And Then...

34 3 0
                                    

Nakakainis. Ugh. Bakit?! Bakit ako pumayag? Totoo nga yung sabi nila. Nothing good happens after 2am. Good Lord, it was an after 2am mistake. I was not in my best thinking condition. Sumabay pa yung gutom. Ugh. Ang tanga tanga ko lang. Paano ko pakikitunguhan si Vince? Paano na rin si Daphne? Ano kayang magiging reaction ni James? Sasabihin ko ba kay Thalia yung gulong pinasok ko? Hindi ko na alam.


"Uy Third, kanina ka pa nakatulala, ayos ka lang?"


Nabalik ako sa realidad nang marinig ko si Thalia. Sumimangot ako.


"Walang ayos sa akin. Naiinis ako sa sarili ko. Napaka-impulsive ko," sabi ko sakanya.


Tumawa siya. "Lagi naman. Ano pa bang bago?"


Tinaasan ko siya ng kilay. "So para saan yung pagtatanong mo ng ayos lang ba ako kung alam mo naman pala na hindi?"


"Para diyan oh," wika niya sabay turo sa hawak ko. "Lukot na lukot na yang papel na hawak mo. Diba yan yung survey form na dapat na ipa-pass mamayang 11:30 sa English class natin?"


Tinignan ko yung papel na hawak ko. "Shit." Ugh. Tanga mo talaga Arian.


Tumawa si Thalia.  Sasabihin ko kaya sakanya yung katangahang ginawa ko? Mas lalo niya lang ata akong aasarin kapag sinabi ko. Hindi ko na lang ata muna sasabihin.


"Hoy, kayong dalawa diyan, wala pa ba kayong balak pumasok?" tanong ni Kyle.


Tumingin ako sa wall clock dito sa lobby ng dorm. Quarter to nine na pala. Late na kami ni Thalia. 


"Papasok na po," sagot ni Thalia.


"Tara na, Third. Discussion lang naman sa Math ngayon diba? Kakatapos lang ng quiz last week eh."


Tumayo na ako at saka kinuha yung bag ko.


"Oo ata," sagot ko.


Haaay. Ayokong pumasok. Ayokong makita si Vince.


--


"And why are you here Third and Thalia?" tanong ni Sir James pagkarating namin sa classroom.


"Sorry naman kung late kami," hinihingal na wika ni Thalia. Tinakbo namin mula lobby ng dorm papuntang classroom. Nakakapagod.


"You're not supposed to be here," dagdag na sabi ni Sir James.


Tumindig ng tayo si Thalia. "Sir, hindi porque late kami eh pwede niyo na kaming itakwil. Masakit sa damdamin ha," wika ni Thalia.


Nagtawanan naman yung mga kaklase namin. Kahit kailan talaga 'tong si Thalia. Napasapo naman sa noo si Sir James.


Rumored ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon