09
Napa pikit ako ng mata tuwing na-aala yung mga kinikilos ni Derck, he acting something different o 'di kaya binibigyan ko lang ng motibo? Napa sipa ako sa inis nakalimutan ko nakaupo pala si Wilson sa dulo ng sofa.
" Ano ba 'yan iniisip mo? Kanina kapa nahihibang diyan!" Si Xeus, pinaupo ako nito sa pagkakahiga at saka tumabi sa amin, nag bitaw ako ng malalim na pag hinga, noon nakaraang linggo pa ako hindi mapakali.
" Ang weird ni Derck." Ayon lang ang tanging lumabas sa bibig ko, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sakanila yung nararamdaman ko kasi gulong-gulo parin ako hanggang ngayon.
" What do you mean? May ginawa ba siya--"
" Iba na yung mga kilos niya." Pag putol ko sa sasabihin nito. " Iba yung trato niya sa akin, yung mga ginagawa niyong dalawa ni Wilson sa isa't isa parang gano'n. Para bang mag ano kami--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin, na hihiya ako.
" Umaakto siya na parang boyfriend ka niya?" Si Xeus, tumango ako. Nag kakatigan pa ang dalawa bago nila ako sabay na inakbayan.
" Vincent, ang tagal na namin na papansin 'yan ngayon mo lang na halata?" 'di makapaniwala tugon ni Wilson, tinignan ko ang mukha nito kung seryoso ba siya sa sinasabi niya, seryoso nga.
" At satingin ko may gusto na saiyo 'yon." Gatong ni Xeus.
Hindi ako agad nakaimik, tumayo ako sa pagkakaupo at tumayo sa harap nila na kagat kagat pa ang isang daliri. Paano kung gusto nga niya ako? Anong gagawin ko? Lumayo na ba ako dapat sakaniya? K-kaso hindi ko naman ata kaya 'yon.
" May nararamdaman ka rin ba sakaniya?"
" H-hindi ko alam, naguguluhan ako 'diko kaya I-explain yung nararamdaman ko basta lagi ko siyang iniisip sa mga bagay na ginagawa ko." Napa sapak pa ako sa hangin dahil sa pressure. " Normal pa ba ako?"
" Pero ready ka naman ba? K-kung sakali gusto niyo yung isa't isa? Handa kaba mag commit?" Curious na tanong ni Wilson, saglit pa akong napatitig sakaniya ng matagal dahil hindi ko alam ang isasagot.
" S-siguro?" Tumalikod ako sakanila.
" Oh baka ako lang yung nag iisip ng iba." Nag dadalawang isip kong sagot." Itanong mo na agad sakaniya 'yan ng diretso ng hindi ka nag-iisip ng kung ano-ano, wala rin naman masama kung magkakatuluyan kayo." Si Xeus.
" Hindi naman ganoon kadali 'yon! Diba?" Tugon ko.
" Hindi talaga magiging madali 'yan kung walang mag kukusa na mag tatanong sainyo kung ano ba talaga ang nararamdaman niyo sa isa't isa." Si Wilson.
Pagkatapos ng tatlong oras na pakikipag-usap sakanila nag desiyon na akong umuwi, nakahinga ako ng maluwag sa mga payo nila sa akin, na huwag daw ako mapressure kung naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon dahil darating din naman daw yung tamang araw na masasagot lahat ng katanungan ko basta mag hintay lang.
Hindi rin naman kasi namin na pag-uusapan ni Derck yung mga kinikilos namin sa isa't isa, hindi ko na alam kung normal paba sa mag-kaibigan na kapag matutulog mag kayakap, laging kumakain sa labas, at binibilhan ako ng mga bagay na gusto ko, madalas kami lang lagi mag-kasama pagkatapos namin pumasok.
Sinilip ko lang saglit si Shai sa higaan niya kung tulog naba ito, ng makitang maayos naman na saka ako nag tungo sa aking kwarto para mag linis na ng katawan. Nag suot lang ako ng pantulog na damit bago humiga sa kama.
Ilan beses ko pinilit yung sarili ko na matulog kahit na maaga pa, naka ilang ulit nako sa pag papatugtog ng pampatulog na kanta para lang dalawin ng antok, sinubukan ko na rin na huwag imulat ang aking mata pero ayaw parin tumalab.
BINABASA MO ANG
What happened to me? ( Love Game Series #2)
Romance[Completed] " Stop, this is the end of us." Bl Start: Nov 17, 2021 End: Feb 3, 2022