Chapter 10: THE DENYING GAME

40 1 0
                                    


"A... jay? Ajay? Batman? As in Ajay Cabrera? Ikaw ba talaga yan?"

"Yes, Geline. It's me." Tumawa siya ng mahina, medyo paos tapos naubo siya. Pansin ko sa boses niya na parang hirap siya magsalita. Para siyang... para siyang may sakit.

"Ajay? Okay ka lang?"

"Kamusta ka na, Geline? I... I miss you." Sobrang lungkot ng tono niya. He sounded weak, really weak. Parang... parang gusto kong maiyak.

"Geline? Are you still there?"

"Oo. Nandito pa ako. Okay naman ako, Ajay. Ganun pa din. Wala namang nagbago."

"Sure? Wala talagang nagbago?"

"Oo... maliban sa... maliban sa nagkita na ulit kami ni... Ajay? Bakit nga pala hindi mo sinabi sa'kin na magkakilala pala kayo ni Jacob?"

Hindi siya sumagot. Hinga lang yung narinig ko sa kabilang linya.

"Ajay?"

Umubo ulit siya. This time medyo nag-alala na ako kasi iba talaga eh.

"Ajay? Okay ka lang ba? May sakit ka ba? Teka, nasan ka ba? Ang tagal ka na naming hinahanap."

"I'm sorry, Geline."

"Sorry?"

"I'm sorry for not telling you everything..."

"Ajay, anong—"

"Can't wait to see you again, Geline. I miss you... I really, really miss you. Words are not enough to describe how much I do."

"Ajay... miss ka na din namin ng sobra..."

Pero hindi na niya narinig yun kase nag-hang up na siya. At ako... nakatitig ako ngayon sa cellphone ko. Iniisip ko kung totoo ba na si Ajay talaga yung nakausap ko o pinagtritripan lang ako ni Luke o Niccolo. O baka naman nananaginip lang ako. Kinurot at sinampal ko yung sarili ko. Hindi... hindi ako nananaginip dahil hindi pa ako natutulog.

Totoo. Totoong si Ajay yung nakausap ko...

Batman is back.

Bangag ako nung pumasok ako sa school. Hindi kasi ako nakatulog kagabi. As in kahit 5 minutes wala akong tulog. Alam mo nangyari na 'to eh. Ganito din ako nung araw na nagkita ulit kami ni Jacob. Lord, ano ba 'to? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ano bang meron sa dalawang magkaibigan na 'to?

"Gel, okay ka lang ba?" Tanong ni Jacob. "Kanina ka pa walang kibo diyan. Tsaka bakit ang laki ng eyebags mo? Ginagaya mo ba 'ko?"

Nasa classroom kami ngayon, naghihintay sa teacher naming.

"Nakausap ko kagabi si Ajay."

Nag-iba yung expression ng muka niya pagkasabi ko nun. Naging seryoso siya bigla.

"Tinawagan ka pala talaga niya."

Napansin ko na hindi yun tanong. Statement.

"Alam mo?"

Tumango siya.

"Nakausap ko din siya. Bago siya tumawag sa'yo."

"Talaga? Anong napag-usapan nyo? Anong sinabi niya sa'yo?"

Hindi siya sumagot. Hindi din siya makatingin sa'kin. Parang may something. Ayoko mag-assume pero parang may mali eh.

"Jake, yung totoo lang. Kelan pa kayo may communication?"

Hindi siya sumagot agad. Tapos bumuntong hininga siya.

"We never lost communication, Gel. We talk almost everyday. I'm sorry, Gel. Sorry hindi ko sinabi. I just need to keep my promise."

The Fourth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon