01
Habang nag lalakad nakita ko yung lovebirds na parehas nakaupo sa gilid ng baseball field, mabilis akong nag lakad papunta sakanila, hapon na hapon kalandian nilang dalawa ang nakikita ko, sakit sa mata.
" Pre!" Tawag ko ng 'di nila ako mapansin na naka tayo ako sa bandang likod nila, mabilis na tumayo sa kinauupuan si Xeus, pinag pagan niya muna ang sarili bago tuluyan na makalapit sa akin.
" Ginagawa mo dito?" Takang tanong nito.
" Baseball field 'to, wala naman naka sulat na mag jowa lang ang may karapatan na pumunta dito."
" Gago!" Mura nito, binatukan pa ako nito ng mahina bago bumalik sa kinauupuan.
Seeing them being happy makes my heart warmth. Wala naman mali sa pag-mamahal ng kapareho mong kasarian, hanggang sa mahal mo yung tao at pulido ang pag-mamahal mo sakaniya, ipag laban mo! 'wag kang mahiya na ipag malaki ang relasyon niyo, kayong dalawa ang nag-mamahalan kaya walang karapatan ang ibang tao mang husga.
Hindi mo kasalanan kung nag mahal ka ng kaparehas mo ng kasarian... kapag tinamaan ka ng love, talo ka.
Tumabi ako sakanila, nag kwentuhan lang kami nito habang pinapanood ang mga kapwa studyante namin na nag lalaro sa field. Noon, pangarap ko rin maging isang player ng baseball kaso ayaw naman akong payagan ng magulang ko dahil delikado daw ito pero satingin ko hindi naman.
Matagal na oras pa kaming nag tawanan tatlo, wala naman nag bago sa mga kinikilos nilang dalawa kahit in a relationship na sila ngayon. Kung sino sila noon mag-kaibigan pa ang turingan nila gano'n parin ang akto nila, walang gaano nag bago mas minahal lang talaga nila ng lubusan ngayon ang isa't isa bagay na kinatutuwa ko.
" Oo nga pala nasaan si Derck?" Biglang singit ni Wilson sa usapan, oo nga pala kanina pa kami nandito pero hanggang ngayon wala parin siya. Mag uumpisa na ang klase namin mayamaya.
" Nasa fuck buddies niya, for sure!" Sagot ni Xeus habang pinipigilan ang sarili na hindi matawa, sabagay sa aming apat siya ang fuckboy sa amin kaya 'di ako mag tataka kung bakit hindi siya lagi pumapasok, buti na lang tinutulungan siya ni Wilson sa mga assigments nito kapag hindi siya pumapasok.
" Until now 'di mo parin siya kaya baguhin?" Sabat ni Wilson sa gilid.
" You can't force someone to change easily!"
" You have a point!" Napangiti ako ng kaunti, gustong gusto ko baguhin si Derck sa totoo lang, gusto ko sabihin sakaniya na hindi parausan ang babae, na hindi maiibsan ang sakit na nararamdam niya kapag sa babae nito binubuhos ang lahat ng galit nito sa nanay niya.
Kaso masyado ng sarado ang isipan nito, sa mahigit dalawang linggo na lagi kami mag-kasama nito, sa tuwing nag babalak ako mag bukas ng usapan tungkol sa mga nakaka one night stand niya lagi niya binabago ang topic.
Malala na siya, sobrang adik na nito sa sex bawat gabi lagi na lang ito mayroon kinikita, sinusubukan ko siyang pigilan kaso ayaw niyang makinig. Natatakot ako sakaniya na baka makakuha siya ng sakit dahil iba-iba ang kinakama nito o 'di kaya may mabuntis ito at hindi niya panagutan ang bata, maaawa ako sa magiging anak niya kung sakali.
Aminado ako na hindi akong matinong tao, marami narin akong na ikama ngunit alam ko ang limitasyon ko. Pero siya? Hindi ko alam kung papaano ko pa siya tutulungan mag bago!
" Do i need to continue this? Look, kahit anong pilit ko sakaniya na maging matinong tao ayaw niyang makinig." Napabuntong hininga ako, lumapit sa akin si Wilson upang akbayan ako.
" Its not all about the dare! We dare you kase we know how much you're close to each others, para rin naman sa ikakabuti ni Derck 'to! Mas lalo siyang lumala, he cross the line." May punto si Wilson, hindi na normal ang ginagawa ni Derck. " Noon halos sa isang linggo dalawang beses lang siya may kinakamang babae pero ngayon? Araw-araw na lang ata. Alam namin ni Xeus na makikinig sa 'yo si Derck kaya 'wag natin siyang sukuan."
" May problema bang kinakaharap si Derck ng hindi niya sinasabi sa atin?" Napa isip ako sa sinabi ni Xeus, sa tuwing kasama ko siya lagi naman siyang nakangiti, sa tuwing pumupunta ako sa bahay nito ayos namam sila ng pamilya niya kaya anong problema nito?
" Nakakapagtaka kase mas lalong lumaki ang galit niya sa mga babae." Dagdag ni Wilson.
Saglit akong napa singhap, tumayo ako sa akin kinauupuan upang mag paalam sakanila na aalis na ako, kailangan ko alamin kung may problema ba talaga si Derck, bakit hindi ko na hahalata?
Is this because of her Mom?
Ng makasakay sa sasakyan mabilis ko itong pinaandar patungo sa bahay, uuwi muna ako para mag palit ng damit. Hindi muna ako papasok ngayon araw, sasabihan ko na lang si Wilson na bigyan ako ng lectures para mapag-aralan ko mamayang gabi.
Isang oras ang biyahe bago ako makapunta sa bahay ni Derck, itatanong ko kay Clyde kung saan ba nag tungo ang kuya nito at bakit hindi sumasagot sa tawag ko.
" Big bro!" Gulat na bati sa akin ng bata ng pumasok sa loob, saglit akong yumuko upang buhatin siya papunta sakanilang salas. " Hindi ka nag sabi sa akin na pupunta ka ngayon." Tatlong araw na kaming hindi nag kikita kaya sigurado akong miss na miss niya ako.
" I wanted to surprise you, na surprise kaba?"
" Nasa room niya po, ayaw daw niya po uli pumasok."
" Bakit naman daw?"
" Wala po siyang sinabi, im too child pa daw po to know his problems." Ang konyo naman mag-salita ng bata na 'to.
" Your kuya have a problems?"
" I don't know, but when i've always look at his eyes i see the sadness."
Nag paalam ako sakaniya na pupuntahan ko saglit ang kuya niya sa taas, sinabihan ko ito na antayin ako sa garden at doon kami mag-lalaro, inutusan ko rin ang kasambahay nila na samahan muna Si Clyde.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ni Derck pero wala parin akong naririnig na nag-sasalita. " Dude?!" Malakas na tawag ko. Ilan minuto pa ako kumatok bago ako makarinig ng boses na galing sakaniya.
" Clyde, nakatulog si Kuya sorr--" natigilan ito sa pag-sasalita ng ako ang makita niya pagkatapos buksan ang pintuan.
" Wala kana bang balak mag-aral?" Agad na sabi ko habang pumapasok sa loob.
" Marami naman kaming pera para bayaran ang failed sub--"
" Its not all about the money asshole! Aanhin mo kung nakapag tapos ka ng pag-aaral kung sa bandang huli wala ka naman natutunan!" Kita ko sa mukha nito ang pagka bigla, 'di ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko bakit ko 'yon na sabi.
" Fast learn--"
" Tigil tigilan mo ako sa mga rason mo! Ayusin mo nga ang buhay mo na papabayaan mo na yung pag-aaral mo tapos puro babae na lang ang inaatupag mo --"
" Nag seselos kaba?" Na estatwa ako sa sinabi nito, bakit ako mag-seselos? Concern lang naman ako bilang kaibigan niya.
" Huh? Gago kaba?" Depensa ko agad, tinawanan ako nito kaya inangatan ko ito ng kilay.
" Yung tono kase ng pananalita mo habang sinasabi mo yung, 'puro babae na lang inaatupag mo' para kang jowa ko na takot na takot na maagaw ako ng iba." Lumapit ito sa akin kaya napa atras ako. Anong binabalak ng gago na 'to?
" Sinabi ko 'yon dahil naaawa ako sa kapatid mo!" Napa tigil ito sa pag lapit sa akin. " Kung wala ka ng rason para ayusin 'yan buhay mo isipin mo si Clyde! Hindi habang buhay nandiyan si Tito para suportahan kayong dalawa." Ako naman ang lumapit sakaniya palapit, atras ito ng atras hanggang sa maramdaman niya na naka sandal na ang likod nito sa pader. " Maawa ka sa future ng kapatid mo!" Matagal ko pa 'to tinitigan, siya agad ang unang nag iwas ng tingin.
" Move!" Mahinang wika nito,
" hahalikan mo ba ako?"" Do you want me to do that?" I answered back.
" Sure, why not!" Ilalapit na sana nito ang mukha niya sa akin ng mabilis ko itong pigilan.
" Saka lang ako papayag na halikan mo ako kapag na ayos mo na 'yan buhay mo, tigilan mo na 'yan pagiging adik mo sa sex, tigilan mo narin yung pag gamit mo sa mga babae para makapag paraos ka ng init ng katawan." Nilapat ko ang isang daliri ko sa labi niya.
" Wala silang kinalaman sa ginawa ng nanay mo kaya huwag mo silang idamay!" Pagkatapos ko sabihin 'yon nilapat ko naman sa labi ko ang daliri ko na nakalapat sa labi nito kanina.Iniwan ko siyang tulala! ' di ko na alam kung anong ginagawa ko...
BINABASA MO ANG
What happened to me? ( Love Game Series #2)
Romance[Completed] " Stop, this is the end of us." Bl Start: Nov 17, 2021 End: Feb 3, 2022