Chapter 9

22 4 1
                                    

xxxxFlashbackxxxx

Aryn's POV

"Hey.." isang marahan na tapik ang nagpadilat sa akin. Ang init ng pakiramdam ko. ang bigat ng katawan ko. ang gwapo ng kaharap ko.

Kyahhh!! Ano ba yan Aryn, nilalagnat ka na't lahat lahat kalandian padin yang nasa masakit mong ulo. Tsk tsk.

"Kamustang pakiramdam mo?" may nakikita akong pag-aalala sa kanyang mga mata. Mmmm.. maharot! Huwag assuming!

"buti pa yung pakiramdam ko kinakamusta..." I almost whisper. Edi sinakal ako nito kapag sinabi ko sa kanya ng harapan.

"What?" ahay! Narinig niya.

"Sabi ko medyo masakit pa ulo ko." nagsasabi ako ng totoo at hindi po ito pawang kalandian lamang.

"Here. I made a soup." Awwwww.. Eng swet swet nemen nye.. Pwede be ekew neleng keenen ke.. ehehehe..

Aii! Ke landi mo Aryn!

"Here." Bahagyang nanlaki ang aking magagandang mga mata. Huwahhh!! Susubuhan niya ako. aharhar..

"A-no.. A-ko na.." umiwas ako ng tingin at bahagyang nagpakipot.

"Pakipot ka! Nga Nga!" halla! Ayan na. magtatranform na siya sa kanyang pangalawang katauhan which is monster. Monster ng kagwapuhan, kamachohan at kasarapan.. Huwahhhh!! Anu ba yan! Nagka lagnat lang umaapaw na yang kalandihan mo!

Syempre dahil ayaw kong masira ang aming atmosphere ay ngumanga na ako. alangan namang magpakipot pa ako, syempre gora na. gwapo niya eh. Ahihihi.

Habang sinusubuhan niya ako'y hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang mga mata. Pababa sa kanyang ilong, at pagdating sa kanyang labi'y... napalunok ako.

"Sherep.." nanlaki ang mga mata ko.

"Huh?" tumaas ang kanyang kilay na tila ba nagtatanong.

"A-no..Ang sarap nung soup." Pheww! Lumusot ka please.

"Thanks." Then he smile. Hay! Heaven!

Tinuloy ko ang pag a-asses sa kanya.

Bumaba ang mata ko sa adams apple niya..

"Hmmmmm." Napatigil nanaman siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Hmmmm.. Ang sarap talaga..." ayan itinuloy niya ang pag subo sa akin. Ahihi.

Continue..

Lumapag ang aking mata sa kanyang matipunong dibdib pababa sa kanyang tyan kung saan namamakat ang kanyang masarap na abs..

"Pandesal.." with feelings kong nasabi.

"What?" kumunot ang kanyang mga noo.

"M-ay pandesal ka ba diyan?" palusot ko nanaman. Dyos ko papa god. Patawarin mo po ako.

"None. Hindi bumili si Tita." Mukhang nakalusot naman ako. haha.

Tinuloy ko ang assessment last na toh!. Bumaba ang mata ko sa may gitna. Tatlong beses akong napalunok saka ako napatili.

"Ahhhhhhhhh!! Ang lakiii!!!" agad kong itinikom ang aking bibig ng marealized ko kung anung nasabi ko.

"Ang alin?" nagtataka niyang tanong.

May namumuong butil ng pawis sa aking noo. Parang bigla akong nanlamig.

"A-h .. A-no.. yung... yu-ng.. yung kutsara.. Ang laki tapos ipapasok mong buo sa bunganga ko. ang laki kaya. Nakakasamid." Saka ako nag fake cough.

"Sorry.." ayan effective.

"ANONG GINAGAWA NIYO!" parang kulog na dumagundong ang boses ni Madam Penguin sa apat na sulok ng kwarto.

Destiny's Game (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon