'll take advantage of me so I won't bite the bait.


Rumored ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon