Chapter 1: BATA PA TAYO

365 9 11
                                    

Grade 3. First day of school. Pumasok yung teacher namin sa classroom kasama ang isang batang lalaki. Nakayuko ito habang naglalakad. Yung muka niya medyo natatakpan ng bangs niya na medyo mahaba. Miyembro ba ‘to ng F4? Buti pinapasok siya ng guard sa ganyang hair style? Eh ang alam ko dapat yung boys parang pang-sundalo ang gupit eh. Tapos gulo-gulo pa, parang di nagsuklay.

Tumigil sila sa tapat ng blackboard. Nakayuko pa din siya. Mahiyain ata?

Inakbayan siya ni Teacher at pinakilala sa klase.

“Class, meet your new classmate. He is a transferee.” Tinapik siya nito sa balikat. “Daniel, come on. Introduce yourself.” [A/N Daniel, pronounced as Danyel]

Unti-unti niyang inangat yung ulo niya at ngumiti. Yung parang mapupunit na yung labi niya. Yung kaninang mahiyaing bata naging mukang palakaibigan bigla.

Tugs. Tugs. Tugs.

Napahawak ako sa may dibdib ko. Bakit ganun? Bigla na lang na naging abnormal yung tibok ng puso ko. Ang bili-bilis na para akong nakipaglaro ng mata-mataya.

“Hi! My name is Daniel Jacob Benavidez, 8 years old. I came from Taguig. I’m nice, funny and friendly, so I hope you guys would like me.”

Si Daniel… ang cute niya.

Lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Pagod ba ‘ko? Hindi eh… hindi pagod yung nararamdaman ko eh… ako ay parang… nae-excite?

Hala, baka may sakit ako sa puso? Mamamatay na ba ‘ko? Oh hindeeee!!! Bata pa ‘ko!!!

Hindi ko na kaya, aatakihin na yata ako sa puso. Nagtaas ako ng kamay at tinawag ang teacher namin.

“T-teacher! T-tulong! Y-yung… yung… puso... ko po… s-sobrang bilis ng tibok… d-dalin n’yo po ako sa ospital!”

Hindi ako dinala sa ospital, sa clinic lang. Tinanong ako nung nurse kung ano daw yung huli kong ginawa bago ko naramdaman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Nung sinabi kong ngumiti at nagsalita lang yung bago naming classmate tapos bumilis na ng ganun, tumawa yung nurse at teacher ko. At ako, hindi ko ma-gets. Ang labo eh. Ganun na lang yun? Hello? Baka po may sakit sa puso ang estudyante n’yo tapos tatawanan n’yo lang?

Pagbalik namin ng teacher ko sa classroom, natatawa-tawa pa din siya. Baliw na ata.

Pinaupo niya sa tabi ko si Daniel. Sa totoo lang, may nakaupo na talaga sa tabi ko eh. Sa last row na lang may bakanteng upuan. Pero pinalipat ni Teacher yung unang katabi ko.

“Francis, okay lang naman sa’yo sa likod ‘di ba? Near sighted kasi ‘tong si Daniel kaya kailangan sa harap siya nakaupo.”

Parang nagulat si Daniel sa sinabi ni Teacher kaya napatingin ako sa kanya. “Po? Pero-“

Naputol yung sinasabi niya nang magsalita ulit si Teacher.

“Alright. So now let’s move on to the election of class officers.”

“Pero color blind ako, hindi ako near sighted.” Bulong ni Daniel sa sarili. Nagtaka naman ako bakit sinabi ni Teacher na near sighted siya eh hindi naman pala. Pero siguro nakalimutan lang ni Teacher na color blind siya at hindi near sighted. Sabagay pareho namang deperensya sa mata yun. Nalito siguro siya. Hmmmm... pero color blind si Daniel? Kakaiba pala ‘to eh. Nabasa ko kasi sa libro nung college na anak ng pinagtratrabahuhan ni papa na yung color blindness ay inability or decreased ability to see color or perceive color differences, under normal lighting conditions. Buti kinabisado ko. Yung mga taong color blind hindi naman totally na hindi sila nakaka-identify ng color, hirap lang sila. May kinalaman ito sa genes, pero pwede din naman physical or chemical damage ng eye. Usual  ito sa mga lalaki. Tapos may iba-ibang classification yung color blindness. Yung hirap sila na ma-identify yung red, blue or green tapos may iba as in black and white lang yung nakikita nila sa paligid. Weird ng mga color blind ‘no? Gaano kaya kalala yung pagiging color blind ni Daniel? Itatanong ko mamaya. O siguro pag naging close na lang kami.

The Fourth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon