03

40 4 0
                                    

03

" Nag iba ata ang ihip ng hangin ngayon?" Nang aasar na ani ni Xeus, mahina ko itong hinampas sa binti at baka mainis ang isa mag cutting nanaman 'to. Tinapik ko ang bakanteng upuan na nasa gilid ko upang iparating na duon siya umupo, ngumiti ito sa akin kaya tanging tango na lamang ang na isagot ko.

" Tagal mo naman mag park ng sasakyan."

" Hindi ako makahanap ng pwesto, puno na ang parking lot."

Pagkatapos no'n hindi na kami muling nag-usap pa, nakikinig na lang ako sa usapan ng mag jowa na nasa tabi ko na nag-aasaran, tuwang tuwa naman si Wilson sa mga kalokohan na sinasabi ni Xeus. Minsan kinakausap nila ako kaya wala akong magawa kundi sumagot, busy si Derck kaka pindot sa cellphone nito kaya wala kaming oras para makapag-usap.

Dahil sa sobrang bagot nilibot ko na lang ang aking paningin sa paligid, kasalukuyan kami nakaupo apat sa canteen dahil may meeting kami na inaabangan. Hindi maiwasan na maraming tao ang tumitingin sa banda gawi namin dahil sa taglay na kagwapuhan na mayroon kaming apat.

Simula ng mabalitaan na official na mag jowa sina Wilson at Xeus tinigilan na sila ng mga kababaihan. Na-alala ko pa noon na bago sila tigilan ng kababaihan pinag chismisan pa ang dalawa na kesyo ang lakas daw mang babae ni Xeus noon sa lalaki rin pala ang bagsak nito. Maraming na galit sa relasyon nila, may mga nang lait, nag tangka na siraan silang dalawa sa buong campus at yung iba naman sinusubukan na akitin ang dalawa para mapag-hiwalay sila kaso sadyang mahal ng dalawa ang isa't isa kaya hanggang ngayon matatag parin ang relasyon nila. Masaya ako para sakanila.

Ng matapos ang meeting agad kami nag tungo sa susunod na klase, pagtapos nito uwian na. Wala naman ako gagawin kaya di-diretso na lang ako sa bahay ni Derck para dalawin si Clyde! Tumawag ito sa akin kagabi na gusto na niya ako makita kaya pag bibigyan ko na ang bata.

" Punta kayo sa bahay mamaya? Nood tayo movies?" Aya sa amin ni Xeus, tinignan ko si Derck dahil hindi ito sumasagot. Busy ito sa cellphone nito habang nakangiti.

" May lakad ako mamayang gabi!" Agad na tugon nito ng batukan ko na siya.

" Nah! Uuwi tayo after class walang kasama yung kapatid mo!" Inis na sambit ko, hanggang ngayon wala parin siyang isang salita, akala ko ba mag babago na ito kagaya ng ipinangako nito nung nakaraan.

" Pupunta ka naman sa bahay eh." Sagot nito pabalik, halata sa mukha nito na nag papaawa siya na pumayag ako.

" Kung gano'n 'di na pala ako tutuloy."

" Vincent naman!" Tinaasan ko na lang ito ng kilay.

Sa susunod na araw na lang siguro ako dadalaw sakanila, isang linggo na kasi  walang nakakasama babae si Derck dahil lagi ko sinasabi na kawawa si Clyde kapag walang kasama, kaya ang ginagawa nito lumalabas silang dalawa, pina-pasyal niya yung bata at kung minsan nananatili lang silang dalawa sa bahay at duon nag lalaro.

Si Clyde ang nag babalita sa akin, sinabihan ko ito na sabihin sa akin lahat ng kilos na ginagawa ng kuya niya.

" Asan kayo ngayon?" Tanong ko kay Clyde sakabilang linya.

" We're here at mall, kuya talking someone right now."

" It's a girl or boy?" I asked confused, because if he's talking a girl right now there's a possibility Derck will take the woman out tonight to have sex.

" Are you jealous, kuya?" Napakunot ako ng noo, anong kalokohan ba ang pumapasok sa utak nito ngayon at bakit niya iniisip na nag seselos ako.

" I'm asking, 'di ko gusto yung kuya mo."

" But the tone of your voices it tells..."

" It tells? What?"

" You like kuya Derck!" Mabilis na tugon nito, tinawanan pa ako nito sakabilang linya na halata naman na pinag tritripan niya ako.

What happened to me? ( Love Game Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon