A Declaration of War?

39 2 0
                                    

I overslept. What the hell? Nakalimutan kong isalpak ulit yung battery ng cellphone ko. Hindi tuloy nag-alarm. Tumingin ako sa wall clock. 10:30 na. Sobrang late na ako. Bumangon na ako at nagpunta sa banyo para maligo. After lunch na lang siguro ako papasok. Hihingi pa pala ako ng gamot sa infirmary.


"Bakit di ka pumasok?"


Napatingin ako sa pintuan ng infirmary. Nandun si Sir James na nakapameywang.


"Miss Gomez, here's the medicine you're asking for," biglang singit nung school doctor bago ako magsalita.


"You called him here?" tanong ko at saka inabot yung bote ng gamot.


Sumandal siya sa may table. "I'm sorry. Guardian mo si Mr. Lacrimosa so I need to inform him. I thought you'd be happier if I called him here."


It's Mr. Javier. Hindi ginagamit ni James yung Lacrimosa na family name. Tss. Sumimangot ako. I am not happy at all.


"Okay. Let's get out of here and talk," wika ni Sir James.


Tumayo ako at sinundan siya. Tsk. Tumigil kami sa may staircase malapit sa fire exit.


"What?" matamlay na tanong ko.


"What's wrong? Tell me, bakit hindi ka pumasok kanina? Did I do something wrong?" nag-aalalang tanong niya.


Why the hell do I feel bad about this situation? Kasalanan ko nanaman ba kung bakit pakiramdam ko stressed na stressed na sa akin si Sir James?


"I overslept. Okay na? Wag kang praning SIR James," wika ko. Pinilit kong magmukhang masaya para naman makumbinsi siya.


Kumunot yung noo niya. "Eh para saan yung gamot na hiningi mo sa infirmary?" Haay. Bakit ba hindi bumebenta sa mga tao yung mga excuses ko?


Inilabas ko sa bulsa ko yung bote ng gamot. Inabot ko sakanya.


"Antidepressants?" nagtatakang tanong niya. Tumingin siya sa akin.


"I'm... I just asked for it just in case things occur again. I'm perfectly fine," sabi ko sakanya.


Ibinalik na niya sa akin yung bote ng gamot. He pulled me closer for a tight hug.


"Don't simply rely on medicine and pills. Don't handle things alone. You always have me, remember that."


Tumango na lang ako. Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap. Ang hirap huminga pero ang comfortable sa pakiramdam.


"Okay na ako," mahinang sabi ko.


Ayaw niya pa ring bumitaw. "Hindi. Kailangan mo pa ng hug ko para mawala yung feelings of uneasiness mo. Ipapasa ko sa'yo yung good vibes. Bawal kang malungkot. Kapag malungkot ka, malulungkot din ako."

Rumored ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon