xxxxFlashbacksxxxx
Aryn's POV
Ilang araw ang matulin lumipas. Pilit kong iniiwasan si Yrjo simula nang araw na magpunta kami sa SipZone. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng bahagyang pagkailang sa kaniya.
Nailang nga ba? O nasaktan sa paraan ng pagpapakilala niya sa akin sa best friend niya?
Pero ano bang inaasahan ko kung hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa amin. Ayaw kong maging assuming. Nakamamatay.
"Ms. Silva. Okay na ba lahat nung para sa event?" tanong ni Ma'am Jaranillo, ang Dean ng HRM and tourism department.
"Yes Ma'am. naorganize na po lahat. Pero ma'am hindi ko pa po pala nakaka-usap ang Front liners club na magiging usherettes sa event." Sabi ko sa kanya.
"Sige. Just update me anytime okay?"
"Yes Ma'am." saka na ako tumayo at umalis sa kanyang office.
"Governess. Working committee ako ha." Si Pam, member din kasi siya ng SB at Front liners club.
"Sige. Asan pala si Fea?" si Fea ang President ng Front liners club and I need to talk to her right now.
"May klase ata Governess." Sagot sa akin ni Pam.
Tumangu-tango na lamang ako.
"Aryn." Si Trix kadarating lang.
"May problema." Naupo siya sa upuan sa aking harapan.
"Anu yun?" hindi ko kakayanin kapag pumalpak ang event na to.
"Yung mga gamit sa isang activity. Kinapos daw, hindi yata makakaabot para sa competition." Sabi niya.
"Anong competition yon?" saka ako tumingin sa aking laptop na ngayo'y ino-open ko.
"Sa Floral design. Modern for bouquet." Napa-iling ako. hindi pwede iyon.
"Wala na bang pwedeng ibang gawing paraan?" tanong ko.
"Meron. Kung ikaw mismo ang pupunta sa baguio at bumili ng mga bulaklak." Saka siya nag kibit balikat.
Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na hininga.
Anong gagawin ko? may klase ako at hindi ko dapat pabayaan iyon.
"Hahanap ako ng pwede." Pinatay ko ang aking laptop saka inilagay sa aking bag.
"Palagay nalang ako sa SB office." Sabi ko kina Pam at Trix.
Tatayo na ako nang biglang.
"Aryn." Isang pamilyar na boses ang aking narinig kaya naman ako'y napalingon.
"Are you mad?" tanong niya sa akin.
"Bat naman sana.? Nagmamadali ako Yrjo. Mauna ako." hindi ko na hinintay ang kanyang sagot saka ako nagmamadaling umalis.
Kailangan kong makahanap ng mga bulaklak para sa activity na iyon. Hindi pwedeng hindi matuloy iyon. Ayaw kong pumalpak. Lakad takbo ang ginawa ko dahil after 1 hour ay may klase na ako at hindi ko dapat palampasin ang klase kong iyon dahil baka manganib ang grade ko.
Patawid na sana ako nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko saka niya binuksan ang passenger seat.
"Hop in." wala na akong magagawa. Aarte pa ba ako kung grasya na ang nagbigay?
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (On-Hold)
RomanceSomewhere between the boundary of LOVE and FOREVER lies DESTINY.