Original Story
(c) Snapdragon Lady
+=+=+=+
Rumored Third
Iba na talaga kapag maganda ka. Kahit naglalakad ka lang sa corridor, lahat ng mata nakatingin sa'yo. Akala mo naglalakad ka sa catwalk sa isang fashion show. Ganyan ang nararamdam ko ngayon habang naglalakad papuntang classroom. Lahat ng mga mata nakatutok sakin. Ino-obserbahan ako mula ulo hanggang paa. Maganda ako pero hindi yun ang rason kung bakit lahat ng mata nakatutok sakin. Simple lang naman ang dahilan diyan...
Ako kasi si "Third."
Si Third na walang malay este maganda. Ay shit mali pala...
Diretso lang ang tingin ko sa daan kahit nakikita ko mula sa peripheral vision ko na minamata ako ng mga tao. Hinuhusgaan nila ako sa kanilang isip. Sinasabihan ng mga masasamang bagay. Inaakusahan sa mga bagay na hindi ko ginawa at higit sa lahat paulit-ulit na binibinyagan ng pangalang "Third". Ano pa nga bang nagbago? Isang taon na nilang banyag sakin yan.
Dito sa school, especially sa batch namin, iilan na lang ang tumatawag sakin sa tunay kong pangalan. Maski subject teachers namin, Third na rin ang tawag. Kakaunti lang sakanila ang tumatawag sakin ng Arian o ng Trish. Pati ang best friend ko, nakikiuso na rin sa Third kahit alam niya ang lahat.
Nakalimutan na ata nila na Arian Trish Gomez ang tunay kong pangalan. Ang alam lang nila ay ako si Third...
dakilang sulutera,
reyna ng malalandi,
pinagseselosan ng mga inggitera,
walang pusong relationship wrecker
at higit sa lahat,
dyosa ng third parties.
Mga hibang na tao ang nagpaumpisa niyan. Mga inggit at walang magawang matino sa buhay. Basta may break-up, sige na, ako na ang may sala. Ako na ang pinanganak na may angking ganda, bait at sadyang malapit sa mga lalaki. Mas malapit ako sakanila kasi kahit papaano, mas pinagkakatiwalaan ko sila kaysa sa mga kapwa ko babae. Delikado ang mga babae at aware ako doon kaya ibayong pag-iingat ang peg ko.
Ayos na sana lahat kaso letse eh. Nabulabog ang katiting na kapayapaan sa buhay ko nang dumating ang pesteng lalaking yun.
"Sanay ka naman sa third parties, extended and play relationships diba ? Third, why not have an affair with me?"
Akala ko nagbibiro lang siya...
"Don't misunderstand na may gusto ako sa'yo. I'm just doing this to pass time. Medyo nabo-bore ako eh."
This idiot. Pinagmukha pa akong source of entertainment. I hate him. I can't tolerate him being around. I need to do something or my cover will be destroyed. Tsk.
"Sure. I don't mind." I answered because of my irritation. Yeah bastard, I'll go play with you.
Time to leave my comfort zone.
BINABASA MO ANG
Rumored Third
Teen FictionShe's Arian Trish Gomez, the famous "Third"... dakilang sulutera, reyna ng malalandi, pinagseselosan ng mga inggitera, walang pusong relationship wrecker at higit sa lahat, dyosa ng third parties. Was she really all that?