xxxxPresentxxx
Yrjo's POV
" Papa!!" napangiti ako ng madinig ko ang matinis na sigaw ni Saber habang papasok ako sa Mansion.
"How's my little girl?" inilapag ko ang aking helmet sa ibabaw ng mesa saka ko siya dali daling binuhat.
"Ang bigat naman ng baby girl ko." I love hearing her tiny giggle.
"Iniispoiled mo nanaman si Saber." Sabi ni Elle habang hawak ang isang slice ng mango cake. Unti unti siya umupo sa sofa.
Kahit na medyo malaki nanaman ang tiyan niya'y maganda pa din siyang tingnan.
"Mum! I want mango cake.." naka pout na sabi ni Saber kaya naman inilapag ko muna siya at lumapit din kay Elle.
"Here you go baby." naka ngiting sinubuan ni Elle si Saber.
"Gusto mo?" alok niya sa akin sa Mango cake.
Umiling naman ako.
"Alis na ako. Mag papractice pa ako. may laban nanaman next week." I pursued my car racing career.
"Ingat ka ha." Then she smiled.
Hahakbang na sana ako palabas ng pinto ng muli siyang magsalita.
"Aren't you going back to the Philippines?" bigla akong natigilan sa tanong niya.
"Ano pa bang babalikan ko don?" I smiled bitterly.
"Very well. Ingat." Tumango lang ako saka ako tuluyang lumabas ng Mansion.
Wala naman na akong babalikan eh. Baka nga hindi na niya ako kilala.
At saka sino ba naman ako sa kanya? Siya na nga mismo ang nagtaboy sa akin eh.
Bzzzzzzzzzz BBzzzzzzzzz
Nasa kalagitnaan ako ng pag da-drive nang mag vibrate ang aking cellphone.
[Tol.] It's Gieon one of my friends.
Napatawag ka? Tinanong ko pa samantalang alam ko naman kung anong dahilan.
[Tol.. Maawa ka. Samahan mo na ako.] parang bakla naman tung taong to.! Hindi ba talaga niya kayang umalis ng hindi ako kasama.
I don't know? I have a competition to attend. Yes I have a competition to attend and it is very important for me.
[Tol. Ngayon lang ako humiling sayo. Maawa ka naman oh.] may point siya, pero kasi wrong timing siya.
I'll see. Could you please stop that! You're so gay!
[Basta! Samahan mo ako!] ngayon mahahalintulad ko siya sa isang batang gusto bumili ng candy.
I'll check my schedule.
[Sige na nga!]
Okay. Bye. Then I hung up.
Kung bakit naman kasi ako ang gusto niyang gawing kasama samantalang madami naman siyang assistant. Pakiramdam ko minsan type ako nito eh. Pero siyempre joke lang yun.
Gusto kong sumasama sa kanya pero natatakot ako. natatakot akong masaktan muli. Natatakot akong bumalik lahat ng dati'y kinalimutan ko na.
Binilisan ko ang pagtakbo ng sasakyan ko. ganito ako palagi sa tuwing naaalala ko.
Ayaw ko na siyang maalala pa.
Aryn's POV
"Aryn hija.." napapitlag ako sa pagsususklay nang madinig ko si Manang sa nakaawang na pinto.
"Ano po yun?" tanong ko sa kanya.
"Tumawag yung foundation niyo. Sigurado na daw." Isang buwan na nang magpunta dito sina mama. Isang buwan na din simula nang ipaubaya nila sa akin ang foundation na itinatag nila ilang taon na ang nakakalipas. Agad kong tinanggap ang foundation na iyon kahit na hindi ko pa ito nakikita. Para kasing nararamdaman ko kung anu man iyong mga nararamdaman ng nasa foundation na iyon.
"Sige po Manang. Tatawagan ko po sina Mama para sabihing naconfirm na." mag kakaroon kasi ng medical mission ang foundation. Dadalo doon ang pinaka magagaling na spesyalista galing sa U.S.
"sigurado ka bang ayos lang sa iyo na hawakan ang foundation Aryn?" napangiti ako sa sinabi ni Manang. Sobrang nag-aalala siya sa akin samantalang kayang-kaya ko naman.
"Opo Manang. Sigurado po ako. kahit na hindi ko pa nakikita ang Holy Angels Foundation ay pakiramdam ko'y napaka lapit ko na sa kanila. Alam ko kung anong nararamdaman nila Manang. Alam ko kung gaano kasakit para sa kanila ang kalagayan nila dahil sa murang gulang ay ganoon ang sakit na tumama sa kanila at iniwan sila ng magulang nila kung kailan kailangan na kailangan nila ng kalinga." Bahagyang nanginig ang aking boses. Sobrang bigat kasi talaga sa pakiramdam.
"Sige hija. Pero mag-iingat ka ha." Naka ngiting sabi ni Manang.
Ang Holy Angels Foundation ay foundation kung saan nandoon ang mga bata na may Cancer, Encephalitis, at Septicemia. Nandoon din ang mga babaeng may AIDS at HIV. Gusto ko silang tulungan, gusto kong maipadama sa kanila na may nag mamahal sa kanila kaya naman napag pasyahan namin na magkaroon ng Medical mission kung saan nag imbita kami ng mga espesyalista na galing sa U.S.
"Lagi naman po akong nag-iingat Manang. Kailan pa po ba ako hindi nag-ingat?" nakangiti akong tumingin kay Manang habang titig na titig siya sa akin.
Tumango na lamang si Manang saka lumabas ng aking kwarto.
"Mum.." dahan dahan na pumasok ng pinto ng aking kwarto si Cara.
"Why baby?" tanong ko sa kanya. Parang kulang sa kislap ang kanyang mga mata kaya naman bigla akong nakadama ng pag-aalala.
"C-an we co-me?" hindi niya ako matitigan sa mga mata. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito at matitiyak kong hindi siya Ok.
"Sure baby. Where's Ciara?" tanong ko habang sinusuklay ko ang kanyang brownish curly hair.
"I-n our ru-m Mum-my.." inabot ko ang ribbon na nasa ibabaw ng hair dresser ko saka ko ito itinali sa kanyang buhok.
"There you go." Then I gave her a peck kiss in her head.
" T-enk y-u Mum-my." Her smile is so different. Parang tipid na tipid at may itinatago.
"Your welcome baby.." then I smile.
Tumalikod siya sa akin saka tumakbo palabas ng kwarto ko. ayos lang kaya silang dalawa?
Sana ayos lang sila.
Hindi ko kakayanin kung sakaling hindi.
(Sorry for the typos and grammatical errors.. enjoy reading.. :) CIAO!)
![](https://img.wattpad.com/cover/30829392-288-k26978.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (On-Hold)
RomantikSomewhere between the boundary of LOVE and FOREVER lies DESTINY.