Third

43 4 0
                                    

"Good morning! Kamusta ang vacation?" pambungad sakin ni Thalia, best friend ko, pagkapasok ko ng classroom.

Dumiretso na ako sa upuan ko sa pinakalikod at pinakadulo. Sumunod naman sakin si Thalia. Inilapag ko yung bag ko sa sahig at saka umub-ob sa mesa. Sheesh. "Boring. Give up on me. Stressed ako," wika ko sakanya.

"Jusme. Hindi ka pa ba nasanay na ikaw ang madalas na spotlight kapag may nag-break na couple rito? Ikaw lagi ang salarin Third," wika niya sakin.

Haaay. Aanhin ko ang spotlight na yun? Hindi ko naman ikayayaman o ikatatalino pa lalo ang atensyon na binibigay nila. Ikaw ba naman kasi, pagpasok na pagpasok mo ng campus, lahat sila nakatingin sakin. Minamata ako ng bonggang bongga.

Inangat ko ang ulo ko at saka sinimangutan si Thalia. "Spotlight? Sa'yo na kung gusto mo. Porke nag-break si Natasha at Mico noong sembreak, ako nanaman ang may kasalanan? Si oh so famous Third niyo nanaman ang may pakana?"

Nginitian niya ako at saka pinat yung ulo ko. "Ito naman hindi mabiro. Yan tayo eh. Ikaw kasi si Third, ang pinasikat na sulutera. Ang pinakamagandang relationship wrecker. Ang madalas pagselosan ng mga kababaihan dahil malapit ka sa mga boys at mabait ka. Bonus pang matalino ka. Magtataka pa bang namis-interpret at na-over estimate ka nila?"

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Thalia. Oo na. Kasalanan kong friendly at matulungin ako. Ako yung madalas mapagkamalang sulutera, malandi o haliparot. Basta may nag-break, ang first conclusion nila, kasalanan ko. Hindi ko alam kung paano ako humantong sa posisyong ito basta ang alam ko lang, naging Third na ang pangalan ko dahil nasangkot ako sa isang rumored "third party". Senseless talaga ang mga tao kahit kailan. I just simply hate them. Kinailangan ko tuloy matutong mag poker face at kontrolin ang emotions ko. Kailangan kong ipakita sakanila na hindi ako apektado at wala akong paki but the truth is, inis na inis ako na umaabot sa point na gusto ko silang sakalin isa-isa at batuhin ng kung anu-ano.

"Kyaaah! Guys, ang pogi at ang ganda nung bagong transferees dito satin! Nakita ko sila sa office kanina kasama si ma'am!"

Napatingin naman kami kay Sheila na nagsisisigaw. So dumating na pala yung exchange students mula sa sister-school namin. Nabalot ng sari-saring bulungan ang buong classroom. Nagtinginan naman kami ni Thalia.

"Mag-syota kaya yung dalawang yun?" tanong niya habang nakangisi ng malapad.

"Tss. Lampake," sagot ko sakanya at saka umob-ob sa mesa. Inis pa rin ako sa mga nangyayari sakin.

"Uhm... T-third? Pwede mo ba 'tong isabay na ibigay kay Ma'am Ramirez pag punta mo sa faculty room?"

Inangat ko yung ulo ko at saka tumingin sa kumausap sakin. Si Monica, yung nerdy na kaklase ko. Tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin. Bakit naman ako pupunta sa faculty room?

"Uh... eh... Pinapatawag ka rin kasi ngayon ni Sir James," nakayukong sabi niya.

Inabot ko yung folder na hawak niya at saka ngumiti. "Sige, ako na magbibigay nito."

"S-salamat," wika niya.

"Geh. Thalia pabantay ng bag," sabi ko at saka na ako naglakad palabas ng classroom. Tsk tingin nanaman ng tingin yung mga tao. Taas noo pa rin akong naglakad papunta sa corridor pero mas binilasan ko yung paglalakad.

"Sir hanap niyo raw ako?" tanong ko kay Sir James. Sakto nasa labas siya ng faculty room.

"Ah. Oo. Ikaw na ang sumundo sa mga exchange students natin. Samahan mo sila sa dorm nila. Ito yung mga susi ng kwarto nila. Magkakalapit kayo ng rooms para masaya," sabi niya atsaka inabot sakin yung mga susi na naka-ngisi.

Tinignan ko siya ng masama. "Anong masaya dun?" tanong ko sakanya.

"Magakaroon ka ng bagong  mga kaibigan?" sagot naman niya.

Rumored ThirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon