xxxPresentxxxAryn's POV
"Mum.." unti unti kong minulat ang aking mga mata at nabungaran ang maliliit na kamay na nakadampi sa aking pisngi. Naramdaman ko din iyon sa aking balikat.
"Morning Mum-my.." saka ako dinampian ng isang matamis na halik sa pisngi.
"Morning Babies." I slowly smile.
"Mum-my.. Me H-ungry.." saka siya nag-pout.
"Me me too!!" toh talagang mga batang to.
"Magbibihis lang si Mommy ha." I looked at their innocent face and once again, I saw him.
"Aye Aye Mum-my!!" sabay silang sumaludo sa akin at bumaba mula sa aking kama. Natutuwa naman ako habang nag sasalita sila. Cute na cute pa din sila kahit bulol.
I changed my clothes saka bumaba na din sa dining kung saan naka upo ang kambal habang nag susubuhan ng bacon.
"H-alla! We didn't weyt for Mum-my.." sabi ni Cara.
"Am Hung-ry na me kashi." Sagot naman sa kanya ni Ciara.
"Mum-my would get hang-ry na." then I heared her sniff.
"I won't get angry Babies. Kain lang kayo." Then I gave them my sweetest smile.
I love them so much and they are my reason to stand tall.
"Mum-my kain na ka din p-o.." habang sinusubo sa akin ni Cara ang isang piraso na bacon na hawak niya ngayon.
"Mum.. Drink milk po.." sabay abot naman sa akin ni Ciara ang isang basong gatas.
Nakangiti kong inabot ang gatas at kinain ang bacon na bigay nilang dalawa. Napaka swerte ko sa kanilang dalawa. They are blessings from up above.
Habang tinitignan ko sila'y naaalala ko nanaman siya. The way Ciara and Cara smile is the same with him. Why do I still love him?
"Hija. Eto na yung gamot mo." Saka iniabot ni Manang sa akin ang isang platito na may nakalagay na gamot at isang basong tubig.
"Salamat ho Manang." Saka ako ngumiti sa kanya.
Tahimik ko lang tinitignan ang kambal habang nagsusubuhan sila. Ang dami nilang nakuhang ugali sa kanya.
Pero isa lang ang ugaling talagang tumatak sa isipan ko at iyon ang pagigigng sweet niya na kuhang kuha naman ng dalawang ito.
"Aryn hija.. Tumawag nga pala ang Papa mo kanina." Kumunot ng bahagya ang aking noo.
"Bakit daw ho Manang?" tanong ko kay Manang habang sumusubo ng bacon na bigay ng kambal.
"Miss ka na daw nila ng Mama mo. Pati ang kambal." Napangiti ako sa aking narinig.
"Wala namang masama manang hindi ba kung dumalaw sila rito?" nagkibit balikat ako saka ko itinuloy ang pagkain.
"Ang akala kasi nila'y galit ka pa rin sa kanila hanggang ngayon?" napangiti ako ng mapakla dahil sa sinabi ni Manang.
"Lahat naman manang nag babago sa pag lipas ng panahon." Saka ako tumingin sa kanya.
"Ayaw ko namang magsisi na hindi ko sila pinatawad dahil sa pride ko Manang. Kahit papaano naman po'y sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon."
Nakikita ko sa mga mata ni Manang ang namumuong luha na kahit anung oras ay maaari nang bumagsak.
"Tatawagan ko nalang sila, sasabihin kong pwede silang dumalaw." Dalawang tango na lamang ang ginawa ko saka bumalik sa pagkain.
"Mum.... Finished n-a po m-ee.." masiglang lumapit sa akin si Cara saka ako niyakap.
"Me me d-in Mum-my.." tumatakbong sabi ni Ciara.
"Wash your hands na babies then take a bath."
"Aye aye taptain." Chorus nila saka sumaludo.
Napangiti na lamang ako habang kumakain.
Susubo pa sana ako ng isang kutsara nang maramdaman kong may dumadaloy mula sa ilong ko. pinunasan ko ito saka ako nanlumo sa aking nakita. Dugo.
Tumakbo ako papunta sa CR sa salas ng bahay saka dali daling in-open ang faucet at hinugasan ang dugo na kanina pa dumadaloy.
Napatingin ako sa salamin ng CR saka ngumiti ng mapakla.
Bakit ngayon pa ito nangyari sa akin? Bakit kung kailan magiging mabuti na ang lahat saka pa ako nag kakaganito?
"Hija.." napatingin ako sa labas ng salas.
"Nandito po ako sa CR Manang." Inayos ko ang aking sarili na para bang walang nangyari.
"Tinawagan ko na ang Mama at Papa mo." Naka ngiting sabi ni Manang habang papalabas ako ng CR.
"Pupunta daw sila dito bukas na bukas din." Saka siya bahagyang pumalakpak dahil siguro sa excitement niya.
"Salamat po Manang." Yumakap ako kay Manang. Siya ang nag-alaga sa akin simula pa ng bata ako. siya ang tumayong pangalawang nanay ko kapag wala si Mama.
"..... sa lahat." Kasabay ng pag higpit ng yakap ko sa kanya'y ang pagtulo ng luha kong kanina pa pinipigilan.
"A-aryn Hija..... May problem ba?" nagtatakang tanong niya sa akin kasabay ng pagkalas ko sa kanya.
"Wala po. Masaya lang ako kasi lagi kang nasa tabi ko kapag kailangan kita." Saka ko pinunasan ang aking luha.
"Tinuring na kitang tunay na anak Aryn." Humawak siya sa aking magkabilang balikat saka ngumiti.
"Hala sige.. Magluluto na ako ng pananghalian natin mamaya." Saka ulit siya ngumiti. Tumango lamang ako at umakyat sa kwarto ng kambal upang tignan kung anu na ang nangyayari sa dalawa.
Palapit na ako sa pintuan nang marinig kong nag-uusap ang dalawa.
"Are you going to tell Mum yung bullying na baboy sayo?" lumapit ako sa nakaawang na pinto saka ko sila sinilip.
"No.. no.." saka umiling iling si Ciara.
"But why?" habang sinusuklay ni Cara ang kapatid.
"I don't like Mum-my to be sad. Kasi that pi-gy bank. K-ung anu anung s-inasabi.." nagtaka naman ako. halos lahat naman ng nakakalaro nina Cara at Ciara ay mababait. Sino kayang tinutukoy nila?
"She'll get hurt... S-sbi kasi ni Piggy w-ala tayo da-dy.." tumulo nanaman ang luha ko sa aking narinig. Ang sakit, pati mga anak ko'y nadadamay dahil sa ginawa niya. Pati sila'y nasasaktan dahil sa kanya.
"Ye-ah.. that's right.. Lets n-ot tell her.." sang-ayon naman ni Cara. Ayaw nila akong masaktan pero sila ang nasasaktan. Matalino nga talaga ang mga anak ko.
Kumatok ako na para bang wala akong narinig kanina.
"Done na bang maligo ang babies ko?" nakangiti kong tanong. Yung ngiting parang may itinatago.
"Yuppiiee Mum-my!!" saka tumakbo si Ciara para yakapin ako.
"I love you Mum." saka ako dinampian ng halik ni Cara sa pisngi.
"I love you too Babies.." saka ko sila niyakap na dalawa. Paano nalamang kung mangyari ang hindi inaasahan? Paano na sila? Baka hindi nila kayanin? Ayaw ko.. Lalaban ako para sa kanila.
Kahit para sa kanila nalang.
Kahit ilang taon pa.
Iyan lang ang hiling ko.
(Sorry po sa grammatical errors at typos. iyan po ang produkto ng Stress at depression. tsk tsk. Medyo namatay ang neurons ko dahil sa exams kaya pag pasensyahan niyo na po sana. BTW.. Thank you for reading po. kung meron mang nagbabasa. :) Ciao!)
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (On-Hold)
RomansaSomewhere between the boundary of LOVE and FOREVER lies DESTINY.