02
Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Xeus, may tinapos kaming tatlo na project dahil pasahan na nito bukas. Mahigit dalawang araw ng hindi pumapasok si Derck hindi man lang ito tumatawag sa amin kung ano ba ang nangyari sakaniya.
Araw ng sabado dumalaw ako sa bahay nito upang tignan kung kumusta na ba ang kaniyang nakakabatang kapatid, ayos naman ang lagay nito, nag laro kaming dalawa nito buong hapon dahil wala rin naman si Derck sa bahay nila.
Pagkatapos namin mag laro ni Clyde inaya ako nito na umakyat sa taas dahil halata daw sa mukha ko na inaantok at pagod na daw ako, galing kase ako sa training ng basketball bago mag tungo sa bahay nila. Katulad ng sinabi nito nakiligo muna ako sa kwarto ng kuya niya bago makatulog sa kama ni Clyde.
Payapa akong natutulog no'n, nagising na lamang ako ng maramdaman na mayroon ng nakayap sa akin, napa ngiti ako dahil akala ko Clyde 'yon napaka lambing kasi nitong bata. Napatalon ako sa kama ng makita Hindi si Clyde ang taong 'yon, gulat itong napatingin sa akin habang halata sa mukha nito ang inis dahil na abala ang pag tulog niya.
" Bakit ka nakayap sa akin?" Takang tanong ko, hindi ako nito pinansin at saka muling pinikit ang mata. " Gago mo." Mura ko, tatayo na sana ako sa kama ng mag-salita ito.
" Nasa gitna natin si Clyde kanina siya ang kayakap ko, baka umalis siya kaya siguro ikaw na ang nayakap ko." Tumango na lang ako, Hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto ng marinig na nag-salita ito muli. " Nag yayakapan naman talaga tayo noon pa man ang arte mo, 'di kana matutulog?"
" Uuwi na ako." Tugon ko at tumalikod na.
" Hatid na kita."
" May sasakyan akong dala!"
" Ako na mag dra-drive, mag ta-taxi na lang ako may pupuntahan rin naman ako ngayon gabi." Tumayo na ito sa pagkakahiga at saka mabilis na lumapit sa akin, nginitian mo na ako nito bago akbayan.
" Sa hotel ka pupunta ano?"
" Kilala mo talaga ako!" Wika nito bago ako kindatan, pinitik ko ang noo nito dahil sa inis, " Aray!" Daing nito.
" Maawa ka nga sa kapatid mo Derck! Wala na nga yung papa niyo sa bahay buong araw pati ikaw wala rin dito, isipin mo naman yung mararamdaman ng kapatid mo! Hindi yung nag lalaan ka ng oras sa mga walang kwentang bagay." Saglit akong tumigil upang tignan ang reaksyon nito. " Ultimo pag-aaral mo pinapabayaan mo, hindi na tayo bata." Huminga ako ng malalim, Hindi ko na naiintindihan kung anong klase mindset ba ang mayroon ito!
Ang dami nag bago sakaniya na hindi namin nalalaman, basta-basta na lang siya umaakto ng kakaiba sa harap namin.
" Wait, sorry!" Sabi nito ng akmang aalis na ako para lumabas ng pinto, wala naman siyang ginawang masama sa akin, naaawa lang talaga ako kay Clyde dahil puro kasambahay na lang ang lagi nakakasama nito.
" Pupuntahan ko lang si Clyde sa baba tapos uuwi na ako."
" Hatid na kita tapos pagkatapos no'n uuwi na ako agad, hindi na ako pupunta ng hotel babantayan ko si Clyde ngayon gabi." Hindi ko na ito pinansin pa, mabilis ako nag tungo sa kinaroroonan ni Clyde ng makita itong kumakain.
Inaya pa ako nito umupo sa tabi niya kaya sumunod naman ako, sinubuan ako nito ng pagkain kaya wala akong choice kundi nguyain iyon at lunukin. Nag kwentuhan pa kami nito bago ko mapag desisyunan na mag paalam sakaniya na uuwi na ako.
" Kuya Vincent, pwede ba ako matulog sainyo?" Nag papa cute na wika nito sa akin, ginulo ko ang buhok nito ng makitang ang itsura na nag papaawa.
" Wala ka naman gagawin sa bahay namin eh, may gagawin rin si Kuya kapag uwi ko." Pag papaliwanag ko, tatayo na sana ako kaso bigla itong lumuhod para kumapit sa aking hita. Pinilit ko siyang itayo kaso mas humigpit pa ang pag kapit nito.
BINABASA MO ANG
What happened to me? ( Love Game Series #2)
Romance[Completed] " Stop, this is the end of us." Bl Start: Nov 17, 2021 End: Feb 3, 2022