Hot Issue

23 3 0
                                    

Lord, kailan niyo po kukunin ang mga salot sa mundong ito? Naloloka na talaga ako sa kanila. Pagkabalik na pagkabalik ko ng classroom, nagkumpulan na sa pwesto ko sina Natasha at ang mga bitchy-mean girls ng klase. Haaaay. Sobrang sama ng tingin nila sakin. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro nakailang beses na akong namatay at nagreincarnate at namatay muli. Lumapit ako sakanila.

"Andyan na ang dakilang sulutera," sabi ni Mitzy, isa sa bitchy-mean girls.

"Problema niyo?" tanong ko.

Napasinghap ang mga bitchy-mean girls. Nagtaas ng kilay si Natasha habang naka-cross arms. At tumawa naman bahagya si Thalia na nakaupo sa upuan ko habang yakap yakap ang bag ko. Buti na lang talaga at hinabilin ko sakanya na bantayan yung bag ko kundi, baka gutay-gutay na lahat ng laman.

"Are you mocking us, you slut?" maarteng tanong ni Marie, isa uling bitchy-mean girl.

Nag-shrug ako. Alam ko naman pakay nila eh. Masaya lang magpaka-inosente. Wala ako sa mood patulan sila.

"Wag ka ng magmaangmaangan pa. Mag-sorry ka kay Natasha. Kasalanan mo naman kung bakit sila nag-break ni Mico eh. Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Sorry but not sorry. I don't do apologies. At isa pa, wala akong kinalaman sa break-up nila," bored na sagot ko.

Nanlaki yung mata ni Mitzy at bigla na lang akong sinampal. Napasinghap ang iba kong mga kaklase. Oo nga pala. May audience pala kami sa teleseryeng ito. Bakit ko nakalimutan yun?

"Sinungaling!" sigaw ni Natasha at saka na siya nag fake breakdown. Oo fake. Crocodile tears lang.

"Malandi ka talaga! Look what you've done! Pinaiyak mo si Natasha!" bulyaw din ni Marie.

Hinawakan ko lang yung pisngi kong nasampal at saka tumingin sakanila ng diretso. So, anong next sa drama nila.

"Oh bakit di ka makasagot? Totoo naman diba? Ikaw talaga ang may kasalanan kung bakit sila nag-break. Nilandi mo kasi si Mico. Mang-aagaw ka talaga," maarteng sabi ni Mitzy.

"Wala kayong pruweba kaya wag kayong magbintang. Atsaka hindi ko nilandi si Mico, excuse me," sagot ko.

"Malandi! Nakita kita nung sembreak na lumabas sa condo ni Mico ng umaga! Dalawang beses yun! Mang-aagaw ka!" sigaw ni Natasha at saka ako sinunggaban. Ilang saglit lang, naramdaman kong may tumulak este pumagitan samin. Napatras ako.

"Will you stop it Natasha!" sigaw ni Mico. Wow. Good timing kid.

"What?! Ngayon, kinakampihan mo pa yang babae mo! It's her fault Mico! She stole you away from me!" sabat naman ni Natasha.

"Wala siyang kinalaman dito Natasha so better stop it," seryosong utos ni Mico.

"Inagaw ka niya sakin!"

"Hindi niya kasalanan kung bakit ako nakipag-break sayo. Wag mo siyang idamay Natasha. You know the real reason," malamig na sabi ni Mico.

Rumored ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon