07

34 2 0
                                    

07

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, masiyado pang umaga. Nang makita na   kakalabas lang ni Derck galing sa cr agad akong umupo saka sinandal ang aking sarili sa board ng kama. Ilan minuto akong nakatulala habang kinukusot ang mukha bago mapagdesyunan na tumungo sa banyo upang maliigo.

Ngayon araw kami mag lilibot, sinigurado nila na maaga kami aalis para mas maraming lugar kaming mapuntahan.

" Tapos kana?" Lumapit ito sa pwesto ko, saglit nito inamoy ang aking buhok.
" Bango mo."

" Alam ko." Taas noo kong sagot.

" Yabang ha! Paamoy nga uli."

Kumpleto na silang lahat sa baba at kaming dalawa na lang ang kulang, nag umpisa na sila kumain kaya mabilis akong umupo sa tabi ni Clyde.

" Masarap ba tulog mo?" Bungad ko habang nilalagyan ang plato niya ng bacon.

" Vi, paabot ng bulalo." Bulong ni Derck sa tainga ko, kaya dali-dali ko itong inabot para ibigay sakaniya.

" Ano pa want mo Clyde? Fruits?" Muling tanong ko pa.

" Sige pahingi ako!" Singit nanaman ni Derck.

" Ang lapit lapit na sa 'yo bakit 'di mo abutin mag-isa?" Naiinis na tugon ko. Hindi na ako pinansin nito, nag patuloy na siya sa pagkain.

Nag-usap lang kaming lahat kung saan kaming unang pupunta, sa huli na pag desisyunan namin na sa Cebu Taoist, Temple is a Taoist temple located in Beverly Hills Subdivision of Cebu City, Philippines. The temple is built by Cebu's substantial Filipino-Chinese community in 1972.

" Vincent, dito ka sa tabi ko!" Bungad na sabi sa akin ni Kiara, umupo ako sa tabi nito habang kalong-kalong ang bata. " Matagal ba ang biyahe?"

" Hindi ko sure. Si Xeus na bahala do'n siya naman ang nakakaalam papunta do'n."

Dahil may van si Derck dito mas pinili namin na ito na lang ang gamitin para isahan na lang, kaysa sa kotse mag-hihiwalay pa kami papunta do'n.

Si Xeus ang mag dra-drive habang nasa tabi nito si Wilson. Nasa likod naman nila kaming tatlo nina Kiara, habang nasa likod naman namin naka pwesto si Derck mag-isa, tulog ito kaya hindi ko inabala pa na kausapin.

Mahaba ang biyahe, na muhay ang katahimikan nung oras na 'yon, lahat ay busy sa kani-kanilang ginagawa, habang si Clyde naman tulog sa mga bisig ko.

" Ang ganda, Tara mag picture tayo Banda do'n." Excited na wika ni Kiara ng makababa ng sasakyan, mabilis itong tumakbo papasok sa loob at hindi na kami inantay pa.

" Ang ingay naman." May bahid ng inis na sabi ni Derck.

" Masanay kana diyan, ganiyan talaga siya kaya nga ang saya niya kasama ang taas lagi ng energy." Tugon ni Xeus.

" 'wag kang kj, mag enjoy ka lang ngayon! May galit kaba kay Kiara? Ikaw ha!" Dagdag ni Wilson na may halong pang-aasar, pinakyuhan ni Derck ang dalawa dahilan kung bakit kami na tawa.

" Tara na, nasa loob narin si Clyde oh!"

Nilibot namin ang buong loob ng lugar, may nag guide sa amin para sabihin kung paano ito nabuo bagay na ikinatuwa ko dahil mayroon akong natutunan.

Kung pupunta ka rito aakalain mo talaga na para kang nasa china dahil sa Chinese temple dahil kuhang kuha nito ang kultura. Enjoy naman kaming lahat kahit na si Derck lang yung mukhang hindi. Nag selfie at nag kwentuhan lang kami ng mapagod doon na kami umalis para mag-hanap ng makakainan.

Hindi na namin nagawang pumunta sa ibang lugar dahil nasiyahan kami sa ganda ng tanawin dito kahit na maraming tao ngayon ang nag lilibot rin.

" Balik tayo dito Vincent, isama natin si Shai." Tumango ako sa sinabi nito.

What happened to me? ( Love Game Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon