GELINE’S POV
Yung feeling na sa tuwing makikita mo siya.. Ayaw mo na siyang makita.
Haay. Ang ironic nga eh. Nung wala pa siya gustong gusto ko na makita siya ulit. Ngayon namang nandito na siya nabwibwisit naman ako pag nakikita ko yung pagmumuka niyang gwapo nga babaero naman. Alam mo yung kabago-bago niya dito sa school, wala pa nga siyang isang linggo kung sinu-sino na yung babaeng kaharutan niya as in define malandi talaga. Haist. Alam mo yun? School po kaya 'to hindi motel. Tama bang dito makipaglampungan? Ang manyak niya. Kainis. Hindi na nahiya sa madlang people.
Bukod sa kalandian niya madami pa siyang ginagawa na talagang ang lakas makapangbwisit. Nananadya talaga eh.
Halimbawa na lang nung Tuesday di ba wala na nga ako nun sa mood dahil narinig ko na naman yung Dati na ang lakas maka-throwback Thursday kahit hindi naman Thursday. Nasa library ako, gumagawa ng assignment. Si Jacob umupo sa harap ko. Nung una hindi ko na lang pinansin. Tahimik lang naman siya at may ginagawa din. Kaso maya maya sinumpong na siya ng kaabnormalan.
"Gel may lapis ka?" Pinahiram ko siya ng lapis.
"Gel may eraser ka?" Pinahiram ko siya ng eraser.
"Gel may ballpen ka?" Pinahiram ko siya ng ballpen.
"Gel may papel ka?" Binigyan ko siya ng papel.
"Gel may liquid eraser ka?" Pinahiram ko siya ng liquid eraser.
"Gel may colored paper ka?" Binigyan ko siya ng colored paper.
"Gel may oil pastel ka?" Pinahiram ko siya ng oil pastel.
"Gel may--" Binato ko siya ng bag ko.
"ANO BA? LAHAT NA LANG BA HIHIRAMIN MO? WALA KA BANG SARILING GAMIT? KUNG ANO PA YUNG MGA HIHIRAMIN MO AYAN NA YUNG BAG KO IKAW NA LANG KUMUHA. ANG LAKI MONG ISTORBO EH."
"Eh sino ba kasing may sabi sa'yo na nanghihiram ako? Meron din ako ng mga yan. Eto oh.." Binuksan niya yung bag niya at meron nga din siya nung mga gamit na yun. "Hindi ako nanghihiram. Nagtatanong lang ako. Curious kasi ako kung meron ka ng mga bagay na yun. Hehehehehe."
Ang ending, pinalabas kami pareho ng library.
Nung Wednesday naman, ako kasi yung official na tagalista ng noisy at standing ng klase namin effective nung araw na yun. Tapos dos ang bayad bawat lista. Ine-expect ko si Jacob ang magiging topnotcher sa listahan pero nung araw na yun sobrang tahimik niya. Hindi siya nagsasalita. Isang beses lang siya nalista, standing pa.
Nung uwian na inannounce ko na yung mga nalista tapos nagsipagbayad na din sila. Lumabas na lahat ng mga kaklase namin, kami na lang ni Jacob yung natira sa room. Nilapitan ko siya sa upuan niya.
"Bayad mo?"
Inabutan niya ako ng isang libo.
"Ano yan?"
"Pera."
"Ah kala ko kasi ice cream," sarcastic kong sagot. "Oo alam ko pera pero bakit isang libo? Dos lang yung lista mo. Barya barya lang ho sa hapon."
"Wala akong barya eh. Suklian mo na lang ako."
"Tingin mo may isusukli ako dyan? Bukas ka na nga lang magbayad. Kainis." Paalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas.
"Wag na natin ipagpabukas. Ayoko ng may utang. Tara sa canteen samahan mo ako magpabarya."
Habang naglalakad kami papunta sa canteen iniisip ko kung bakit nauuso yung mga kwento na yung babae hinihila kung saan saan nung lalaki. Example na lang niyan sina San Chai, Jan Di, Julia ng The Heirs tapos pinoy version sina Chichay, Athena at Eya. Mga kaladkaring babae.
BINABASA MO ANG
The Fourth Time
Romance"Paano mo ba malalaman kapag RIGHT TIME na?" Kung natanong mo na 'to, para sa'yo ang kwentong ito.