Caught Up

48 4 0
                                    

Halos tatlong araw din ang dumaan bago ako tuluyang tigilan ni Kuya Mike. Seryoso nga ata talaga siya sa akin. Nakipag-break pa rin siya sa long-time girlfriend niya. Pero as usual, hindi nanaman ako nakaiwas sa mga negative na sabi-sabi ng mga tao sa paligid. Pati mga upperclassman na babae, pinag-iinitan ako kapag nakakasalubong ko sila.

Tumayo ako sa kama at dumiretso sa main door ng condo dahil may nagd-doorbell. Si James na kaya 'to? Ang tagal naman niyang bumili ng breakfast. Binuksan ko na yung pinto.

"Ang tagal mo namang bu---"

Natigil ako sa pagsasalita. Totoo ba 'tong nakikita ko? Nagkatinginan lang kami ni Vince. Anong ginagawa niya rito?

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Goddamnit. Suot ko yung t-shirt ni James at naka-short shorts lang ako.

"Problem?" tanong ko. Kalma ka lang Arian.

"Andyan ba yung KUYA ko?" tanong niya. In-emphasize niya talaga yung kuya eh. Oo nga. Ang tanga ko. Lacrimosa nga pala yung apelyido ng umampon kay James. Nakalimutan ko. Kaya pala parang may something kay Vince nung nagpakilala siya dati. Ugh. Ang tanga mo, Arian!

"Lumabas siya eh. Pasok ka na lang muna. Hintayin mo na lang siya sa sala," sabi ko sakanya.

Pumasok na siya at dumiretsong umupo sa sofa. Sinundan ko siya at saka umupo sa tapat niya. Awkward. Hindi ko ma-explain yung facial reaction niya. Nasa aggressive mode ba siya? Finally, na-unlock ko na yung pagiging bipolar niya. Nagiging aggressive siya tuwing involved si James.

Tahimik lang kaming pareho. Ilang saglit lang, narinig kong bumukas yung pinto.

"Rian, dala ko na yung food. Wala yung gusto mo so pancakes..." natigil si James nang makita niya kami ni Vince sa sala.

"...na lang ... kinuha ko," paputol-putol na sabi niya.

Nagtinginan lang sila ni Vince. Tumayo ako at saka kinuha sa kay James yung paperbag na hawak niya. Dumiretso na ako sa mini-kitchen.

"What are you doing here?" tanong ni James.

"I'm here to ask you, WHAT THE HELL ARE YOU DOING?" sagot ni Vince.

Umupo si James sa sofa. "Spending the weekend leisurely," wika ulit ni James.

"Leisurely? What the fuck? So totoo nga yung sinabi ni Christina na may babae ka rito sa condo mo. What's wrong with you?"

Natawa naman si James. God, I shouldn't be eavesdropping pero no choice eh, rinig na rinig dito sa kitchen yung usapan nila.

"What are you laughing at?" tanong ni Vince. Inis na nga ata talaga siya.

"Rian," tawag sakin ni James.

"Bakit?" tanong ko saka sumubo ng pancake.

Rumored ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon