05
Habang hinahantay namin sina Xeus at Wilson sa coffee shop mas pinili ko na lang mag cellphone para i check yung ganap sa mga social media ko, dalawang buwan na ako hindi gaano ka active dito kaya napakaraming notification ang bumungad sa akin pag ka bukas ko ng fb, ig, at Twitter. Sa tatlong apps na 'yan tumatakbo ang buhay ko, I'm not into online games.
" Bakit hindi mo pa inumin 'yan kape mo?" Usal ni Derck na ngayon ay naka upo sa tabi ko.
" Mainit pa."
" Gusto mo hipan ko?" Napatigil ako sa pag scroll ng cellphone mg marinig ang seryoso ng tono ng boses nito, napahawak pa ako sa bandang hita ko para pigilan na huwag matawa.
" Damn, anong akala mo sa akin bata? Nakapag na paso ako kapag ininom ko 'yan iiyak ako?" Natatawa kong sagot, ang seryoso nitong mukha kanina'y napalitan ng inis. Na offend ba siya?
" Okay."
Hindi na kami muling nag pansinan, twenty minutes pa ang lumipas bago dumating ang dalawa, may kasama silang babae kaso masyado pa silang malayo kaya di ko mamukhaan ang itsura nito.
" Tagal niyo naman, nag Segs paba kayo?" Bati ni Derck na makarating si Wilson.
" Na udlot." Natatawa sagot ng isa.
Nasa counter si Xeus kasama yung babae, umu-order sila ng makakain nila, bukod kase sa kape ang tinda dito mayroon din sila binebenta na kanin at ulam for breakfast, may mga tinapay rin.
" Sino 'yon? Kabet ng jowa mo?" Seryoso ngunit may halong biro na tanong ni Derck, nakatanggap ng malakas na batok si Derck dahil sa sinabi nito. Ma issue kasi ang lalaki na 'to porke may kasamang babae yung isa.
" Gago, kung may kabet man 'yan baka 'di na 'yon buhay ngayon!" Sabay sabay kaming tatlo tumingin sa dalawa na naka tayo sa counter na nag-uusap, parang kilala ko ata yung babae?!
" Kilala mo 'yan Vincent!" Dagdag nito" Sino siya?" Bulong ni Derck sa gilid ko, bakit ba ang chismoso nitong tao na 'to?!
" 'di ko pa gaano mamukhaan yung mukha eh, baka kapag naka lapit na siya sa atin baka makilala ko." Tumingin ako sa gawi nito, kita kong nakatingin ito sa babae na kasama ni Xeus.
" Type mo?" Biglang sumakit ang dibdib ko ng tanungin ko 'yon." Hindi naman, ang attractive lang niya kahit sa malayuan, perfect body, makinis, maputi, at ang ganda ng pagka hubog ng mukha nito kahit sa malayuan." Oh, hindi nga niya type pero nagawa niya agad i-describe.
Binalik ko na lang ang aking atensyon sa cellphone, may mga iilan tao ako ni replyan na kakachat pa lang ngayon, nag post narin ako ng latest picture ko dahil dalawang buwan na ang nakalipas nung huling beses ako nag post ng picture sa ig, ng mabagot kaka scroll sa ig sa Facebook naman ako tumambay, na nood lang ako ng funny videos hanggang sa maramdaman na may taong naka tayo ngayon sa aking harapan.
Ng mag angat ng tingin hindi ako agad nakalagaw, nginitian ako nito pero hindi ko agad 'yon na suklian. Mas lalo akong na tulala ng hawakan nito ang aking pisngi.
" Long time no see, Vincent ko!!!" Tuwang tuwa na sambit nito bago ako salubungin ng mahigpit na yakap.
" Tatlong buwan na kitang 'di nakakausap siraulo ka iniiwasan mo ba ako?" May bahid ng lungkot ang boses nito." A-ah, bakit naman kita iiwasan? Hindi lang ako naging active nitong mga nakalipas na buwan sa social media kaya gano'n!" Yumakap ako pabalik, na miss ko ang tao na 'to.
" Ehem!" Mabilis akong humiwalay sa pag kakayakap ng marining ng umubo ng peke si Derck sa tabi ko.
" Si Derck nga pala." Pag pakilala ko kay Derck, " Derck, si Kiara matalik kong kaibigan sa dati namin tinitirahan, childhood friend namin siya ni Xeus." Mag kakapit bahay kasi kami noon tatlo nung kami'y bata palang, kaya close na talaga kami sa isa't isa noon pa man, kahit nga gaano kami katagal na hindi mag-usap o magkita walang nag babago sa tratuhan namin.
BINABASA MO ANG
What happened to me? ( Love Game Series #2)
Roman d'amour[Completed] " Stop, this is the end of us." Bl Start: Nov 17, 2021 End: Feb 3, 2022