014
Dire-diretso ako pumasok sa loob ng bahay ni Derck ng makarating, kilala naman na ako ng guard at yaya dito kaya okay lang sakanila kahit hindi na ako mag doorbell. Habang paakyat bitbit ang dalang mga pagkain sa magkabilaan kong kamay nakarinig ako ng boses na ng galing sa kwarto ni Derck.
" Just give me a time!" Nauubusan na pasensya na wika ni Derck, nagulat ako ng makarinig na mayroon na basag, saglit na muhay ang katahimikan bago mag-salita ang isang babae, may babae siyang dinadala dito?
" Time? Derck, hanggang kailan? Paano kami? Pinag bigyan naman kita K-kaso sobra na." Familiar ang boses ng babae, dahan-dahan ako nag lakad papalapit sa harap ng pinto.
" Alam mong aksidente lang 'yon, ginagawa ko naman ang lahat! Binibigay ko naman sainyo ang lahat ha? Pwede ba hayaan mo naman ako sumaya." Naiiyak na tugon ni Derck, ramdam ko sa boses nito na pagod na pagod na siya sa lahat ng nangyayari.
" 2 weeks, after ng 2 weeks aalis na kami sa oras na hindi mo kami piliin."
Nang mag bukas ang pinto na bitawan ko ang bitbit na pagkain, bakas sa mukha namin tatlo ang pagkagulat, pinilit ko galawin ang aking mga paa paatras pero hindi ko magawa.
" Hi, Vincent." Awkward na bati nito, saglit niyang pinunasan ang mga luha bago ako bigyan ng pilit na ngiti.
" I need to go." Dagdag nito at saka nag mamadali umalis.Sinundan ko ito ng tingin, ng tuluyan na siya mawala sa aking paningin saka ako nakahinga ng maluwag.
" Close na pala kayo ni Kiara?"
" Ah-uhm hindi naman gaano." Hindi ito makatingin ng diretso sa akin.
" H-hindi gaano?" Natawa ako ng peke, napahilamos ako ng mukha dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. " Pero nag-aaway kayo? Bakit mo pinaiyak si Kiara?" May bahid ng inis na tanong ko.
" Vi, let me exp--"
" Anong ginawa mo sakaniya?!" Naglakad ito palapit sa akin, sinubukan nito abutin ang kamay ko pero bigo ito.
" Wala akong ginagawang masama, Vi naman."
" Bakit siya nandito? Ano yung sinasabi niya na paano kami? Sinong kami yung tinutukoy niya? Derck naman! Ano nanaman ginawa mo, nakipag sex kaba sakaniya?" Sigaw ko sa mukha nito na ikinagulat niya. Napakagat ito ng labi, 'di makapaniwala sa sinabi ko.
" Ganiyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin? Na sex lang talaga ang habol ko sa babae kaya nandito si Kiara?" Nawalan ng emosyon ang mukha nito, " Kung nag sex nga kami anong pake mo? Kaibigan lang naman kita, diba?!"
Bigla akong sinampal ng realidad, oo nga naman mag-kaibigan lang naman talaga kami bakit over reacting ako. Tumango tango ako, ramdam kong maiiyak ako kaya kailangan ko ng umalis dito.
" S-sorry, nagulat lang ako ng makitang umiiyak si Kiara na ikaw ang kasama. Wala akong karapatan husgahan ka dahil hindi ko naman alam kung tungkol saan yung pinag-usapan niyo." Buti na lang at hindi na tapon ang binili kong pagkain, mabilis ko itong pinulot at inabot sakaniya.
" Pakibigay na lang kay Clyde, alis na ako."" Wait--" akmang hahawakan nito ang kamay ko ng tumakbo ako ng mabilis.
" Si Kiara ang nanay ng anak ko." Literal na pahinto ako sa sinabi nito.
S-si Kiara?
" Nag kita kami nito noon sa isang bar, alam mo naman na mahilig ako uminom. Nang makita ko ito sumasayaw sa stage agad ko itong ni lapitan, nakisayaw ako sakaniya habang pareho na kami may tama ng alak." Pagkwekwento nito, hindi ako nag abala lumingon ng marinig ang yabag ng paa nito na palapit sa akin.
" Hanggang sa nagkayayaan kaming dalawa, may nangyari sa amin ni Kiara hindi lang isang beses, maraming beses... hindi ko inaasahan na mabuntis siya, wala rin sa plano ko panindigan yung bata, kaya habang pinag bubuntis niya ang anak namin wala ako sa tabi nito. M-mabait si Kiara, mas pinili nito na buhayin ang anak namin kahit pinag tatabuyan na siya ng mga magulang nito. K-kasalanan ko kung bakit nasira ang buhay niya."
BINABASA MO ANG
What happened to me? ( Love Game Series #2)
Romansa[Completed] " Stop, this is the end of us." Bl Start: Nov 17, 2021 End: Feb 3, 2022