Chapter 11: ONE CALL AWAY

63 1 0
                                    


Geline's POV

"Oh."

Nanlaki yung mga mata ko sa inabot sakin ni Jacob. Dalawang VIP tickets sa concert ni Daniel on Nov. 15 na mismong birthday ko.

"OH MY GOOOOOSH! Seryoso ba ‘to, Jacob? Waaaaaaaah!" Niyakap ko siya sa sobrang saya ko. Naramdaman ko na niyakap niya din ako pero bigla niyang binaba yung mga kamay niya at tinanggal niya yung yakap ko sa kanya. Medyo nagulat nga ako eh kase clingy yan sakin si Jacob eh, makahawak nga yan sakin feeling niya boyfriend ko siya eh. Tapos ngayon... weird. Well, baka nag-oover react lang ako. Tsaka di na mahalaga yon. Ang mahalaga ngayon sakin may ticket na ako sa concert ni Daniel at take note, VIP! Waaaaah!

"Sobrang thank you, Jacob! Grabe!"

"Si Krizia talaga bumili niyan binayaran ko lang sa kanya."

"Iba talaga si Krizia."

"Oo. Iba talaga yon. Autistic yun eh."

"Jacob, tingin mo sino kaya isasama ko kina Doreen at Jez since dalawa lang yung ticket?"

"Wala."

"Ha? Bakit?"

"Wala kang isasama kase ako ang kasama mong manood niyan. Para sakin yung isang ticket."

Hinimas-himas niya yung ibabaw ng ilong niya gamit ang point finger niya na manirism niya.

"Weh?"

"Oo nga. Ayaw mo ba?"

Nakatingin siya sa ibang direksyon. Natatawa ako kase feeling ko di na siya kumportable sa pinag-uusapan namin. Nakakunot na yung noo niya at seryoso na yung ekspresyon ng muka niya. Hahahaha. Pano bwisit na bwisit yan si Jacob kay Daniel. Ayaw na ayaw niya pag nag-oopen ako ng topic about kay Daniel. Tapos ngayon manonood talaga siya kasama ko ng concert ni Daniel. Joke ba yon? Hahahahaha.

"Ano naman nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Wala."

"Baliw ka na."

Nag-walk out siya pagkatapos. Hala? Anong problema nun?
Minsan gusto ko na talagang maniwala kay Krizia na bipolar 'tong kapatid niya. Mangungulit buong araw tapos bigla-bigla na lang magsusungit. Ang inconsistent lang ng personality.

Sumunod na lang ako sa kanya since wala naman na akong gagawin dahil tapos na ang klase namin.

"Jacob!"

"Oh? Sino may sabi sayong pwede ka sumunod?"

"Bakit? Di ako pwede sumama? Pero pag ako may ganap di pwedeng di ka kasama?"

"Tssss. Oo na. Dami sinasabi."

"Problema mo ba, Jacob? Bat nagsusungit ka diyan? Meron ka?"

Di siya sumagot. Tinignan niya lang ako ng matalim tapos pa-side. Pa-bad boy look. Kainis.

Pero… Ang cute niya. Ewan ko ba. Nagiging cute siya sa paningin ko nitong mga nakaraang araw.

"San ba punta mo?"

"Dito lang." Huminto siya sa tapat ng band room. "Makiki-jamming sa practice ng banda nina Luke at Niccolo."

"Kasama ka na sa banda nila?"

"Hindi. Makiki-jamming lang. Para namang kaya kong kumanta sa harap ng madaming tao."

Meron kaseng battle of the bands na gaganapin sa Friday night dito sa school. Kasali yung banda nina Luke at Niccolo. Tapos yung mananalo dun ilalaban sa interschool battle of the bands next week.

The Fourth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon