Si Jacob na ang bago naming photojournalist. Actually, sabi ko kay Mrs. Ramirez, adviser ng Ang Tinig, hindi siya pasado sa’kin sa interview. Ikaw ba, tatanungin mo kung bakit niya gustong mag-join tapos ang isasagot sa’yo “Because ypu’re here… gusto kita makasama ulit.” Anong sagot yun ‘di ba? Dinaan ka sa pick up line? Tapos eto pa… tinanong mo kung ano yung magagawa niya for the organization ang isasagot sa’yo hindi daw niya alam. Wala daw siyang maio-offer. Ipapasa mo ba yun?
Pero si Mrs. Ramirez nagustuhan niya yung mga photos ni Jacob. Magaganda naman kasi talaga. Napaka-artistic at creative niya. Para na nga siyang professional photographer eh. Family lahat ng nasa pictures. Puro stolen… sa park, sa mall, sa star city at enchanted kingdom. Masasaya, nagtatawanan… at buo. Pero kahit masasaya yung nasa pictures lungkot yung naramdaman ko… siguro dahil naiinggit ako sa masasayang pamilya na nandun sa pictures… siguro din kasi ramdam ko yung pain nung taong kumuha ng mga yun… alam ko kung bakit family yung theme niya. If only a happy and complete family can be stolen by simply taking a stolen picture of them…
Waley na waley yung ibang applicants kay Jacob kaya ayun sabi ni Mrs. Ramirez siya na daw yung kunin namin. Tsaka para naman daw magkaroon ng gwapo sa team. Para daw pag magpapa-meeting siya may makikita naman daw siyang kaaya-aya sa paningin niya. Ay? Pag gwapo talaga o maganda ka mabilis makakuha ng pabor sa tao e ‘no? Nadadaan sa charm.
“Wala akong facebook account,” sabi ni Jacob. Tinanong ko kasi siya anong FB account niya para ma-add ko siya sa sa FB group namin.
“Ano? Wala kang FB account? Tao ka ba?”
“Hindi ko naman kailangan yun eh. Puro picture lang naman ng mga taong walang magawa sa buhay ang makikita ko dun. Tapos ginagawang diary yung facebook. Lahat na lang pinopost kulang na lang pati pangungulangot nila i-post nila eh. Pakiaalam ko naman sa mga buhay nila?”
“Anong pinaglalaban mo?”
“Ikaw.”
Tinignan ko siya ng masama. Puro kasi siya ganyan eh. Wala na siyang ibang ginawa kundi pumick up line sa’kin. Alam mo yun? Pinu-push niya talaga yang JaLine loveteam na yan. Ngayon lang ako nakakilala ng taong siya mismo yung nag-iisyu sa sarili niya. Kulang talaga sa pansin. Kainis.
“Sige pick up line pa. Tutusukin ko yang eyebags mo.”
Hinawakan niya yung eyebags niya. “Lakas mo din mang-asar ‘no?”
“Eh ikaw eh. Lakas din ng trip mo eh. Oy teka nga lang. Tara nga dito gawa tayo ng FB account mo. Kailangan mo yan kasi dito nagco-communicate at nagpopost ng announcements.”
“Tssss. Di na kailangan niyan. Lagi naman tayong magkasamamg dalawa eh. Sabihin mo na lang sa’kin.”
“Ang arte mo. Bahala ka na nga sa buhay mo. Lumayas ka nga sa harap ko. Kakairita ka.”
“Paano ko naman magagawang lumayas sa harap mo kung kahit saan ako humarap ikaw ang nakikita ko?”
Tinutok ko yung ballpen na hawak ko sa eyebags niya dahilan para mapaatras siya.
“Hey easy. Sige na aalis na ‘ko.” Tumayo siya sa upuan. “Balik na lang ako mamaya.”
“Sige kahit ‘wag na.”
“Wushu. Pakipot pa. Natatakot ka lang ata ma-in love sa’kin kaya ayaw mo sumakay eh.”
Magsasalita sana ako pero tumalikod na siya. “Bye! See you! Love you!” Sabay wave ng kamay niya habang nakatalikod.
“Love you ka diyan! Love you your face! Bwiseeeeeeeeeet!”
Lumabas na siya ng pinto at rinig na rinig ko yung tawa niyang pang-gag show.
BINABASA MO ANG
The Fourth Time
Romance"Paano mo ba malalaman kapag RIGHT TIME na?" Kung natanong mo na 'to, para sa'yo ang kwentong ito.