"Nasa'n si Jacob, Luke? Ba't absent siya?" Tanong ni Jez. Katatapos lang ng klase. Nasa milk tea house kami ngayon malapit sa school.
"Ewan ko," sagot ni Luke. "Tanong mo kay Geline. Sila lagi magkasama eh."
"Hindi ko alam," sagot ko.
Muse hindi muna kita masusundo. Hindi ako papasok. Yan lang yung sabi niya sa txt niya kaninang umaga. Tapos hindi na nagparamdam buong araw. Tinatawagan ko din hindi naman sumasagot.
"Weh? Pwede ba yun? Eh magdo-dota nga lang yun tatanong pa sa'yo kung pwede eh." Sabi ni Doreen.
"Wala siyang sinabi?" Tanong ni Luke. "Hindi ba nagte-txt sa'yo?"
"Wala. Hindi nga sumasagot sa tawag."
"Sa'yo Niccolo?"
"Hindi din. Sa'yo ba?"
Umiling lang si Luke. Hindi ko alam kung ako lang 'to pero parang may pag-alala sa muka nila. Tapos nagtinginan sila ni Niccolo na parang may ibig sabihin.
"Hala nasa'n kaya yun?" Sabi ni Doreen.
"Geline, puntahan mo kaya sa kanila?" Sabi ni Luke.
"Ha? Bakit ako? Bat di na lang kayo?"
"Eh bakit hindi ikaw? Basta, ikaw na. Sa'yo lang naman nakikinig yun. Sige na, alis ka na."
"Nagmamadali?"
"Oo. Bilisan mo na."
"Teka, bakit ba? May problema ba si Jacob? Alam n'yo naman yata eh."
"Pupuntahan mo naman siya di ba? Ikaw na magtanong. O sige na. Alis ka na. Bye, Geline!"
"Ay grabe siya. Grabe yang boyfriend mo Jez ah." Tapos tumayo na 'ko sa upuan at umalis. Kainis.
JACOB'S POV
"Can DJ go with us? Mom? Dad?"
"No." That was a very, very familiar voice. The voice that I hated to hear.
"Please?"
"No."
"But mom—"
"Didn't you hear me, Krizia? I said no."
"But why not?"
"Para sa pamilya lang ang bahay na yon."
"Mom! Pamilya si DJ. He's my brother!"
"How many times do I have to tell you that he's not part of this family? That boy is a bastard."
"Will you please stop calling him like that, mom? He's not a bastard. He's my brother and I love him!" Nanginginig yung boses ni Krizia. Parang iiyak na siya. She's always like that... and I hate it. I hate her. "Dad? Wala ka man lang bang sasabihin?"
"Just listen to your mom. DJ won't go with us." And that voice. The voice of the man I wish never existed. So I never existed too.
"I can't believe you, dad. He's your—"
Natigilan si Krizia nang makita niya akong pumasok ng pinto. I don't want to hear her next word. It will just make me feel sick.
Natuluyan na siyang umiyak nang makita niya ako tapos tumakbo siya paakyat ng hagdan.
Tinignan ako ni tita Victoria mula ulo hanggang paa.
"Look at yourself. What are you wearing? And when was the last time you go to a barber shop? Is it really too hard for you to look even a little presentable? You look like a delinquent. For a Benavidez, you're a shame."
BINABASA MO ANG
The Fourth Time
Romance"Paano mo ba malalaman kapag RIGHT TIME na?" Kung natanong mo na 'to, para sa'yo ang kwentong ito.