"Third, bakit ka nagmamaganda ngayon? Saan lakad natin ha?" natatawang tanong ni Thalia.
Palabas na kami ng dorm. Huminto ako sa paglalakad at saka ko siya nilingon. Really? Tuwang-tuwa naman 'tong friend ko.
"Thalia, bawal akong magmukhang haggard. Nasa kalagitnaan ako ng gyera ngayon, kaya pagbigyan mo ako," naka-ngising sabi ko sakanya. Maganda yung gising ko. May factor din siguro yung nasabi ko yung mga gusto kong sabihin kay Daphne last time kaya gusto kong magmaganda.
Di ako sigurado pero nag-twinkle yung mga mata ni Thalia.
"Kanino? Sinong kaaway mo? Bakit hindi ako updated?!" dire-diretsong tanong niya. Tss.
"Si Daphne kasi e. Anda--"
"OMG! Anong nangyari?!" Excited na tanong ni Thalia.
Sinimangutan ko siya. Di ko tuloy natapos yung sasabihin ko.
"Ik-kwento ko na sana diba? Pinutol mo yung flow ng sasabihin ko e. Ayoko na tuloy i-kwento," sagot ko sakanya.
"Kainis 'to. Nabigla lang ako. Ano ba? Ituloy mo na," pagpipilit niya.
"Third, hindi porque diyosa ka nanaman ngayon ay hindi ka na papasok. Malapit na mag-start ang first class," biglang singit ni Kyle.
"I know. Ito na papasok na," sagot ko kay Kyle.
"Andaya mo, Third," reklamo ni Thalia.
Napatawa ako ng bahagya.
"I'll tell you kapag nasa mood na ako ulit."
---
"Good morning, Third. Blooming ka ngayon ah? Anong meron?" bati sa akin ni Mico pagkapasok namin ni Thalia sa classroom.
"Center of attention nanaman siya kanina habang papunta kami dito sa classroom," singit ni Thalia.
Maganda nga kasi ako.
"Excuse me nakaharang kayo sa pinto."
Napalingon kami kina Daphne at Vince. Gumilid sina Thalia at Mico.
Inirapan ako ni Daphne at saka nilagpasan.
Nagkatinginan naman kami ni Vince. What? Nilagpasan niya rin ako at sinundan ko siya ng tingin. Huminto siya at bumalik palapit sa akin.
"Vince?" pagtawag ni Daphne.
Tinignan ko si Vince.
"Bakit?" tanong ko.
Lumapit siya lalo kaya napaatras ako.
BINABASA MO ANG
Rumored Third
Teen FictionShe's Arian Trish Gomez, the famous "Third"... dakilang sulutera, reyna ng malalandi, pinagseselosan ng mga inggitera, walang pusong relationship wrecker at higit sa lahat, dyosa ng third parties. Was she really all that?