Boy Magnet

21 2 0
                                    

Mag-iisang buwan pa lang mula ng magresume ang classes pero parang sobrang tagal na. Pitong beses na akong nasasangkot sa mga break up. Napaka-indemand ng beauty ko. Nakakainis lang. Dagdag pa sa stress ko si Vince. Minsan, napaka-intimate niya bigla then the next time, napaka-aggressive niya. Daig pa ako tuwing may PMS. Napaka-bipolar. Sinabi ko na ngang ayaw kong ma-involve sakanya pero sige pa rin siya. Nakakaloka pa at medyo iniiwasan na ako ni Daphne. At napapalapit na rin siya kina Mitzy, Natasha, at Marie.

"Uy Third, tawag ka nung upperclassman sa labas. Kanina pa yan nakatambay," wika sakin ni Thalia.

Bumusangot ako. "Sabihin mo, ayoko siyang kausapin. Busy ako, ganun," wika ko sakanya. Jusko, di na ako tinigilan nitong upperclassman na 'to.

Bumuntong hininga si Thalia. "Ikaw kaya magsabi, ayaw ko ring lapitan yun. Crush ko yun dati eh. Malandi naman pala. Sayang," reklamo niya saka umupo sa tapat ko.

"Never judge a book by its cover nga kasi. Paulit-ulit na yan sa isip ko recently. Di ko rin kasi akalain na may saltik pala yang si Kuya Mike. Matino ko naman siyang nakausap nung nakita ko siya dun sa club nung weekend eh tapos biglang poof, it became koko crunch naman na."

Natawa na lang si Thalia.

"Tawag ka nung lalaki sa labas," wika ni Vince habang umuupo siya sa upuan sa tabi ko.

Tinignan ko siya. "Ayoko siyang kausapin, pakisabi na lang."

"Ayoko nga. Katamad," reklamo niya.

"Edi bahala siya," sabi ni Thalia.

--

"Arian, pinapasok ko na 'tong si kuya kasi kanina pa siya sa labas," wika ni Daphne.

Napatingin ako sakanya at nakatayo na sa likod niya si kuya Mike.

"Third, let's talk please?" nagmamakaawang sabi ni Mike.

Nilingon ako ni Vince. He was smirking. Kainis. Pusta ko bedroom negotiation nanaman sasabihin niya. Tsk.

"We can talk here," sabi ko. Ano pa bang gagawin ko? Pinapasok na ni Daphne 'tong si Kuya Mike dito sa classroom. Wrong timing pa kasing na-cancel lahat ng classes dahil sa emergency meeting na yan. Tsk.

Tumingin siya kina Thalia, Daphne at Vince.

"You can talk here. Ignore us. Think we're air. We don't exist," sabi ni Thalia. Thank you so much!

Bumuntong hininga si Kuya Mike. Napasabunot siya sa buhok niya at tinignan niya ako desperately. "I want you," seryosong wika niya.

"Woah," biglang react si Thalia. Tinakpan naman niya agad yung bibig niya.

"I want you to be mine badly. Please," wika ulit ni kuya Mike.

Tinignan ko si Daphne, gulat na gulat. Si Vince naman amused.

"Kuya Mike, may girlfriend ka. Don't involve me with your lives. Kung may tampuhan kayo, don't use me para magselos siya," diretsong sabi ko sakanya.

"That's not it. I am much willing to break up with her just to have you," wika ni Kuya Mike. Bakas sa boses niya ang pagkadesperado.

Pustahan nanaman ba 'to? Sa pagkakaalam ko, two years na si Kuya Mike at yung girlfriend niya and they are goddamn happy together. So, bakit bigla akong nadamay? Nakakwentuhan ko lang naman siya tungkol sa mga random na bagay nung nag-club ako nung Saturday. My God, ano bang problema ng mga tao sa mundo?

"Bakit ako? Don't waste your time on me kuya Mike. You're happy together with your girlfriend. Just don't leave her because of me," wika ko sakanya.

Sinenyasan ko si Thalia and she knows what to do. Sumimangot si Kuya Mike.

"Do I need any reason to want you? I want you because I want you. I was never happy with her. All this time, my eyes were always stuck on you. Nagkaroon lang ako ng lakas ng loob nung kinausap mo ako sa club nung Saturday. That time, I confirmed to myself that I really want you. So please, give me a chance."

"I can't. I ju--"

"Third, diba sinabi kong pumunta ka sa faculty room ng 12 sharp?"

Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang biglang magsalita si Sir James. Naka-cross arms siya at nakatayo sa may pintuan. Napakagat ako sa labi. Tumayo na ako at nilagpasan si Kuya Mike. Bago ako lumabas, nilingon ko sila.

"Sorry Kuya Mike. I cannot give you any chance. Kung gusto mo talaga ako, huwag mong ipagduldulan sa akin na ako si Third," wika ko.

---

Tahimik lang akong naglalakad sa likod ni Sir James. Sinundan ko siya hanggang sa may garden. Huminto siya unexpectedly kaya nabangga ako sa likod niya. Napahawak naman ako sa ilong ko. Ang sakit. Humarap siya sakin at niyakap ako. I hugged him back.

"Why the hell did you not tell me na lumabas ka nung Saturday? Tignan mo tuloy yung nangyari," worried na wika niya.

"Hindi ko naman alam na may gusto sa akin si Kuya Mike. Saglit lang naman ako dun sa club. Dalawang bote lang ng beer yung ininom ko. Hindi ka pwede nung Saturday, bored na bored ako kaya ako lumabas."

"Ano ng gagawin mo next time na kukulitin ka ni Mike? I cannot always call you out tuwing mag-uusap kayo. Buti na lang talaga at tinawag ako ni Thalia," medyo galit na sabi niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap. Yes. Thankful ako na nakatakas ako ngayon.

"Sinabi ko naman na sakanya na ayoko. He should understand," sagot ko.

Bumuntong hininga siya.

"Next time, inform me kung lalabas ka ha. Don't make me worry about you so much," pagsukong sabi niya.

"Yeah I know. I'm sorry. Thanks for helping me out," naka-ngiting sabi ko.

Kinurot niya yung magkabilang pisngi.

"Haaaay. Why the fuck are you so attractive? You're such a boy magnet. Hindi ko na alam gagawin ko sa'yo," reklamo niya.

Natawa na lang ako. Ang ganda ko lang kasi talaga.

Rumored ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon