xxxFlashBackxxx
Yrjo’s POV
“Excuse me sir. We just had landed.” I slowly opened my eyes and saw the face of the flight attendant smiling at me.
“Thank you..” habang nag aadjust pa ang aking mga mata sa liwanag na dulot ng pagtama ng sikat ng araw sa bintana.
Kihuha ko ang handbag ko na inilagay ko sa itaas ng upuan ko saka tumayo at lumabas na ng eroplano.
So this is it. I’m Home. I thought to myself.
I already got my luggage. Palabas na ako ng airport ng may matanaw akong maliit na kartolina kung saan nakasulat ang aking pangalan.
Zion Zirvantes.
A half smirk formed in my lips. Isa lang naman kasi ang tumatawag sa akin niyan. Naglakad ako papunta sa taong may hawak ng kartolinang iyon saka nagsalita.
“How are you now my dear aunt?” she looked stunned. It’s been a long time since I saw her.
“Aba ikaw na ba iyan Zion hijo?” saka niya inayos ang kanyang salamin. She’s always the same and I missed her so much.
“The one and only Tita.” Then I smiled at her.
“Aba’y napakagwapong lalaki naman na ng Zion namin. Ganda talaga ng lahi natin no!” saka humalakhak si Tita ng sobrang lutong.
I smiled at her.
“Halika nang bata ka ng makapag pahinga ka na.” she carried my hand bag and walk towards the blue convertible BMW car that is parked nearby.
“Sabi ng Daddy mo’y ito daw munang sasakyan na to ang gagamitin mo habang nandito ka. Aba’t sosyal iyong Daddy mo’t nagpadala ng pagkaramiraming pera para dito.” I just smile. Madaldal padin pala si Tita hanggang ngayon.
“Siya nga pala hijo. Nai-enroll na kita doon sa university na pinagtatrabahuan ko. sabi ng tatay mo’y Mechanical Engineering ang i-enroll ko para sayo.” May maganda din palang dulot ang pagpapadala sa akin ni Dad dito. Atleast yung kursong gusto ko’y gusto din ni Dad para sa akin.
“Tapos ipapa tour nalang kita doon.” Dagdag ni Tita.
“Ano pong oras ng klase ko?” please ayaw ko ng maaga msyado.
“Alas diyes.” Habang nakatingin padin si Tita sa daanan.
“Sige po. Asan po pala si Uncle?” kasi kilala ko si Tita, hindi to lalabas kapag hindi kasama si Uncle eh.
“Nasa bahay. Nag hahanda ng kakainin natin.”
Tumango tango na lamang ako.
……..KINABUKASAN……….

BINABASA MO ANG
Destiny's Game (On-Hold)
RomansaSomewhere between the boundary of LOVE and FOREVER lies DESTINY.