chapter 11

33 4 0
                                    

Aryn's POV

Its been a week mula nang mangyari iyon.

Napakalaki ng pasasalamat ko kay Yrjo sa pag liligtas niya sa akin. Siguro kapag hindi siya dumating napilitan akong maisuko ang Bataan.

"Governess.. Ang pogi ng knight in shining leader jacket mo.!" Naka leather jacket kasi si Yrjo nang iligtas niya ako kaya naman iyan na ang naging bansag ni Trix sa kanya.

"Ang dapat kay Kenzo pinuputulan ng junjun eh tapos ipapakain sa buwaya." Pinang gigilan naman ni Pam ang pan cake na nasa harapan niya ngayon.

"Sayang. Boto pa naman ako sa kanya. Pero manyak pala siya." Saka nag kibit balikat si Chelly.

"Speaking of Pogi. Nandiyan na prince charming mo." Kinikilig na sabi sa akin ni Trix sabay tabig ng kamay ko.

Busy kasi ako ngayon sa aking laptop para nanaman sa napakalaking event ng aming department.

Sumulyap ako sa sinasabi ni Trix at nakita ko ngang paparating siya.

Mukha siyang knight pero imbes na armor ang suot niya'y leather jacket. Wala siyang espada pero may t square siyang hawak at wala siyang kabayo pero mayroon siyang isang napakagarang kotse. Masasabi kong, isa siyang modernong knight in shining armor... no scratch that...... Knight in shining leather jacket.

"Hi." Tinignan ko siya. Ngayon lang ata to bumati ng nakangiti ah?

"Hi Yrjo.." chorus nung tatlo.

"Upo ka." Dagdag pa nila.

Naupo naman si Yrjo sa tabi ko saka ako simpleng tiningnan.

"Bakit?" naka tuon pa din ang pansin ko sa ginagawa ko sa laptop ko.

"You okay now?" nag-aalalang sabi niya.

Tumango na lamang ako. bakit habang lumilipas ang araw ay lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko na talaga siya.

"Kumain ka na?" tanong niya sa akin.

"Yup." Saka ko itinuloy ang pag ta-type ko.

"So... Engineering ka Yrjo.?" Biglang tanong ni Pam.

"Yeah.. Mechanical Engineering." Saka niya binigyan si Pam ng isang napaka tamis na ngiti.

"Malapit na pala yung SEA day and night ninyo ah? Balita ko'y kasali ka sa pageant?" bigla akong napatingin sa kanya. Siya? Sasali? Ohhhhh.. I should watch that.. ahihihihi.

"Wala daw kasing representative yung klase namin eh kaya naman ako nalang daw ang sinali." Masaya to.. hihi.

"Governess.. Bat di ka pala sumasali sa mga pageant sa department natin?" tanong sa akin ni Chelly.

"Chelly naka high ka nanaman noh.? Malamang ako yung organizer." Adik toh! Edi ako na ang panalo pag nagkataon.

"Oo nga pala. Hehe." Chelly.

"Anong talent mo?" pagkuwa'y tanong ni Pam.

"Hindi ko alam. Hindi ko pa iniisip sa ngayon. Bahala sila." Saka siya bumuntong hininga. Naaaninag ko sa boses niyang napipilitan lang talaga siyang sumali.

"Ba't di nalang singing tapos duet kayo ni Aryn. Maganda boses niyan sobra!" ayan at binubugaw nanaman ako ng mga toh.

Tumingin nanaman siya sa akin pero di gaanong matagal.

Kaloka tong mga babaeng to.

Tumingin ako sa aking relo saka nag salita.

"Chelly diba may klase ka ng 12PM? 5minutes nalang at 12pm na. 10mins. bago ang klase ni Ma'am Alantara'y nag che-check na siya ng attendance." Sabi ko habang nakatingin padin sa aking laptop. Agad namang tumayo si Chelly at kinuha ang kanyang mga libro.

Destiny's Game (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon