Epilogue

43 1 0
                                    

The last chapter.....
              
After 2 years.....

Habang inaayos ang gamit muli ko na-alala yung cap na binili ko na kapareha ng kay Vincent. Nangingiti ko 'yon hinanap na nasa loob ng cabinet, dahil matagal na panahon ko na 'yon hindi na gagamit punong puno na ito ng alikabok.

Pagkatapos linisin agad ko naman 'yon sinuot, nag tungo ako sa baba para puntahan ang dalawang bata na ngayon inaayos na ang sarili dahil mayroon kaming pupuntahan.

" Naka ready na ba kayo?" Tanong ko pa. Napatigil sa pag-susuot ng sapatos si Syian bago ako ngitian ng malawak.

" Let's go dada!" Sagot nito.

" Dad?" Na baling ang atensyon ko ng tawagin ako ng anak ko, sinalubong ko ito ng yakap.

" What's wrong?" Nag-aalala kong sabi, nakabusangot kasi ang mukha nito ngayon.

" Si Tito Clyde ang lakas mang inis." Naiirita nitong tugon.

" Ang laki laki mo na hindi mo parin kaya ang Tito mo?" Natatawa kong ani.

Ang saya sa pakiramdam na sa taon na nag daan na lumayo ang loob sa akin ni Clyde muli namin na ibalik ang pagiging close namin sa isa't isa. Simula ng mamatay si Mom sa akin na siya nanatili, nakita ko ito kung paano siya nag luksa, na lungkot at saka nahirapan mag adjust nung mga panahon na wala na kaming nanay na masasandalan.

Kung dati ay hilig nito mang-asar, tumawa, mag kwento, lahat ng 'yon sa isang iglap biglang nag laho, bagay na ikinalungkot ko.

It's been more than a year simula ng makasama namin si Mom, na makumpleto kami kahit tuluyan na kaming iniwan ni Dad.

Sana maging masaya siya sa pamilya na binuo niya dahil kami,

Masaya na kami.

" Kuya, nakahanda na yung sasakyan!" Sabat ni Clyde kaya napatango na lang ako. " Tatabi ka sa akin Klydian, may ikwekwento ako saiyo tungkol sa kung paano pinapatay ang daga." Nanakot ang tono ng boses nito.

" Ayoko nga, I'll go with dad!"

" Sila ni Syian mag katabi manahimik ka!" Mapang-asar na sabi ng kapatid ko, mabilis na humawak sa suot kong damit si Klydian ng hatakin siya ng Tito niya.

" Kung 'di lang kita Tito I'll punch your face until you can't breath!" Banta ng anak ko.

"C'mon, do it in front of your father!" Si Clyde.

Ang lakas talaga nito mam-bully, its good to know na unti-unti ng nakaka move on si Clyde, pa unti-unti bumabalik na ito sa dati niyang nakagawian.

" Saan pala tayo pupunta?" Biglang tanong ni Clyde ng makapasok na kami sa loob ng sasakyan.

" Sa sementeryo, kung nasaan si Vincent!" Nanahimik silang lahat.

" I want to see dada!" Malungkot na saad ni Syian na nakaupo ngayon sa driver seat.

" Yea! We need to hurry!"

Kapag nag mahal ka ng isang tao ng sobra-sobra mahihirapan ka makapag move on, bagay na totoo naman. Sa Ilan taon na hindi kami nag kita at nag kasama ni Vincent hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon mahal ko parin siya.

Hindi natin masasabi kung kailan o hindi pwede magkatuluyan ang dalawang tao na nag mamahalan dahil naka depende sa tadhana kung satingin nito na pwede kayo magkatuluyan ng pang matagalan o 'di kaya pag tatagpuin lang kayo para sa aral ng inyong matutunan.

Sa case namin ni Vincent halatang pinag tagpo lang kami ng tadhana, hindi kami na bigyan ng pagkakataon na ipaglaban ang pag-mamahalan namin sa isa't isa o 'di kaya naman may chances naman talaga kaming ipag laban ang isa't isa kaso mas pinili ni Vincent na iwanan ako para sa pangarap ko noon.

What happened to me? ( Love Game Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon