Pinaupo ni Mrs. Feliciano si DJ sa first row sa right side (kung nakaharap ka sa black board). At wala pa siyang 30 minutes na nakakaupo everybody’s bestfriend na siya. Kabag-bago neto bumabangka na agad eh. Ang dami niyang kwento at jokes, karamihan puro kalokohan naman. Aliw na aliw naman sila. Kahit nga si Mrs. Feliciano natatawa sa kanya eh. Kahit nung grade 3 pa lang kami may ganito na talagang dating si DJ eh. Pansin ko ‘to noon pa eh. Lively at masaya yung paligid pag nandyan siya. Yung tipong good vibes lang. kaya gustong-gusto siya ng lahat noon.
Papansin siyang bata noo. Pero hanggang ngayon pala may ADHD pa din siya. Parang lumala pa nga ata yung kundisyon niya eh.
“Ang cute ni Jacob ‘no?” Sabi ni Doreen sabay siko sa’kin pero mahina lang naman. Nabalik tuloy ako bigla sa reality. Pero teka? Sino naman si Jacob. Ahhhhh. Oo nga pala mukang di na niya ginagamit yung palayaw na DJ. Wag din daw Daniel, Jacob na lang daw. Sa totoo lang nung mga bata kami never kong narinig na may tumawag sa kanyang Jacob, either Daniel or DJ lang pero mas madalas yung DJ. Kaya yung Jacob di ako sanay.
“Ang gwapo niya sobra,” sabi ni Jez. “Akala ko nga kanina artista eh.”
“He’s so hot,” sabi naman ni Doreen. Narinig ko na naman yang term nay an. Medyo di ako kumportable. Parang ang halay kasi.
“I agree. Sobrang hot.” Ay? Nag-agree pa ‘tong isa. Kainis. Ewan ko ba ba’t naging kaibigan ko ‘tong dalawang ‘to, ang haharot eh.
“He looks like Daniel Padilla pa,” sabi ni Doreen. “Ikaw Geline hindi ka ba nacucutan kay Jacob?”
Sobrang nacucutan. Crush ko nga siya nung grade 3 kami eh. “Sakto lang.”
“Ano? Sakto lang? Kanina ka pa nakatitig sa kanya tapos sakto lang?”
Ay shocks oo nga, kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. Sobrang hindi kasi ako makapaniwala na after 7 years makikita ko siya ulit kaya tinitingnan ko siya ng maigi kung totoo ba talaga siya o apparition lang o imagination ko lang. mamaya pag nagkaroon ako ng pagkakataon kukurutin ko siya, pag umaray ibig sabihin totoo siya. Pero siyempre joke lang yung huli kong sinabi.
“Ang ingay kasi niya kabag-bago pa lang. Nakakairita. “
“Ay? Nakakairita agad? Yung gwapong yan nakakairita?” sabi ni Jez na may panlalaki pa ng mata.
“Eh ba’t ang haharot n’yo? May mga boyfriend na kayo tumitingin pa kayo sa ibang lalaki? Isumbong ko kaya kayo kina Luke at Niccolo.”
“Eh ba’t ang init ng ulo mo? Meron ka girl? PMS lang?” Sabi ni Doreen sabay tawa pati si Jez. “Parang di mo naman alam na hanggang pag-appreciate lang naman kami ng kagwapuhan ng isang lalaki pero siyempre pinakagwapo pa din sa’min yung mga jowa namin.” Jowa. Ayan pa yung term na yan na ang pangit sa pandinig.
“Taaaaama! Tsaka Geline pag ganito kami na sobrang puri sa guy alam mo na kung bakit,” sabi ni Jez. Tapos tumawa na naman sila.
“Bagay kayo ni Jacob,” sabi ni Doreen. “Yeeeeee.”
“Utang na loob kalimutan mo na yung mysterious childhood sweetheart mo ha,” sabi ni Jez. “Dito ka na kay Jacob.” Yun na nga eh. Iisa lang sila.
“Jez, Doreen… may kailangan kayong malaman.”
“Ano yun?” tanong nila pareho.
Sakto biglang nag-bell. Recess na. Yung mga kaklase ko automatic na nagtayuan sa mga upuan. Nag-uunahan pang maglabasan sa pinto.
“Girl, mamaya mo na lang sabihin kung ano yung sasabihin mo,” sabi ni Doreen habang tumatayo sa upuan. “Tara na sa canteen. May ipapakilala daw sina Niccolo sa’tin.”
BINABASA MO ANG
The Fourth Time
Romance"Paano mo ba malalaman kapag RIGHT TIME na?" Kung natanong mo na 'to, para sa'yo ang kwentong ito.